Chapter 33: Rainbow After The Storm

3.8K 54 23
                                    

GEORGINA'S POV

Ang sarap ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Napapikit ako at dinamdam ang yakap ng hangin. I can't help not to smile. This feels so good, I could use a wind hug all the time. Yeah, I just invented that term. I know I am so stupid for not a having creativity, basta iyon na iyon.

Ang sarap sa pakiramdam. It's like drinking your favorite refreshment after a century of endless running. Is this what they call a breath of fresh air? Because if it is, lagi akong pupunta dito sa rooftop para maramdaman lang 'to araw-araw, literally and figuratively. 

When I love Duke, I forgot all of these little things that once made me happy. Simple lang naman akong tao. Simpleng hampas lang ng hangin, masaya na ako. I forgot how beautiful the sun is when it kisses the sea, the chirping of the birds, the feeling when you put the last piece of the puzzle, the sound of laughter, the taste of luscious peanut butter. I overlooked these simple things when I fell insanely in love. I let myself focused on the unrequited love and succumbed to the pain. 

It has been a week since that night. Hindi na nga kami nagpansinan ni Duke kahit iisang school lang kami, iisang village at magkatapat lang ang bahay namin. Iniiwasan ko na ring makasalubong siya. Sa totoo lang nahihiya ako sa kanya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil sa mga sinabi ko nung gabing iyon kaya mas mabuti na nga ring iwasan ko na talaga siya.

Isa pa, okay na ako. Nakahinga na ako ng maluwag dahil nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Nakakahiya man, pero at least alam na niya. Hindi ko na kailangang magpanggap that I am perfectly fine.

Well, heto ako ngayon sa rooftop. Katatapos lang ng klase namin at hinihintay ko si Chase. By the way, I gave him a chance to prove himself to me. He was every woman's dream kind of guy. Who would have thought that a ruggedly handsome guy like him has a boy next door heart? Pinatunayan niyang first impression never lasts. At dahil din sa kanya, nagkaroon ako ng drive na matutong mag-gitara. 

Napakislot ako nang may naramdaman akong dumampi sa balikat ko. I turned around and I saw the man who didn't give up on me, Chase. Ipinatong niya sa akin ang leather jacket niya sa akin at tumabi. Nginitian ko siya at sinuklian din naman niya iyon ng isa ding matamis na ngiti.

"Anong iniisip mo miss?" Itinukod niya ang dalawang siko sa railing at lumingon sa akin.

Natuwa naman ako sa kanya, hindi dahil sa tinanong niya ako kundi dahil sa tawag niya sa akin. He wasn't calling me baby anymore. Nakakakilabot kasi iyon eh. Miss na ang tawag niya sa akin and I like it. I feel like for the first time in my life there's someone who sees me as a lady. Na dalaga ako at may karapatang mahalin. Ipokrita ako kapag sinabi kong hindi ko naramdaman iyon.

I flashed a genuine smile at looked at him. "Well, I was just thinking about the little things that I missed. The silence, the wind.." I cocked my head to him and chuckled, "you.."

Namula ang pisngi ni Chase sa huling sinabi ko. Clearly he wasn't expecting that. Ngayon ko lang napansin na he was way cuter when blushing.

"Miss, huwag mo akong niloloko. Gullible ako." aniya at tumawa

Natawa din ako sa sinabi niya at umiling. "Seryoso ako noh." Hinampas ko siya sa braso at hinawakan ang kamay niya, "Thank you, Chase. Thank you for not giving up on me. You don't know how thankful I am for having you right here."

Sumeryoso si Chase at tiningnan ako sa mata. "Sa totoo lang George, ako ang dapat na magpasalamat sayo."

"Huh?"

"You see, binigyan mo ako ng chance na mapatunayan sayong mahal kita. Kay tagal ko ng pinangarap ang oras na 'to, na sana makasama kita. Makausap, mahawakan. Alam mo ba ang pakiramdam ko ngayon?"

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon