Chapter 32

449 10 0
                                    

Scarlette's POV

Nakalipas ang mga araw bumalik na sa dati ang katahimikan, dahil simula nung nangyari kay Aileen suspended pa sina Keziah.

Pero ngayon ang pagbabalik nila kaya pinaghandaan ko ang araw na 'to para sa paghihiganti ko sa kanila. Hindi ako papayag na basta basta lang ang mga pangyayari.

I am Scarlette Salvador and I can do whatever I want. Kaya maghanda nalang sila.

"Panget! Can I go with you?" Andrei

"What? And why?"

"Hindi ko kasi magagamit ang kotse ko ngayon dahil flat tires. Kaya pwede ba?" Pagpapaliwanag niya.

"Mag pahatid ka nalang kay Manong, may isang kotse pa naman diyan." Pagtanggi ko ayaw ko siyang makasabay kung ano pa ang iisipin nang mga kaibigan kung baliw.

"Please sige na panget ako nalang ang magdadrive para sayo." Pagpupumilit niya kaya tumango nalang ako sino pa ang hindi papayag eh nag pout na siya.

"Fine at pwede ba huwag ka ngang pag pout diyan hindi bagay sayo." Sabi ko at nauna ng maglakad.

"Gwapo naman." Ang yabang niya talaga kahit kailan pero totoo naman na gwapo siya.

Nakarating na kami sa paaralan tulad ng inaasahan ko ang dami ngang nagbubulungan kung bakit daw kaming magkasamang dalawa. Tiningnan ko sila ng masama kaya tumigil sila sa kakasalita.

Pumunta na kami sa classroom namin as I expected pinagisipan kami ng kung ano ano ng mga kaibigan namin.

"Hoy babaita mag kuwento ka nga sa amin, bakit kayo mag kasabay ni Andrei pumasok?" Cheska

"Siguro nanliligaw siya sa'yo noh? Kailan mo sasagutin?" Phoebe

"Oo nga mas bet ko para sayo si Andrei kesa sa Clark nayun." Aileen

"Tumigil nga kayo ang Oo.A niyo alam niyo ba yun?"

"Eh bakit nga kayo magkasabay?" Cheska

"Just let me explain so you will know what happen."

"Okay now explain!" Cold na sabi ni Aileen.

"Well ganito kasi yun flat kasi ang gulong ng kotse ni Andrei kaya nagkasabay kami." Pagpapaliwanag ko sa kanila tumango naman ang dalawa maliban kay Phoebe.

"Eh 'di ba may isa pa naman kayong kotse yung si Manong Esko ang nagdadrive?" Ano ba yan lagot talaga sa 'kin tong Andrei na to bakit ba kasi sumabay sa akin.

"Oh diba nganga ka diyan." Aileen

"Ewan ko gusto daw niyang makasabay ako yun lang ang alam ko okay? Kaya tumigil na kayo diyan marinig pa kayo lumaki pa ulo nun."

Tumawa naman sila tumigil na kami sa kakadaldal dahil dumating na ang guro namin na si Ms. Ednalie Balagulan.

"Good morning class." Bati niya sa amin.

"Good morning maam." Sabay sabay naming bati sa kanya pabalik.

"I have an announcement to all of you that we have.." Pabitin talaga to kahit kailan kaya dahil excited kami kung ano ang sasabihin niya tumahik lang kami.

Napa smile naman siya. "I know you are all excited kaya hindi ko na papatagalin pa you will have a trip in Baguio." Masigla niyang sabi kaya ang mga kaklase ko sobrang saya dahil sa nalaman nila.

"My ghod I'm so excited." Tili ni Phoebe.

"Me too excited na 'ko para makapag bonding tayong dalawa at syempre tayong lahat." Bawi ni Jad sa sinabi niya ito namang si Phoebe parang kamatis na sa sobrang kilig.

"Asus 'di muna kailangang bawiin pa Jad dahil yan din ang naiisip ko para makapagbonding din kami ni Cheska. Di ba loves?" Billy pinalo naman siya ni Cheska.

"Loves mo mukha mo!" Sabi niya sabay hampas ng libro nagbabasa kasi ito.

"Eh kayo Scarlette at Andrei anong gagawin niyo dun?" Si Harvey naman ang nagsalita.

"Wala mag eenjoy kaming panuurin kayo at magkakasakitan yun lang." Sagot ko naman sa tanong niya kaya napa "aww" naman silang anim.

"Ang hard mo naman masyado Lette." Aileen sabay tawa kaya natawa narin kaming lahat.

"Okay stop na mag didiscuss pa tayo." Putol sa amin ni Maam oo nga pala nandito pa siya nakalimutan tuloy namin.

"Maam akala namin hindi kana mag didiscuss." Dismayadong sabi ni Ryan isa sa mga kaklase namin.

"No sinabi ko lang yun sa inyo ang announcement kaya mag sisimula na tayo."

Kaya nagturo na siya sa amin Science teacher namin siya kaya ang lesson namin ngayon ay The Particulate Nature of Matter.

Tss. Ang dali lang yan Elementary Lessons lang yan eh. Hindi sa ipagmamalaki sadyang matalino lang talaga ako.

Walang kokontra kundi lagot sa akin. Hehehe joke lang.

"Okay our lesson for today is all about The Particulate Nature of Matter, and now who can explain what is this all about?"

Tiningnan ko ang mga kaklase ko ayun at nakayuko lahat kaya napagpasyahan ko ng mag pataas ng kamay.

"Ma'am!" Sabay naming sabi ni Andrei kaya napatingin kami sa isa't isa.

"Okay Ms. Scarlette you can start now. As they say Ladies First so go on." Sabi ni maam kaya tumayo na'ko at binelatan si Andrei nag smirk lang siya pabalik sa akin.

"It is the basic principle that serves as a framework in looking into the true nature and structure of matter including the three states." Sagot ko namangha naman ang mga kaklase ko bilib na bilib sa'kin.

"Very good Ms. Scarlette so now who can give me the Greek philosophers had agreed that all materials are made up of a "primal matter." Tanong na naman ni maam alam ko ang sagot kaya nag pataas ako ng kamay kaya lang give chance to others raw kaya si Andrei ang pinasagot.

Mali sana ang masagot niya. Grabe noh? Ganyan na talaga ako ka bad pero pakinggan nalang natin ang sagot niya.

Fighting for the grade.. Charot..

-------------

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

Love yahh. 😘😘😘
From your beautiful author.. Just kidding..

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now