Scarlette's POV
Natapos na ang klase namin kaya umalis na ako at hinintay nalang si manong na darating hindi ko kasi ginamit ang kotse ko. Nakakatamad kasi.
"Oh look whose here? Hi Scarlette." Bati sa akin ni Billy nginitian ko lang siya at tumayo na dumating na kasi si Manong.
"I have to go bye guys!" Maasar nga tong isang to hindi niya kasi ako pinansin naka poker face lang na nakatingin sa 'kin. " Bye the one and only Andrie."
Tiningnan ko kung ano ang naging reaksiyon niya wah effect teh. Sinamaan lang ako ng tingin dukutin ko kaya mata niya. Ang bad ko masyado noh.
"Bro bye daw sabi ni Scarlette." Harvey ng "Tss" lang siya at pumunta na sa kotse niya sungit neto hindi naman siya gwapo para pagsungitan ako ang kapal naman ng face niya... Hmmpp I hate him. Ah hate ko naman talaga siya nung una kaming nagkita.
Sumakay na ako, sinabi ko nalang kay manong na gisingin niya nalang ako kasi iidlip muna ko. Pagod na kasi ako ang daming nangyari ngayong araw.
Andrei's POV
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot na. Nakakainis kasi yung babaeng yun maganda nga amazona naman, batukan ba naman ako eh nakikinig naman talaga ako sa kanya kaya lang nakaheadset ako pero hindi naman malakas ang volume.
Nakarating na ako sa bahay pinagbuksan naman ng guard namin ang gate. Pagkapasok ko sa loob ng bahay sinalubong agad ako ng makulit kung kapatid.
"Kuya tulunga mo ko please." Sabi niya with matching puppy eyes pa. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko sa kanya kapag nag pupuppy eyes siya, wala na gagawin ko na ang gusto niya.
"Ano naman yun Jullian?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya.
"Kuya naman eh, napipilitan ka lang yata." Jullian sabay pout. Ang cute talaga ng kapatid ko. Siya nga pala si Jullian Villanueva, 6 years old Grade 1 student sa S.S University dun din ako nag-aaral kaya lang magkahiwalay kami dahil Grade 9 student na ako.
Magkatabi lang naman ang building kaya medyo malalayo nga lang. Hay ewan ko ba alam kung naguguluhan kayo sa akin. Pasensiya na ganito lang kasi ako.
"Hindi ah, ano ba kasi ang gagawin natin?"
"Kuya bakit ang cold mo, saan kaba nagmana? Hindi naman ganyan sina mom and dad lalo na ako." Sabi niya ang daldal talaga nito.
"Sus ikaw talaga ang dami mung alam." Sabi ko sabay gulo ng kaniyang buhok nagalit naman siya.
Tinuruan niya naman ako kung ano ang gawin, origami lang pala. Butterfly ang gusto niyang gawin kaya tinulungan ko siya.
"Kuya stop na, marami na to." Sabi niya sabay tingin sa mga nagawa namin.
"Okay." Tipid kung sagot.
"Kuya may bayad ba kung mahaba ang sasabihin mo? "
"Wala naman bakit mo natanong?"
"Kasi ang ikli ng mga sinasabi mo eh."
"Oh mga anak tapos naba yang ginagawa niyo?" Napatingin naman kami sa nag salita si mommy lang pala kaya tumango kami ni Jullian. "Yan naman pala eh punta na kayo sa dinning para makakain na tayo."
Niligpit muna namin ang mga kalat at pumunta na sa dinning. Umupo naman ako tapat kay Jullian.
"Mom where's Dad? Tanong ko kay mom, madalas na kasi siyang hindi nakakasabay sa amin mag dinner pag umaga naman palagi siyang umaga umaalis.
"Ahh ang Dad niyo may metting siya with Mr. Salvador, remember yung napakamatalik na bussiness partner ng Dad mo? Tanong ni mom.
"Yes I remember then the wife of Mr. Salvador is your best friend at mag babarkada kayo nung high school at college. Am I right?" Tumango naman si mom, paano ba ako magkakamali eh palagi niya yang kinukwento sa amin.
"Exactly, gusto ko nga na magkita na kayo ng anak nila. Sigurado akong mala love at first sight ka." Sabi ni mom at nginitian niya ako ng nakakaluko.
"Mom alam mo namang hindi pwede dahil may hinahap ako si Car-car." Napairap nalang si mom sa sinabi ko.
"Anak ano ka ba ang tagal na nun 7 years old ka pa nun, Sigurado akong hindi kana naaalala ni Car car."
Natapos na akong kumain kaya nagpaalam na ako kay mom at umakyat na sa kwarto ko. Tinatanung niyo ba ako kung sino si Carcar. Okay friend naman tayo kaya sasabihin ko sa inyo.
** Flashback **
Nandito kami ngayon sa may mall ni mommy mamimili kasi kami ng mga bagong sapatos. Matapos nun pumunta kami sa park sa sobrang likot ko nawala sa paningin ko si Mommy.
Kaya iyak ako ng iyak ng may magandang babaeng lumapit sa akin at inanutan ako ng lollipop, pero tinitigan ko lang yun. Umupo siya sa tabi ko at kinausap ako pero hindi parin ako tumitigil sa pagiyak.
"Oy huwag ka ng umiyak, baka isipin nilang inaway kita. Sige ka kapag hindi ka tumigil sa pagiyak tatawagin kitang bakla, dahil ang mga lalaki hindi umiiyak." Sabi niya ang daldal niya ah dahil sa sinabi niya pinahid ko na ang mga luha ko at kinausap na siya.
"Hindi ah hindi ako bakla, at ang sabi ni mommy ang totoong lalaki umiiyak kahit gaano pa siya katapang umiiyak parin ito. " Napangiti naman siya sa sinabi ko at muli niyang inabot sa akin ang lollipop.
--------------------
Thanks for reading....
Please don't forget to like and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...