Notebook And Pen

1.6K 27 7
                                    

So ito po ang susunod kong story. Sana po suportahan niyo din kahit na hindi VhongAnne or ViceRylle. Nasa multimedia po ang trailer. Gawa ko po iyan. Hihihi! Sana magustuhan niya. Nasa external link na rin po ang url ng story para hindi kayo mahassle. :)

* * *

Paano kung ang ginamit mong tauhan at cover photo sa kuwentong isinulat mo sa Wattpad ay ikaw mismo at ang iyong super duper ultimate crush?

Ang saya di ba?

Eh paano kung ang kuwentong akala mo eh hindi mapapansin ay nag-Top 1 trending list sa Wattpad at dinumog ng libu-libong readers, votes, and comments?

Heaven di ba?

Paano pa kaya kung tinawagan ka ng isang sikat na publishing company para mai-publish ang kuwento mo at sa di inaasahang pagkakataon ay naging bestseller ito?

 Haaay pwede ka na sigurong mamatay,

Teka, teka lang huwag ka munang mamamatay!

Saka na kapag kumatok sa condo unit mo ang super duper ultimate crush mo na umuusok ang ilong sa galit, dahil nagnakaw ng pictures niya ang author nito at nagbanta na kakasuhan siya for illegally grabbing his pictures!

Aamin ka kayang ikaw ang mysterious author nito? O magpapanggap na kahit ikaw ay galit na galit din sa author sa paggamit ng pictures mo?

pilosopongbasha (c) 2014

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon