Malapit na kaming matapos sa paggawa ng script para sa play. Bukas nalang kami mageensayo Saturday naman walang pasok.
"Lette, bukas sa inyo nalang tayo magpa praktis huwag kanang umangal natawagan ko na si tita." Aileen
"And then, what did she say?" Taas kilay kung tanong.
"Ang ganda mo raw kaya pumayag kana please." Nakapout niyang sabi ang cute niya.
"Okay, at huwag ka ngang magpout jan para kang bakla hindi bagay sayo."
"Sus asa namang maganda ka." Sumabat nanaman si panget.
"Ano bang problema mo ha? Bakit ka sabat ng sabat jan. Hoy kayong tatlo pansinin niyo nga tung kaibigan niyong panget. " Tiningnan niya naman ako ng masama, siya itong nagsimula ng gulo tapos siya pa tong magagalit. Ang weird niya ah.
"Anong sabi mo?!" Galit niyang sabi sabay tayo sa kanyang upuan kaya nakatingin na sa amin.
"Tss. Ikaw tung sisimula ng gulo at ikaw pa ang magagalit. Iba ka rin eh noh, panget na nga weirdo pa makaalis na nga." Sabi ko sabay kuha ng bag ko at umalis na pero hindi pa ako nakatatlong hakbang nagsalita na si Natasha.
"Ang kapal ng mukha mo noh? Pagsasabihan mo si Andrei ng panget, bulag lang ang magsasabing hindi siya gwapo." Natasha
"Okay dahil sinabi mong bulag lang ang magsasabing gwapo siya. Sabihin nalang natin na bulag ako hindi ko kasi makita kung sa'n banda siya gwapo." Pang aasar kung sabi sa kanya at tuluyan ng umalis.
Umuwi na ako wala kasing pasok ngayong hapon dahil may meeting daw ang mga guro. Pag uwi ko sa bahay dumeritso na ako sa kwarto ko at nagbihis dahil pupunta ako sa bahay nina tita Lordes dahil may itatanong ako sa kanya.
Pagdating ko run pinagbuksan ako ng katulong nila at pinapasok.
"Ahmm yaya si tita Lordes po? " Tanong ko dito.
"At naku hija si ma'am Lordes pala ang hinahanap mo? Naku wala siya dito mamaya pa siya uuwi." Pagpapahayag niya tumango nalang ako.
"Gusto mo ba siyang hintayin?" Umiling lang ako at tumayo na.
"Hindi na po pakisabi nalang sa kanya na naparito po ako, babalik nalang ako sa Linggo. Mauna na po ako."
"Sige po ma'am sasabihin ko sa kanya."
Umalis na ako at pinaharurot ang sasakyan ko pauwi. Dumiretso na ako sa room ko at humiga.
Tok Tok Tok...
Nagising ako sa sunod sunod na pagkatok, hindi ko namalayan nakatulog pala ako kanina. Inis ko namang buksan yung pinto nagulat ako ng si Dad ang kumatok sisigawan ko na sana eh.
"D-dad bakit kayo nandito?"
"Kanina kapa ginigising ng katulong hindi ka rin gumigising kaya napag desisyonan ko ng ako nalang ang gumising sayo."
"Bakit niyo naman po ako gigisingin?" Tanong ko nanaman sure akong naiinis na tong si Dad.
"Kakain na kasi tayo! Kaya bumaba kana. " Sabi ko sa inyo eh pero chill parin ako hindi niya naman ako kayang saktan.
"Bakit kayo sumisigaw? Hindi naman ako bingi." Pamimilosopo ko
"Ewan ko sayo, tara na nga bumaba na tayo para makakain na kanina pa naghihintay ang mommy mo dun."
Pagkatapos naming kumain nagpaalam na ako at umakyat na. Nag fb muna ako saglit, ang dami ko nanamang notification, friend request at may iilang nagmemessage sa akin na iaccept ko na raw ang mga request nila. Asa sila iba rin kapag maganda ka noh maraming nahuhumaling sayo.
Kinabukasan
Naalimpungatan ako sa mga katok na naririg ko. Sino ba yang bwes*t na to at ng iisturbo sa pagtulog ko, iidlip pa sana ako pero sumigaw na si mom.
"Scarlette bumangon kana dahil nandito na sina Cheska!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko. Nang marinig kung nandito na sina Cheska nasapo ko nalang ang noo ko.
Bakit ko ba nakalimutan na pupunta pala sina Cheska dito. Agad naman akong naligo at bumaba na, nakita ko naman silang nanunuod ng T.V.
"Hay salamat at bumaba na rin. " Pagpaparig ni Andrei.
"Nagpaparinig kaba? Kasalanan ko ba kung ang aga niyong dumating."
"Anong ang aga? Eh mag aalas dies na Kaya." Andrei
"Eh paki mo ba kung maaga pa sa akin ang alas Dies."
"Yan nanaman kayo, para kayong mga aso't pusa. Pero okay lang bagay naman kayong dalawa." Pangaasar sa amin ni Harvey.
"What?! No way!" Sabay naming sabi.
"Bakit gayagaya ka?"
"Ikaw kaya tung gayagaya." Andrei
"Oh tignan mo nga hindi ka nga nagkakamali Vey. " Si Phoebe naman itong nagsalita kaya binatukan ko silang dalawa para fair.
"Bakit mo kami binatukan?" Harvey
"Dapat lang sa inyo Yan noh! Hindi kami bagay tao ako at Alien naman siya." Sabay turo ko kay Andrei. "Kaya hindi kami bagay."
"Alien ako? sa gwapo kung toh." Sabi niya sabay turo sa sarili. "Baka ikaw ang Alien sa ating dalawa."
"Ang hangin naman dito. Yaya paki patay nga ng aircon ang lamig kasi eh!" Sigaw ko.
"Tama na nga yan! Pareho kayong alien kaya huwag na kayong magtalo. " Cheska, tawa naman ng tawa ang lima sinamaan ko naman sila ng tingin.
Nagsimula na kaming magensayo. Sabi nila ako daw ang bidang babae dahil magaling daw ako. Wala na akong nagawa kasi kapag hindi ako papayag may consequence akong haharapin.
"At ang kapartner mo naman ay si......." Pabitin talaga tung Jad nato minsan.
---------------
Sino kaya ang makakapartner ni Scarlette?. Kaya abangan niyo guys......
Thank you for reading....
Please don't forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...