Chapter 21: Lie Low

4.7K 80 53
                                    

GEORGINA'S POV

Namayani ang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan. Simula nang umalis kami galing sa school, wala ni isa man sa amin ang bumasag sa katahimikan na iyon. Hindi ko alam kung anong pag-iinarte ang ipinaglalaban niya. Basta ako, nag-iinarte ako kasi hindi niya ako pinansin kanina. Alam mo iyong pakiramdam ng napahiya at hindi lang basta napahiya, nasaktan pa?

Para akong isang hangin na dinaanan lang niya, idagdag mo pa ang makita siyang may kasamang ibang babae. Gusto ko siyang hablutin, gusto ko siyang bawiin. Pero paano ko babawiin ang isang taong hindi naman talaga naging akin? Paano ko sasabihin sa kanya na ako ang karapat-dapat para sa kanya kung ibang tao ang tinitingnan niya? Paano ko sasabihin sa kanya na mas kaya ko siyang tratuhin ng mabuti kaysa kay Tracy, that he deserves me?

Hindi ko na talaga kaya ang magbulag-bulagan na hindi ako nasaktan kanina. Kailangan ko siyang tanungin kung bakit hindi niya ako pinansin at kung bakit siya pa ‘tong nag-iinarte.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob at nilingon siya, "Duke."

"Georgina." We met each other’s eyes at the same time.

Sabay din kaming tumawa ng pilit. We tried to cool things up, because I know that he was feeling the same thing. I know he knows that there is something wrong with us. We just called each other by our first name and that's unusual. Iginilid niya ang sasakyan sa isang bakanteng lote at pinatay ang ignition ng sasakyan. Malamlam na tumingin siya sa akin at ngumiti ng tipid.

Ano ba 'to? Bakit siya nagkakaganito? Whew! Kinakabahan ako sa kinikilos niya. Hindi ko na inisip ang hindi niya pagpansin sa akin kanina kasi mas nakakapagtaka ang kinikilos niya ngayon. Hindi niya na ako pinansin kanina, tahimik pa siya all throughout the ride and now tinawag niya ako by my name. What's going on? Mixed emotions were flowing in every inch of my veins. 

"Duke, may problema ba?"  Umiling siya at yumuko habang ang mga kamay ay nakapatong pa rin sa manibela.

Hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay at inuntag ulit siya. "Duke, I am asking you. What's wrong?"

Nag-angat siya ng mukha ngunit hindi siya humarap sa akin. Tila ba may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya iyon kayang sabihin o ipaliwanag.

I heaved out a sigh. Kung hindi siya magsasalita, siguro naman karapatan kong sabihin sa kanya na nasaktan ako sa hindi niya pagpansin sa akin. Na pinagmukha niya akong tanga kanina. Na nasaktan ako.

"Alam mo bang nasaktan ako, Duke? Ha? Alam mo ba iyon?" Gulat na napalingon siya sa gawi ko. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya at itinuon ang paningin sa kalsada. Ayokong makita niya ang mga luha sa mga mata ko na nagbabantang mahulog.

"Nakasalubong ko kayo ni Tracy kanina. Ang saya niyo pa nga eh." Pagak akong natawa nang naalala ko ang nangyari. They were happy. Masakit mang aminin pero bagay sila.

Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, hindi ko siya mawari. Bestfriend ko siya pero siguro dahil na rin sa may bagong dumating sa buhay niya kaya hindi ko na matukoy kung ano ang iniisip at nararamdaman niya.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon