Chapter 22: Unaware

4.5K 90 52
                                    

DUKE'S POV

Fuck. Bakit nakita ko pa siya? Mas lalo ko lang siyang namiss at ngali-ngaling yakapin nung unang beses ko siyang nakita kanina. Tapos ang sinabi ko lang ‘sup’? Tae ano iyon? Sa totoo lang ang awkward nun kanina. Ewan ko ba, na-tense ako eh.

Kung tutuusin dapat akong maging masaya dahil magkakaroon na ako ng mas maraming oras sa panliligaw kay Tracy. Naging mas close kami, nakilala ko siya lalo magmula nang pinalaya ako ni Georgina. Siya na ang kasa-kasama ko araw-araw kahit na hindi pa niya ako sinasagot. Pakiramdam ko nga, malapit ng maging kami dahil palagi naman kaming magkasama. Hatid sundo ko siya kapag weekdays, kapag weekends naman ay tumatawag ako.

Sa kabila ng pagiging maluwag ng schedule ko, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi maisip si Georgina. Iba pa rin kapag siya ang kasama ko. Kahit na manood lang kami ng sine sa bahay nila o maglaro ng X-box sa bahay, solve na ang Sabado at Linggo ko. Hindi boring na kasama si Georgina. Game siya kahit ano, kagaya nung mga bata pa kami. Kahit mga larong panlalake nilalaro niya, baril-barilan; tumbang preso; wrestling; tex; pog; kotse kotse; habulan; hampasan ng goma at kung anu-ano pa.

Ilang araw na ang nagdaan magmula nung huli ko siyang nakausap at ang ilang araw na iyon ay katumbas na ng ilang taon para sa akin. Napakahirap pala kapag wala siya. Napakahirap iyong bigla na lang mawawala ang mga bagay na nakasanayan mo na, lalong lalo na kung ilang taon mo iyong ginagawa. Kapag nagkakasalubong kami sa school, tango lang ang naibibigay ko sa kanya, at ganoon din naman siya sa akin. Damn! I wanted to leave Tracy and chase her instead. I wanted to tell her that all of this shit is fucking crazy! I miss her so much. I miss my bestfriend so much!

Namimiss ko iyong pagiging conyo niya. Iyong kaartehan niya na hindi nakakairita. God knows how much I want to climb to her terrace and see her, kahit saglit lang. Nakakamiss din pala iyong kakulitan ng babaeng iyon. Banas na banas ako kay Justin Bieber pero simula nang nag-lie low kami ni George, bigla ko lang na-appreciate ang bading na iyon. Dammit! Until now, I still couldn't believe that I watched Gaybier's concert on Youtube.

Ganoon ko ka-miss si Georgina. Kahit ang mga imposible kong gawin, nagawa ko ng dahil lang sa kanya. Wala eh, miss ko talaga siya. Ilang beses ko ding sinubukang tawagan siya pero nagpalit na pala siya ng cellphone number like what the fuck?! Pati ba naman iyon? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa sa amin. Nasasaktan ako, pero siya nasasaktan ba? Eh parang wala lang sa kanya na mawala pagkakaibigan namin eh. Basta basta lang niya tinapon ang labing apat na taon na pagiging matalik namin na magkaibigan. Shit talaga!

Nung tinext ako ni Joyce na pumunta kami ni Jacob sa pub hindi na ako nagdalawang isip pa. Alam kong nandoon si Georgina. Kahit man lang sa pagkakataong iyon ay makasama ko siya. Gusto ko siyang makita at gusto ko ding ihatid siya pauwi.

Pero tangina lang! 'Sup' lang nasabi ko nung nakita ko siya. Gusto ko sanang umupo sa tabi niya kaso naunahan ako ni Jacob! Gusto ko siyang sapakin eh, hindi marunong makiramdam. Badtrip talaga ako kasi gusto ko sanang makausap si George eh. Gusto ko ibalik iyong dati, gusto ko siyang pakiusapan na itigil na niya ang kalokohang 'to dahil nahihirapan na ako pero bago ko pa man masabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin ay bigla siyang tumayo at nagbanyo kasama si Joyce.

Shit! Makalipas ang kinse minutos na pag-aantay ko kay George ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tumambad sa screen ko ang numero at mukha ni Tracy. Tumatawag siya. Nagpaalam ako saglit kay Jacob para sagutin ang tawag na iyon. Lumabas ako saglit ng pub para hindi masyadong maingay at sinagot ang tawag. Emergency daw, iyong tatay niya nagwala na naman. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kaya nagpaalam na ako kay Jacob na pupuntahan si Tracy. Mas importante 'to dahil emergency kaysa sa sasabihin ko kay George. Mas kailangan ako ni Tracy ngayon.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon