Chapter 19

480 12 0
                                    

Scarlette's POV

Ang bilis ng araw ngayon Wednesday na at mamaya ko na makikilala ang mga anak ng business partner ng parents ko.

"Lette sama ka sa amin mamaya ah." Sabi ni Billy

Palagi na namin silang nakaka sama dahil naging ka group na namin sila. Pero ayaw ko silang kasama nakakairita lalong lalo na yang alien na yan.

"Ahmm sorry guys, hindi ako pwede mamaya eh may pupuntahan pa ako." Sabi ko sa kanila ngumisi naman sila ng nakakaloko.

"Ah ganun ba okay lang. Basta mag enjoy kayong dalawa mamaya ah." Harvey

"Anong pinagsasabi mo ako lang naman ang aalis?" Takang tanong ko sa kanya sumangayon naman sina Cheska, maliban sa kanilang tatlo.

"Hindi din pwede si Andrei mamaya eh, so it means na magkasama kayo."  Jad

Tumango naman ang girls except for me. Hindi naman kasama si Andrei mamaya sa akin ah.

"At sinong nagsabi sa inyong hindi ako sasama?" Sabi ni Andrei sabay upo sa tabi ko, aba ang loko feel na feel ang pagtabi sa 'kin.

"Ikaw na nga ang nagsabi kanina diba? " Jad

"Nagbago na ang desisyon ko sasama na ako sa inyo wala naman talaga akong pupuntahan." Andrei

"Yun naman pala eh, bakit mo sinabi kaninang ayaw mong sumama?" Harvey

"Kasi akala ko sasama ang panget na 'to." Sabi niya sabay tingin sa akin sinamaan ko naman siya ng tingin. "Pero nung nalaman kung hindi pala siya sasama, nag iba na ang desisyon ko." Pagpapaliwanag niya.

"As if namang gusto rin kitang kasama, Umusog ka nga feel na feel mo ang pagtabi sa akin." Sabi ko sabay tulak sa kanya kaya nalaglag siya sa kinauupuan niya.

"Ikaw kaya tung ginaganahan sa pagtabi sa 'kin." Bumalik na naman siya sa pagiging cold niya.

"Una na ako guys may pupuntahan pa kasi akong DATE." Pagpapalusot ko sa kanila kahit na meeting lang naman ng family namin.

"Ha?! Kanino?" Sabay sabay nilang sabi, maliban nalang kay Andrei na naka poker face lang at nag tetext sa phone niya.

"Kay gwapo este kay Clark."

"Clark? As in Clark Mendez?" Sabay na Sabi nina Aileen at Harvey nagka tinginan naman silang dalawa at humagalpak ng tawa.

Ano ba yan nagkasabay lang sa pagsalita tumawa na, mga baliw.

"Yup siya nga at bakit gulat na gulat kayo ng malamang siya ang ka date ko ngayon?"

"Diba binusted mo na siya? Bakit makikipagkita kapa sa kanya?" Phoebe

"Wala lang bibigyan ko siya ng chance, sayang naman diba?"

"Pero paano yung sinabi ng tita mo na huwag ka munang magpaligaw hanggat hindi pa bumabalik ang alaala mo." Cheska

"Ano ba kayo, anong kinalaman dun sa love life ko?"

"Ah Wala naman. Kaya lang napagusapan niyo na yan ng tita mo." Aileen

"Yun naman pala, sige na una na ako. Bye! "

Umuwi na ako at pumunta sa room ko maaga pa naman kaya natulog muna ako.

Third Person's POV

Naguguluhan ang magkakaibigan sa nangyari kung bakit makikipagkita si Scarlette kay Clark na matagal niya na itong binusted.

"Ano bang naisip ni Scarlette at bakit makikipag kita siya kay Clark?" Tanong ni Phoebe sa mga kaibigang nagiisip rin.

Kung alam lang nilang nagkita lang sila at hindi sila mag dedate dahil family meeting lang naman talaga ang pakay niya kung bakit hindi ito makakasama sa kanila.

"Bro nandito na si Clark paano na yan?" Nagaalalang tanong ni Jad

"Bakit ka nag aalala jan isang sapak lang natin nun aalis na yun." Billy

"Pero bro naging kaibigan natin siya, baka panahon na para maka pagpatawaran na tayo." Harvey

"Tss. Wala kayong dapat ika bahala siya ang may kasalanan bakit tayo ang hihingi ng sorry sa kanya?" Andrei na nagcecellphone pa rin.

Magkakaibigan kasi silang lima kaya lang nagaway away sila ng dahil lang sa isang babae. Binalaan lang naman nila si Clark na baka peniperahan lang siya ng babae, dahil dun nagalit na ito sa kanila kaya hindi niya na ito pinapansin.

Nagising na si Scarlette at nagayos na. Nagpaganda ito dahil baka raw gwapo ang makikilala niya.

Pumunta na siya kasama ang kanyang magulang pagdating nila dun pumunta sila kung nasan ang naka reserve para sa kanila.

"Hello Mare." Bati ng isang ginang sa mama ni Scarlette binaling naman neto ang tingin sa kanya. "Oh ito ba ang anak mo ang ganda niya bagay na bagay sila ng anak ko."

Ngumiti naman si Scarlette "Good evening po Mrs. And Mr. Villanueva." Bati niya sa mga business partner ng parents niya.

"Naku hija tita at tito nalang ang itawag mo sa amin." Sabi ni Mrs Villanueva.

"Umupo na tayo, siya nga pala hindi pala makakapunta ang panganay ko ngayon dahil may pinuntahan kasi siyang importante at ang bunso ko naman ay nag C.R muna." Pagpapaliwanag ni Mr. Villanueva.

Scarlette's POV

Kumakain ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ate Scarlette?" Sabi ng isang pamilyar na boses kaya tiningnan ko ito para masigurado kung si Lian ba ito at hindi ako nagka mali siya nga.

"Hi Lian." Bati ko sa kanya ngayon lang pala siya nakabalik galing sa C.R.

"Magkakilala pala kayo ng bunso ko. Lian bakit mo pala kilala ang ate Scarlette mo?" Tanong ni tita Anne.

-----------------

Thank you for reading ...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now