Chapter 46: Bucket List

2.8K 63 80
                                    

INSPECTOR STEFAN GONZALES’ POV


Pards, mauna na ako sayo ha. Birthday ni misis, alams na baka ma-outside kulambo pa ako kapag hindi ako umuwi ng maaga. Ikaw din, huwag ka ng masyadong magpuyat.” 


Nag-angat ako ng tingin at sumaludo sa partner ko. “Sige, sige tatapusin ko lang ‘to. Pakibati na lang ako ng Happy Birthday kay Jam. Ingat pards.”


Nang makaalis si Greg itinuon ko na ulit ang atensiyon sa hawak-hawak kong papel na naglalaman ng call records ni Tracy Pascual. Kanina ko pa pinag-aaralan ‘to kasi parang may mali. Sa dami ng numbers na nandito sa record, outgoing and incoming, may iisang number ang nakatawag ng pansin ko. Malakas ang kutob ko na may kinalaman iyon sa nangyari noong gabing dinukot si Georgina Aquino dahil bukod sa ilang beses na lumabas ang number na iyon sa record noong araw na iyon, ito pa ang madalas niyang kausap bago pa mangyari ang insidente. Parang dalawang tao ang may kinalaman sa nangyari kay Georgina, si Tracy at ang taong nagmamay-ari ng number na iyon.

Isa pa sa pinagtatakhan ko eh madalas niya iyong kausap pero bakit hindi naka-save sa phonebook ng cellphone ni Tracy ang number na iyon?

Napasandal ako sa upuan at pinaikot-ikot ang hawak na sign pen sa daliri. Inilapag ko ang papel at napatingin sa kawalan habang nag-iisip. Kung madalas niyang makausap ang may-ari ng number na iyon bago pa mangyari ang lahat, hindi kaya may mas malaking bagay pa ang nagtatago sa likod ng insidente? Na hindi naman talaga selos lang ang dahilan kung bakit pinakidnap ni Tracy si Georgina? Kung ano man ang plano na iyon at kung sino ang tao sa likod nito ay iyon ang dapat kong malaman.

Nagmamadaling tumayo ako at isinuot ang jacket nang may napagtanto. I have to prove my hunch before it’s too late. I need to find Tracy before the person behind this finds her.


***

GEORGINA’S POV

To be honest, hindi ko alam ang gagawin ko. Napako na lang ako sa kinatatayuan ko with my jaw dropped and wide-eyed gaze at Duke. Tatakbo ba ako? Pero para saan pa? Magtatago sa buhok ko o sa hawak kong libro? That’s an outrageous idea! Bakit pa ako magtatago eh nakita na nga niya ako?

Pakiramdam ko lahat na ata ng dugo ko umakyat sa ulo ko at tumigil sa pisngi. I bet my face is now tomato red. Nararamdaman ko kasing ang init ng pisngi ko tapos dumagdag pa ‘tong puso ko na parang may nagkakarerang mga higanteng elepante. Yes, hindi lang elepante. Kundi higanteng elepante. Sa sobrang lakas ng kabog nito hindi na ako magtataka kung mas marinig ko pa iyon kaysa sa hiyawan ng mga taong nakapaligid sa amin.

Napakalayo naman ni Duke sa akin pero parang hindi na ako makahinga. Oh boy, pakiramdam ko mahihimatay ako any moment by now. Kapag mangyari iyon kasalanan niya iyon and he has to do something. He has to give me a cardiopulmonary resuscitation. Madali lang naman iyon di ba? Ididikit lang naman niya ang labi niya sa labi ko and olala! Magigising na ako. Oh my God bakit ako na-eexcite sa idea na iyon? Geez. I have never been kissed before pero ako pa 'tong nag-iisip ng ganoon.

Pero paano kaya kung mangyari iyon? Bigla na lang ako mahimatay ngayon tapos tatakbo siya palapit sa akin. Siyempre ipa-pump niya chest ko tapos kapag hindi ako magising, bibigyan niya ako ng kiss. Yes, a kiss. I’d like to call it a kiss instead of CP-

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon