Scarlette's POV
Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan sa cupcake parlor ko. Yes ko dahil pinatayo 'to ng parents ko ng 16 ako birthday gift daw nila sa akin.
Kung itatanong niyo kung bakit cupcake at hindi cafe. Favorite ko kasi ang cupcakes kaya ito nalang ang ipinatayo ng mga magulang ko.
"Hey Lette bakit nakabusangot yang mukha mo?" Tanong ni Phoebe
"Kahit kailan ka talaga Phoebe ang slow mo, Kaya nga niya tayo pinapunta niya dito dahil badtrip siya diba?." Cheska
"Edi ikaw na matalino."
"Tama na nga yan ang iingay niyo mas lalo niyo lang pinapainit ang ulo ni Scarlette. " Aileen
Buti naman at tumigil na sila kakadada may nararamdaman akong kakaiba parang may nakamasid sa amin.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Aileen
"Hindi kasi ako mapakali eh parang may nakamasid sa akin." Naningkit naman ang mga mata nila.
"Ang ganda mo kasi huwag mo na silang pansinin." Phoebe well tama naman siya baka nga nakatingin lang ito sa akin.
"Baka nga tara na gala muna tayo." Yaya ko sa kanila tumango naman ito at sinundan ako sa paglalakad.
Hanggang ngayon hindi parin ako mapakali parang may nakasunod kasi sa amin eh. Hinila ko sila Cheska para magtago.
"Hoy bakit tayo nagtatago dito?" Cheska
"Wait lang okay may sumusunod kasi sa atin eh."
"Sino naman? At anong ginawa sayo ni Andrei at nagkaganyan ka? Sabihin mo sa akin at uupakan ko yun." Aileen hay naku bumalik na naman ito sa pagka boyish nito.
"Ano bayan Aileen bumalik nanaman yang pagka boyish mo." Phoebe
"Kanina pa kasi to eh ang lakas ng tupak." Aileen
"Silent please mamaya na kayo magdaldalan jan. " Sabi ko sabay silip sa mga nakasunod sa amin.
"Ano ba yan ang bagal niyo kasing maglakad yan tuloy natakasan tayo." Sabi ng isang lalaki pamilyar ang boses niya kaya sinilip ko ito para malaman kung sino.
Kaya nung malaman ko kung sino lumabas na ako at binatukan ito.
"Aha! Kayo pala ang sumusunod sa amin. "
"Aray bakit ka nambabatok at saan ka ng galing bakit nawala ka bigla?" Tanong ni Andrei
"Ano pakialam mo at bakit mo ko sinusundan? Siguro isa ka sa mga stalker ko noh? " Umirap naman ito.
"Siguro stalker ako pero kung sayo man lang huwag nalang." Pagsusungit niya at inirapan na naman niya ako.
"Bakit ang sungit mo at bakit irap ka ng irap diyan bakla ka siguro noh? " Naningkit naman ang kanyang mga kilay char lang ang ibig kung sabihin ang mga mata ang Naningkit.
"Anong bakla ang sinasabi mo gusto mo patunayan ko sayo." Andrei
"Huwag na baka mahawa pa ako sa yo alien." Sabi ko sabay talikod sa kanila.
"Tss. Ano ba ang iniisip mung gagawin ko sayo?" Tanong niya habang naka taas ang kanang kilay niya.
"Hahalikan. Diba yun naman ang ginagawa ng mga lalaki kapag sinasabihan sila ng mga babae na bakla?" Confident kung tanong sa kanya pinigilan niya naman ang pagtawa.
''Yun nga pero asa ka namang hahalikan kita. Baka nga ikaw tung makakahawa sa akin." Sabi niya at nag smirk siya.
"Bakla ka nga makaalis na nga makakabawas ng ganda." Sabi ko at umuwi na iniwan ko ang mga kaibigan ko dun na nakatunganga.
Pagdating ko sa bahay agad naman akong nilapitan ni Mae yung anak ng katulong namin.
"Ma'am nagkita ba kayo ni Sir Andrei?" Tanong nito inarapan ko nalang siya
"Tss. Chismosa."
Maaga pa naman kaya matutulog nalang muna ako at magpapagising nalang ako ni Yaya kapag kakain na.
Tok! Tok! Tok!
Nagising nalang ako sa malakas na katok ng pintuan halos gibain na nga eh.
Sino ba yang bwes*t nayan at iniisturbo ang beauty sleep ko inis kung binuksan ang pinto at iniluwa dun ang napaka pangit na nilalang.
"What the hell! May balak kabang gibain ang napaka ganda kung pintuan?" Sigaw ko sa kanya napangiwi naman ito.
"Pwede ba huwag kang sumigaw ang sakit sa tenga." Sigaw niya naman pabalik sa akin.
"Eh Ano yang ginagawa mo? Sa palagay mo hindi ka ba sumisigaw?" Napakamot naman siya sa kanyang batok at bumaba na ng hagdan.
Pero bago pa siya naka baba ng tuluyan may sinabi muna siya "Bumaba kana para makakain na tayo, kanina pa ako nagugutom." Sabi niya at tuluyan na siyang bumaba.
Sinundan ko naman siya kaya lang binato ko siya ng tsinelas ko. Natamaan naman siya sa ulo niya kaya inis niya akong hinarap.
"Ano bang problema mo ha?" Inis niyang tanong sa akin.
"Wala lang para yan sa pagkatok mo ng pagkalakas lakas na halos gibain mo na at sa pag iisturbo sa beauty sleep ko."
Pagkatapos kung sabihin yun nauna na akong naglakad sa kanya patungong dinning area.
"Kahit na hindi ka na mag bebeauty sleep maganda ka na naman." Bulong niya kaya hindi ko narinig bulong nga diba.
"May sinasabi ka?"
"Wala tara na nga kain na tayo kanina pa ako nagugutom." Sabi niya at nauna ng maglakad sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking yun mas malala pa sa may period ang lakas ng tupak.
Pero okay lang bagay naman sa kanya ang pagiging masungit mas lalo siyang gumagwapo.
----------
Thank you for reading...
Please don't forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...