Kaya sumigaw nalang ako para padaanin nila ako. Alam naman nila ang totoo kung ugali pero ewan ko kung bakit hindi nila ako pinapadaan.
"Hindi niyo ba ako narinig?. Ang Sabi ko padaanin niyo ko! " Sigaw ko kaya tumabi silang lahat.
Tiningnan ko naman yung tatlo tumatawa lang, anong nakakatawa? Binaling ko nalang ang tingin ko kay Natasha.
"Hi Natasha! Long time no see. Namiss mo ba ako?" Tanong ko sa kanya, kaya tumawa siya.
"Ha? Sorry kasi hindi kita na miss eh!" Sabi naman niya.
"Don't say sorry, Hindi rin naman kita namiss."
"Talaga sa gan...." Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang sasabihin niya.
"Oo eh, pero huwag kang mag alala mas maganda ako sayo. At may karapatan ka bang mag-kalat dito?"
Kasi binuhusan niya ng spaghetti ang nakaaway niyang nerd, yung sinisigawan niya.
Anong pakialam mo kung mag.kalat ako dito? Tanong niya, ang tanga rin nito eh.
"Nakalimutan mo na ba ang rules ko dito sa paaralan Ko!" Diniinan ko na ang ko para maintindihan niya.
Hindi na siya nakapag salita pa. Nakita ko ang janitor na naglilinis kaya may naiisip akong paraan.
"Stay put kana muna jan ah, may kukunin lang ako." Kinuha ko ang map kay Manong janitor at ibinigay kay Natasha.
"Anong gagawin ko dito?" Takang tanong niya.
"Simple lang dahil nag-kalat ka dito. Linisin mo lahat ng nandito sa canteen sa ayaw at sa gusto mo. Maliwanag?" Sabi ko sa kanya.
"Maliwanag." Sagot naman niya.
"Good! Simulan mo ng maglinis." Umalis na ako at tinignan ang tatlong kanina pa tawa ng tawa.
"Ano bibili ka ba Phoebe o Hindi?" Tanong ko sa kanya na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.
"Hindi na nawalan na ako ng gana eh." Sabi niya saka tumingin sa phone niya.
"Okay, tara na punta tayo sa mall." Pag anyaya ko sa kanila, tumango naman sila at sumunod sa pag-lalakad ko.
"Cheska sayo nalang ako sasabay ah, hindi ko kasi ginamit ang kotse ko kanina dahil nawala na ako sa mood." Tumango naman si Cheska.
Pagdating naman namin sa mall agad kaming pumunta sa boutique ng mga damit. Marami akong nabili kaya pumunta naman kami sa shop ng mga sandals.
Pagkatapos nun pumunta kami sa shop ng mga bags, nakapili na ako ganun din yung tatlo.
"Paano kung ibigay nanaman yan ng Mom mo kay Mae?" Tanong ni Cheska.
"Hindi na ako papayag no! Ang ganda nito hindi bagay sa kanya dahil isa siyang hampas lupa." Sabi ko kaya tumango naman sila.
"Tara bayaran na natin to at punta tayo sa Starbucks. " Sabi ni Aileen.
"Oo nga nagugutom na rin ako." Sangayon naman ni Cheska.
Matapos naming bayaran lahat, pumunta na kami sa Starbucks. Si Phoebe at Aileen na ang nag-order namin.
Habang wala pa sila nag Instagram muna ako at nag upload ng pics. Wala pang isang minuto ang dami ng nag like at nag comment.
Ganyan na talaga ako ka sikat. Hayy buhay nga naman. Dumating na ang dalawa at binigay na sa amin ang order namin.
Medyo matagal na kaming nagtambay dun kaya na pagpasyahan na naming umuwi.
Hinatid ako ni Cheska sa amin. Pagpasok ko sa bahay nakita ko na may binibigay si Mom kay Mae.
Nanlaki nalang ang mata ko sa nakita ko kaya lumapit ako sa kanila at kinuha ang binibigay ni Mommy na Teddy bear kay Mae.Nabigla si Mom sa ginawa ko.
"Mom I told you, huwag mo ng galawin ang mga gamit ko. Kung may ibibigay ka sa pabidang yan bilhan mo siya huwag ang gamit ko."
"Scarlette hindi mo na naman yan ginagamit kaya ibigay nalang natin kay Mae." Sabi ni Mom
"Mom impotante Ito sa akin, at hindi lahat ng hindi ko nagagamit ay ibibigay muna. Ayaw kung ibigay to dahil binigay to sa akin ni Jeanne." Sigaw ko kay Mom
"Ah ganun ba sorry, anak hindi ko kasi alam eh." Sabi ni Mom
"Kaya Mom tanungin niyo muna ako bago kayo nangingialam okay!" Umayat na ako sa kwarto ko at dun umiyak.
-------------
Thank you for reading...
Please don't forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...