Chapter 29: Love In Da Club

4.1K 60 24
                                    

GEORGINA'S POV

Isinama namin ni Duke sina Jacob, Joyce at yaya sa concert ng local band sa party zone ng resort. Isasama sana namin sina mommy kaya lang masyado na daw silang napagod ngayong araw kaya minabuti na lang nilang magpahinga, lalo na si tito. Nabugbog ang katawan ng matanda dahil sa kakaaral na matutong mag-surf. I know it was rude to find it funny, but I couldn't help it. Ibibitin talaga ako ng patiwarik ni Duke kapag nalaman niyang pinagtawanan ko kanina ang papa niya.

Nasa open ground kami nakaupo habang sumasabay sa kanta ng banda. May nakita akong mga turista at ibang bakasyunista na nakasuot ng bikini top na nagsasayawan sa dance floor. Ang iba pa nga ay may hawak-hawak na bote ng alcoholic drink habang sumasayaw.

"Chicks, CR lang ako." pasigaw na paalam sa akin ni Duke at pinisil ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Bilang sagot, tumango ako sa kanya.

"Hi.." Nagulat ako sa biglang pag-upo ng estrangherong lalake sa tabi ko. Sino ‘to? Sa itsura pa lang nito mukhang hindi na mapagkakatiwalaan. I don’t know, may something siya na hindi ko mawari.

  

Lumingon-lingon ako sa paligid ko just to check kung ako ba talaga ang pakay niya, at nakita kong sa akin nga siya nakatingin at nakangiti. "Ah, hi?”

 

“I’m Marcus.” Inilahad niya sa akin ang palad niya para makipagkamay ngunit bago pa man ako makapagsalita, naunahan na ako ni yaya.

"Bibi, mauna na ako-"

"No!" bulalas ko.

Okay just to make it clear, nabigla lang ako sa sinabi niya. Hindi  ako galit.

"I mean, mamaya ka na lang umalis." This time malumanay na ang pagkakasabi ko.

"Bibi naman, malalagot ako sa mommy mo bokas kapag tinanghale ako ng gesing." Bakas sa mukha ni yaya ang pagmamakaawa. Parang isang anak na nagmamakaawa sa kanyang magulang na payagang mag-sleep over sa bahay ng classmate.

Okay, so that was a bad comparison.

As much as I want her to go, hindi rin pwede, kasi nga natatakot akong maiwan sa lalakeng katabi ko, na sa kasalukuyan at tinutunaw ako sa tingin. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na pinapungay pa niya ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ew! What's with those twinkling eyes? Star ba siya?

Or maybe he wasn’t intentionally twinkling his eyes; maybe he had just drunk too much alcohol kaya mapupungay ang mga mata niya which means lasing siya.

Oh, my, freaking gosh! Kung nakainom siya, ibig sabihin wala siya sa matinong pag-iisip, at baka mamaya may gawin siyang masama sa akin. Kikidnapin niya kaya ako tapos gagahasain? Oh God, no! Nakainom siya kaya hindi malayong mangyari iyon. Natataranta na ako pero hindi ko pa rin pinapahalata sa kanya. I need to do something before it's too late. I need to get out of here as soon--

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon