Scarlette's POV
Tinanghali na ako ng gising kaya nag madali akong pumasok sa school. Bakit hindi kaya ako ginising ni Andrei eh palagi niya namang ginagawa yun.
Nagtampo siguro, pagdating ko sa school wala ng mga student sa labas kaya panigurado akong nagsimula na ang klase. Late na ako Myghod.
Lagot talaga 'tong Andrei na to bakit hindi niya ako ginising. What the! Sinong nagpatay ng ilaw bakit ang dilim.
Di kaya nakidnap ako. Someone help me..
Kinuha ang nakatakip sa akin na panyo so blindfold pala yun, bakit ang slow ko ngayon. Napatingin ako sa paligid ko andaming student ng may biglang nag strum ng guitar.
"Ms. Scarlette Salvador para sa'yo to. Ikaw ang una kung nakantahan at niligawan kaya sana hindi mo ako mabusted." Sabi ni Andrei kaya pala hindi niya ako nagising dahil busy siya dito.
"Mag kalayong agwat, gagawin ang lahat mapasayo lang ang pag ibig na alay sa'yo. Ang awit na'to....." Tuwing kakanta siya may mga lalaking lalapit sa akin at nagbibigay ng rose.
Ang sweet niya sana siya na nga ang hinahanap kung lalaki dahil siya ang naka gawa sa gusto kung gawin sa akin kapag liligawan ako. Pero teka..
Bakit niya alam ang gusto kung gawin ng lalaking liligawan ako. Natapos ang pagkanta niya. Umakyat ang mga kaibigan ko saka sila tumalikod. Binasa ko ang nakasulat dito at yun ay...
"Will you be my girlfriend panget?" Okay na sana eh pero bakit may panget pa sa last?
"Will you be my girlfriend panget?" Tanong sa akin ni Andrei naghiyawan naman ang mga student na nanonood dito sa loob ng gym.
"Not now! Kulang pa ang ginawa mong yan." Sabi ko at tumalikod na pupunta na ako sa room.
"So hindi ako basted? Yes! Thanks sa support guys." Sigaw niya napangiti nalang ako habang naglalakad patungo sa classroom namin.
Wala akong nadatnan malamang nasa gym din silang maam kaya isinalpak ko nalang ang headset ko at nakinig ng music.
Nagsidatingan na ang mga kaklase ko pati narin sina Cheska na hanggang tenga ang ngiti. Tiningnan ko naman ng masama sina Natasha nakabalik na kasi sila.
Ngumiti lang ito sa'kin, humanda ka Natasha hindi kapa nagbabayad sa ginawa niyo kay Aileen.
"Hoy girl bakit ganyan ka makatingin kay Natasha? At bakit ngumiti siya sayo?" Cheska
"You know me Cheska, hindi ko ipapalampas ang ginawa nila kay Aileen. They will pay for what they do." Sabi ko naman sa kaniya napa iling nalang ito.
"Yes we know that Scarlette, pero tanungin muna kita kailan mo balak sasagutin si Andrei?" Aileen
"Huwag muna ngayon Scarlette hindi pa kasi kami ni Jad eh. Sa susunod nalang." Phoebe
"Gaga hindi ko pa naman siya sasagutin noh at tsaka gusto kung siguraduhin na talagang sincere siya sa panliligaw sa akin." Napa ngiti naman ang tatlo uso ba ngayon ang pagngiti bakit hindi ako nainform.
"Teka sinong nagsabi sa inyong tatlo kung ano ang gusto kung gawin pag niligawan ako ng isang lalaki?" Tanong ko sa kanila sabay naman silang napatingin kay Cheska.
"Ahmm kasi nagpatulong siya sa akin eh. Kaya sinabi ko nalang sana huwag kang magalit sa akin Lette please."
"Hindi ako galit sa'yo kaya okay lang yun." Napayakap naman siya sa akin.
"Akala ko magagalit ka kasi sinabi ko sa kanila. Sorry talaga libre nalang kita." Sabi ni Cheska sabay labas ng room.
Sumunod naman kami sa kanya, libre eh hindi kailangan tanggihan. Madalas pa naman yun manlibre.
Habang kumakain kami may naisip akong paraan para makaganti kina Natasha.
"Oh bakit ka tumatawa diyan para kang baliw." Aileen
"May naisip lang akong paraan kung paano ko ipapahiya ang apat na yun." Sabi ko sabay turo kanilang Natasha na masayang nagkukwentuhan.
"Ano naman yun?" Phoebe
"Lette pwede ba huwag ka nalang mag revenge sa kanila." Aileen
"Bakit naman?" Cheska
"Pabayaan nalang natin sila, ayaw ko na ng gulo please naman Lette. Okay na ako hindi niyo na kailangang magrevenge." Mahaba haba niyang sabi.
"Talaga bang okay kana? Kung yun ang gusto mo sige pag bibigyan kita." Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"What? Lette naman bakit mo gagawin yun?" Tutol ni Cheska.
"Ches, si Aileen na ang nagsabi na itigil na natin to kaya sundin natin siya. Hindi naman tayo ang nasaktan diba?" Phoebe
"Fine. Pero sa susunod na gagawin nila sa'yo yun, hindi na ako papayag na pigilan niyo ako kung ano ang gusto kung gawin." Cheska
"Teka nasan si Billy, may isusumbong akong batang matigas ang ulo dito." Pananakot ni Aileen.
"Billy..." Tawag naman ni Phoebe kaya itong si Cheska natakot.
"Hala joke lang naman yun, kayo naman hindi kayo mabiro. Nag papractice lang akong mag act." Palusot niya.
"Sus kunwari kapa takot kalang talaga kay Billy." Pangaasar ko sa kanya.
"Tara na nga punta na tayo sa room." Aileen
Natapos na ang pasok namin kaya napag desisiyonan ko ng umuwi. Pag uwi ko agad akong pumunta sa room ko, nagulat nalang ako dahil may malaking gift na nakapatong sa kama ko.
-------------------
Ano kaya ang laman ng malaking gift na natanggap ni Scarlette?
Alamin..
Thank you for reading...
Please don't forget to vote and comment..
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...