Chapter 11: Can't Be Tamed

5K 110 83
                                    

GEORGINA'S POV

 

Dumaan pa kami ni Duke sa Robinsons Galleria to buy something and played a lot of arcade games bago umuwi. We played basketball, whac-a-mole, House of the Dead and my favorite videoke session! I sang a lot of songs, hinayaan lang ako ni Duke na bumirit nang bumirit.

We were so tired, but what the heck! We had so much fun.

"Paano Chicks, hindi na ako tutuloy ha, medyo late na eh." sabi ni Duke nang naihatid ako. Nasa labas kami ng gate ng bahay namin.

"Okay lang. Thank you, Chaks. Sige na, babush!" pagtataboy ko sa kanya at tumalikod na para buksan ang gate.

"Chicks!" tawag niya sa akin.

Nilingon ko siya. "Oh? May nakalimutan ka?"

Nag-aalangan siyang lumapit sa akin. He put his hands inside his pocket and gave me a lazy smile. "Ano kasi.."

Tumawa ako ng mahina. Nakakatawa, ang tagal tagal na naming mag-bestfriend, ngayon pa siya nahiya. "Ano nga?"

Lumapit lalo si Duke sa akin. We were a few inches away and I could feel his breath on my face. Oh Lord, what is he doing? 

"Pa- Paano kung manligaw ako sayo? Paano kung sabihin ko sayong gusto kita?" 

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, "Huh?!"

"Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula, basta ang alam ko palagi kitang hinahanap-hanap kapag hindi kita nakikita. Palagi kitang naiisip. Kahit anong gawin ko, hindi ka mawala sa isip ko, Chicks." dugtong niya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Seryoso ba siya? Gusto kong sumagot pero sa pagkakataong ito tila ba umatras ang dila ko. Ilang taon din akong naghintay. Ilang taon kong ipinagdasal na sana dumating ang araw na ito, at ngayong dumating na nga ang araw na ito, saka naman wala akong masabi?

Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa kanang pisngi ko.

"Hey, why are you crying?" He wiped my tears away and smiled at me.

"I- I am just happy." Sa wakas nahanap ko rin ang boses ko. My heart is beating faster. I am drowning with these overwhelming feelings.

He stared at me and gently cupped my cheeks with his hands. "Chicks.. Puwede ba kitang ligawan?"

I smiled back at him while crying. "Oh Chaks, if you only know how much I waited for this moment. Yes! The answer is yes, Chaks."

He put his hands away from my face and put it back in his pocket. "Yes! Nadala ka ba, Chicks? Okay ba? Sa tingin mo ganoon din ang reaction ni Tracy kapag iyan ang sabihin ko sa kanya?"

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon