Chapter 50

348 11 0
                                    

Nakauwi na ako galing Baguio at papunta ako ngayon sa bahay nila Andrei para kausapin siya.

Kasama ko naman ang mga kaibigan ko. Dahil sabi raw nila dun raw nasstay ang bruhang si Jeanne. Kung bruha siya sorry ako ang pamangkin ni Satan kaya mas may ugali ako kesa sa kanya.

Nakarating na kami sa bahay nia Andrei pinagbuksan naman kami ng guard naunang pumasok ang mga kaibigan ko at ako naman ang nasa huli para bungga.

"Guys naparito kayo?" Tanong ni Andrei sa mga kaibigan namin, hindi pa niya ako nakikita dahil nasalikuran ako.

"May sinamahan lang kasi kami e." Sabi naman ni Billy.

"Sino naman?" Pumunta sila sa gilid para makita ako ni Andrei hind siya makapaniwala na nandito ako sa harapan niya kaya niyakap ko siya.

Sobrang miss ko na siya hindi nagtagal niyakap niya naman ako pabalik. Napahiwalay nalang ako sa pagkakayakap sa kanya dahil may narinig akong panget na boses.

"Oh look who's here. Nandito na pala ang kabit." Sabi naman ni Kyla galing sa taas hinawakan naman ako ni Andrei pero tinanggal ko ito.

"Oh are you sure that I am a mistress? Sa pagkakaalam ko kasi hindi ka naman totoong asawa e." Sabi ko at nilapitan siya at sinampal ng pagkalakas lakas.  "Para yan sa pag halik mo sa boyfriend ko!"

"Hindi naman masakit ang pagkakasampal mo e. Ano ngayon kung hindi ko nga siya asawa pero ako naman ang una niyang kasama sa kama." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya sabihin niyong hindi ito totoo.

"Stop Jeanne! Hindi naman yan totoo! Bakit ako makikipag s*x sayo e hindi naman kita mahal." Sabi naman ni Andrei nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang mga sinabi niya.

"Ganyan ka na ba talaga ka obsess sa boyfriend ko para sabihin ang mga bagay na hindi naman totoo? Kawawa ka naman tanggapin mo na kasi na mas lamang ako sayo at hindi mo ako maaabot!" Dahil sa sinabi kung yan sinampal niya ako halos mabingi na nga ako sa sobrang lakas buti nalang nasa likuran ko sina Andrei.

"How dare you! Oo nasa 'yo na ang lahat pero ipapangako ko na lahat ng nasa sa'yo ay mapupunta sa akin!" Gigil na gigil niyang sabi sinampal ko naman siya and this time na tumba na siya sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko.

"Oh talaga e kahit isa naman siguro wala kang makukuha e. Lalo na ang kagandahan ko hindi ito mapupunta sayo kahit na magparetoke kapa hindi mo parin ako malalamangan!" Tumayo siya at tumawa ng malademonyo.

Nagkamali ako pinsan ko pala siya, siya ang anak ni satan e ako lang ang pamangkin.

"Hindi pa tayo tapos Scarlette! Babalik ako at sa pagbalik ko wala na akong ititira sayo!" At umalis na siya sa bahay ni Andrei buti nga naman sa kanya. Pinaupo nila ako agad

"Lette are you okay?" Nagaalalang tanong ni Cheska.

"Yes i'm fine. Kailan niyo pa ko hindi nakitang okay?" Tanong ko sa kanila.

"Nung nang away kayo ni Andrei." Sagot naman ni Phoebe.

Oo nga naman hindi pala ako okay nun. Pero salamat naman ngayon bati na kami.

"Bati na tayo?'' Biglang tanong ni Andrei kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano ka sinuswete? Mag sorry ka muna nakipag halikan ka parin kay Kyla noh. Kahit na hindi mo siya asawa." Napangiti naman siya ng bahagya aba anong nakakatawa?

"Anong nakakatawa? Diyan ka na nga!" Sabi ko sa kanya at tatayo na sana pero hinigit niya ang kamay ko. Kaya na out of balance 'ko at nahalikan ko ang labi niya.

"Bwis*t ka Andrei!" Tumawa naman siya pati ang mga kaibigan namin.

"Oy bati na sila." Kantsaw sa amin ni Jad.

"Hindi niya kasi matiis ang kagwapuhan ko e." Pagmamayabang naman ni Andrei.

"Okay na sana e, bati na sana tayo pero ang yabang mo kaya huwag nalang." Pagbibiro ko napapout naman siya at ang mga kaibigan namin humagalpak ng tawa.

"Bro huwag ka ngang magpout mukha kang bakla!" Sabi ni Harvey kaya mas lalong nagtawanan ang lahat.

Kiniss ko siya sa lips kaya nawala na ang pout niya at napalitan ng smirk.

"Para paraan karin e noh?!" Sabi ko saby hampas sa kanya ng unan.

"Pero aminin mo nagustuhan mo?" Dahil sa sinabi niyang yan namula tuloy ako, para na sigurong kamatis 'tong mukha ko.

"Hindi kaya!" Hinampas ko nanaman siya ng unan.

"Sige kapag hindi ka tumigil kakahampas sa akin hahalikan kita." Kaya napatigil ako sa pag hampas sa kanya.

"Tumigil na nga kayo diyan nilalanggam na kami oh." Sabi naman ni Aileen at umarte na para bang nakagat talaga.

"Inggit ka lang e." Pang aasar naman ni Phoebe.

"Che!"  Hala pikon agad? Bahala na sila diyan basta ang importante bati na kami ng yabs ko.

Sabi nga nila kahit na gaano kasakit ang naramdaman mo sa taong mahal mo papatawarin mo parin kahit na anong mangyari dahil mahal mo ito.

Ipapangako ko sa sarili ko na aalamin ko muna ang mga dahilan bago manghusga para wala ng away. At kung mahal niyo ang isat isa hindi kao susuko kahit na ano mang ang mangyari.

Bakit ba mahilig na akong maghugot ngayon? Ano na kaya ang susunod na gagawin ni Kyla sa amin? Sana tumigil na siya para naman happy happy na ang lahat.

Umuwi na ako sa bahay laking pasalamat ni mommy dahil hindi daw ako napahamak. Masaya ako dahil sila ang naging magulang ko nagsisisi nga ako kung bakit naging masama akong anak sa kanila lalong lalo na kay mommy.

Makapagpahinga na nga mahirap na baka magkaruon ako ng eyebags nito. Mababawasan ang kagandahan ko.


----------------

      Keep voting guys!! Follow niyo ko dito guys... Love yah..

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now