Chapter 23

521 15 0
                                    

Andrei's POV

Ngayon ang araw ng pagalis nina mommy 2 months din silang mawawala ang dali lang ng 2 months sana 1 year para makasama ko ng matagal si Scarlette.

Ano ba tong mga pinagsasabi ko hindi to pwede. Nangako ako kailangan kung tuparin yun, ah basta hanggang wala pa siya pwede pa naman akong manligaw sa iba.

Ang baduy kuna saan ba ako na totoo sa mga ganito, papunta kami ng airport hindi kami magkakasama sa iisang kotse si Scarlette ang nagmamaneho sa kanila at ako naman sa amin.

"Andrei hijo, bantayan mo anak namin ha?" Tita Lily

"Yes po tita ako po bahala kay pangit." Tiningnan ko siya at ang sama ng tingin niya sa totoo lang nung una ko siyang makita sa mall na love at first sight yata ako.

Yuck ang baduy pakinggan. Pero okay lang basta kay pangit.

"Tita ako na rin pong bahala kay alien." Sabi niya ano ba yang tawag niya sa 'kin panigurado naman akong mas gwapo pa ako sa alien.

"Sus ate! kuya tama na nga yang asaran. Mom ako na po ang bahala sa kanila." Singit naman ng magaling kung kapatid.

"Sus ikaw talagang bata ka sina kuya nga ang dapat magbantay sayo sa sobrang likot mo." Sabi ni daddy kaya nagpout naman si Jullian.

"Sige na una na kami magingat kayo sa paguwi Scar huwag gagabihin umuwi, magpasama ka ni Andrei kung saan mo gusto pumunta." Tito

"I can handle myself dad, you don't need to worry just enjoy your trip." Sarcastic niyang sabi sa dad niya at inirapan ito.

"Andrei huwag pabayaan si Scarlette.." Hindi natapos ni Tita ang kanyang sasabihin dahil pinutol Ito ni Scarlette.

"Mom! Tinatawag na ang mga passenger ng Korea." Interrupt niya sa kanyang mama ang sama niya talaga.

"Basta Andrei ipinagkakatiwala namin sayo si Scarlette huwag mo siyang pabayaan. Sige una na kami." Tito

"Ano ba yan sabing kaya ko na ang sarili ko at bakit sa kanya pa pwede namang kay Clark nila ako ipagkakatiwala, How stupid." Sinadya niyang lakasan ang pagkakasabi niya nun para marinig ko.

Ah Clark nanaman ano bang meron sa kanya na wala ako. Mas gwapo naman ako dun, hindi ko papayagang siya ang magbabantay sayo panget.

"Mag-ingat kayo sa pag uwi OK." Sabay na Sabi ng parents namin.

Tumango nalang kami, naguna ng maglakad si Scarlette gag* yun ah hindi kami ninantay.

"Ate Scarlette wait!" Sigaw ni Lian huminto naman siya sa paglalakad at hinarap kami, nakalapit na si Jullian sa kanya hinahantay nalang nila ako.

"Hoy Alien! Bilis hindi ka gwapo para hintayin namin, may pupuntahan pa 'ko." Sabi niya binilisan ko naman ang paglakad ko.

Nakarating na kami sa bahay nila ngunit wala pa siya rito, saan ba nagpunta ang babaitang yun.

"Sir Andrei hinahanap mo ba si ma'am Scarlette?" Tanong ng yaya nila

"Ah oo nasaan siya?"

"Naku ng makarating siya rito kanina galing sa airport nagbihis lang siya at muli nanamang umalis." Sagot niya sa tanong ko.

Pero anong sabi neto na nakauwi na siya galing airport pero hindi ko siya naabutan. Ang bilis niya namang magpatakbo ng kotse.

Ano bang lahi nun, binilisan ko na nga ang papatakbo ng kotse ko kanina pero hindi ko parin siya naabutan. Humanda ka saking panget ka.

"Ah ganun po ba Sige una na po ako."

"Sige magingat ka hijo. "

"Kuya saan ka pupunta?" Tanong ni Lian.

"Makikipagkita lang ako kina Billy. Dito ka lang huwag lang lalabas." Tumango naman ito.

"Kina kuya Billy ba talaga, o hahanapin niya si ate Scarlette." Bulong neto pero rinig ko pa rin hindi ko nalang siya pinansin.

Tinawagan ko si Harvey kung nasan sila pero ang sabi niya lang nasa bahay lang sila kaya sinabihan ko na siya na magkikita kami sa tambayan.

Nandito na ako sa tambayan at naabutan ko naman ang nga kaibigan kung busy sa mga cellphone nila, kaya tumighim ako para makuha ang atensiyon nila.

"Ahem! Sino yang mga katext niyo at hindi niyo nalamang Nandito na ako?" Seryoso kung tanong sa kanila masanay na kayo sa ugali kung to.

"Hey easy ka lang bro." Jad habang nilalagay niya ang phone niya sa bulsa nito.

"Oo nga kaya pwede bang chill lang. Ano pala ang naisip mo at pinapunta mo kami rito?" Tanong naman ni Billy

"Alam niyo ba kung nasan sila Scarlette ngayon?" Diretsahang tanong ko sa kanila nanlaki naman ang mga singkit nilang mga mata.

"Bro! Bakit hindi mo sinabi sa aming in love kana pala sa kanya?" Harvey na nakipag apir pa kay Jad

"What? Ano bang pinagsasabi niyo wala akong gusto sa kanya dahil may hinahantay ako." Alibay ko sa kanila ngumisi naman ng nakakaloko si Jad, anong trip ng mga to?

"Sus deny ka pa eh, huwag mo ng hintayin si Carcar ng buhay mo dahil nandiyan na si Scarlette." Jad

Ano ba yan bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, palagi nalang itong nangyayari kapag si Scarlette na ang pinaguusapan.

"Ano ba pwede bang sabihin niyo nalang sa akin kung nasan sila."

"Okay nasa mall sila nagkita kita sila dahil badtrip daw si Scarlette. " Sabi naman ni Billy

Aalis na sana ako ng tanungin nila ako kung saan ako pupunta.

"Drei saan ka pupunta?" Jad

"Sa mall. " Tipid kung sabi

"Wait sama kami para makita ko naman si Aileen miss ko na siya eh." Sabi ni Harvey binatukan naman siya ni Billy.

"Ang O.A mo kahapon lang kayo last nagkita eh." Billy

"Tama na nga yan may naiinip na ritong makita si Scarlette. " Asar naman ni Jad sa akin kaya pumunta na kami sa mall.

----------------

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now