Chapter 19: Good Morning Sunshine!

5K 89 64
                                    

GEORGINA'S POV

"Ikaw naman kasi tinatakot-takot mo pa ako, ayan tuloy napagkamalan kitang akyat bahay." Nag-aalalang saad ko habang nilalapat ang cold compressor sa cheekbone niya.

Paanong hindi magkakapasa eh hinampas ko siya ng maraming beses ng blower. Akala ko kasi akyat bahay! Nung nakilala kong siya pala iyon ay agad-agad ko siyang pinaupo sa kama para gamutin. Pumunta ako sa banyo para kumuha ng first aid kit. Pero wala na pala akong stock, kaya bumaba ako sa kusina para kumuha ng yelo at ibinalot iyon sa face towel. Iyon ang inilapat ko sa namamagang cheekbone ni Duke.

"Aray! Dahan-dahan lang please. Masakit eh." Hindi ko siya inintindi, bagkus diniinan ko pa lalo ang paglalapat ng cold compressor sa mukha niya. Medyo nainis ako sa kanya eh, ang dami kasing alam na kalokohan ayan tuloy nahampas ng blower.

Paano naman kasi hindi mahahampas eh tinakot ako. Bumalik daw siya para kunin ang naiwan niyang cellphone pero gusto niya with a twist. Umakyat siya ng terrace at nag-ala ninja. Ang siste! He didn't look like a ninja at all, rather he looked like a burglar.

"Aray!" hiyaw niya.

"Alam mo nakakatawa ka. Feeling mo naman ikaw si Rain Bi? Ninja Assasin ang peg mo ganoon?" Saad ko habang nilalapatan ng cold compressor ang pasa niya. Nakatayo ako sa harap niya para makita kong maigi ang pasa niya.

"Malay ko bang may sasalubong na blower sa akin. At saka sino naman si Rain? Hindi ko kilala iyon. Tch. Bading iyon noh?" 

Diniin ko ang compressor sa mukha niya dahilan na siyang kinahiyaw niya ulit. Nakalimutan na ba niya na bago pa nagkaroon ng Justin Bieber sa buhay ko ay meron muna akong Rain Bi na pinagpantasyahan?

"Aray! Nananadya ka ba? Akin na nga iyan." Inagaw niya sa akin ang hawak-hawak kong cold compressor. Hindi naman ako kumontra, nangangalay na rin kasi ang braso ko sa kakahawak ng compressor eh.

Umupo na lang ako sa tabi niya at sumandal sa headboard. Natawa ako nang nakita ko ulit ang itsura niya. Ngayon lang talaga pumasok sa isipan ko na may pasa siya sa mukha, at sa cheekbone pa. Pa-slant pa ang hugis ng pasa niya, mukha tuloy siyang Indian. Ayan ang napapala ng feeling action star, with a twist pala ha.

I giggled when I saw it again. Kinuha ko ang journal ko sa ibabaw ng bedside table para itakip sa mukha ko. Magagalit kasi si Duke kapag pagtawanan ko siya kasi hiyang-hiya na nga siya sa ginawa niya, pagtatawanan ko pa.

"Naririnig kita, Georgina." Sabi niya na hindi nakatingin sa akin. Abala pa rin siya sa paglalapat ng compressor sa mukha niya. Pagkuwa'y hahawakan ang pasa at ilalapat na naman ang compressor.

Ibinalik ko sa ibabaw ng mesa ang journal at lumingon sa kanya. Diyos ko, kulang na lang kurutin ko ang sarili ko para hindi matawa. Ayokong matawa, gusto kong maging seryoso kasi hiyang-hiya na si Duke at sumasakit pa ang pasa niya. Gusto kong sabihin sa kanya na wala naman akong ginagawang masama at wala din naman akong sinasabi. Gusto kong sabihin na nagkakamali siya ng iniisip, na kinuha ko lang ang journal ko para magbasa.

Pero ang mga naisip kong iyon ay biglang nagbago nang bigla siyang humarap sa akin. Bigla akong bumunghalit ng tawa nang sumalubong sa akin ang mukha niya. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Eh sino ba naman ang hindi? Mukha nga kasi siyang Indian! Eh may sapak ako ngayon, napapakanta ako sa isip ko ng nursery rhyme na 'One little two, little three, little Indians..'

"Sige ha. Ganyan ka. Akin na nga ang cellphone ko. Aalis na ako." Kinuha niya sa bedside table ang cellphone niya at tumayo, akmang aalis na.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon