Chapter 29

449 12 0
                                    

Iniisip ko parin kung anong ginawa ni Keziah kay Aileen, hindi parin siya nagigising hanggang ngayon.

"Aileen will be fine, don't worry to much okay?" Si Scarlette yung nagsalita para naman mabasag ang katahimikan.

"Okay na siya, kailangan niya lang mag pahinga." Sabi ng nurse sa amin kaya tumango nalang kami.

"Salamat Ms. Kyrie" Si Cheska na yun at tumayo na at nagpaalam sa amin na bibili lang raw siya ng makakain namin. "Guys bili muna ako ng pagkain natin." Tumango lang naman kami.

"Excuse me for a little while, may pupuntahan lang ako sandali." Pag papaalam ko rin sa kanila tumango naman sila maliban kay Scarlette at Andrei.

"Saan ka pupunta?" Sabay nilang tanong kaya nag katinginan silang dalawa.

Pansin ko lang parang may someting dito sa dalawa kasi parang naging mabait na si Andrei kay Scarlette hindi na niya kinukulit masyado pero kabaliktaran naman niya si Scarlette naging masungit na ito.

Well masungit naman siya kaya lang sumobra hindi sa amin kun'di kay Andrei lang. Ah basta sila na bahala sa buhay nila ang sa'kin lang ngayon ang maipaghiganti si Aileen sa mga nanakit sa kanya.

"Bakit ka gagaya?!" Galit na sabi ni Scarlette.

"Ikaw kaya ang gaya gaya. Teka nga saan ka ba pupunta kung kay Keziah lang.." Naputol lang ang sasabihin ni Andrei kasi sumigaw nanaman si Scarlette.

"What?! Kay Keziah?! Bakit ka pupunta dun may relasyon ba kayo? O nanl----" Pinutol na ni Andrei ang sasabihin niya kasi alam niya namang hindi totoo.

"Pwede ba tumigil ka kakasigaw?! At tsaka anong pinagsasabi mong may relasyon sina Harvey at Keziah? Hell no hindi mangyayari yun." Sigaw niya pabalik kay Scarlette.

"Eh bakit hindi kaba sumisigaw?!" Hay naku alam kung hindi na matatapos tung asarang to kaya mabuti pang umalis na ako dito.

"Ang gugulo niyo! Makaalis na nga." Sabi ko at umalis na tama si Andrei pupuntahan ko si Keziah may itatanong lang ako sa kanya.

Nakita ko siya masayang nagkukwentuhan sa mga kaibigan niya samantalang si Aileen nagdudusa dahil sa ginawa niya. Bumuntong hininga muna ako at tsaka siya tinawag.

"Keziah! Can we talk?"

"Sure, excuse me girls maguusap muna kami ni Harvey." Pagpapaalam niya sa kaibigan niya tumango naman ang mga ito.

"Go lang girl push mo yan, baka manligaw na yan sayo." Yasmin

Alam kung crush ako ni Keziah kaya hindi ko nalang siya pinapansin may mahal kasi ako at yun ay si Aileen. Ang corney ko noh? Ganyan kasi ang nagagawa ng pagibig eh.

"Don't mind them Harvey mga baliw lang talaga ang kaibigan ko." Ngumiti lang ako sa kanya kinilig naman siya kahit na simpleng ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.

"Ahmm ano Harvey, ano pala ang paguusapan natin? Kung manliligaw ka sure pwedeng pwede." Sabi niya ang kapal naman ng mukha niya para ligawan ko siya.

"No nandito ako dahil itatanong ko lang sana kung ano ang ginawa mo kay Aileen at bakit siya hinimatay kanina?" Nawala ang ngiti niya napalitan ito ng galit.

"Ah ganun ba? Bakit hindi ko naisip yun na nililigawan mo pala siya." Sarcastiko niyang sabi.

"Pwede ba sagutin mo nalang ang tanong ko!" Hindi ko na talaga kayang magtimpi ng galit.

"Tss. Okay sasabihin ko na panget at lampa kasi siya kaya nahimatay siya bakit ano ba ang sinabi nila sayo na ako ang may gawa nun sa kanila. Hindi yun totoo pinagbibintangan lang nila ako." Pagsisinungaling niya alam ko kasi na hindi magsisinungaling sina Cheska sa akin.

"Pwede ba huwag ka ng magsinungaling sinabi na sa akin nina Scarlette ang totoo!"

"Alam mo naman pala eh bakit ka nagtatanong? At tsaka bagay naman kasi yun sa kanya pabida at lampa kasi." Sabi niya at tumalikod na ako naman bumalik na sa clinic baka pag punta ko gising na siya.

Keziah's POV

"Ahhgg bwes*t!" Dahil sa inis ko napasigaw nalang ako napatingin naman sina Natasha sa akin.

"Oh anong nangyari? Binusted kaba ni Harvey?" Tanong ni Kate.

"Pwede ba huwag ngayon wala ako samud ngayon." Sabi ko naman sa kanila.

"Ano ba kasi ang nangyari hindi kasi namin alam kaya huwag kang magwala diyan." Natasha O.A talaga neto kahit kailan neh hindi nga ako nagwawala dito.

"Eh ganito lang kasi ang nangyari, akala ko manliligaw siya sa akin katulad ng sinabi niyo pero tinanong lang pala niya ako kung ano ang ginawa ko kay Aileen." Pagpapaliwanag ko sa kanila kung ano ang napag usapan namin ni Harvey.

"Ay sad naman akala ko liligawan ka niya." Yasmin kung hindi lang kami magkaibigan nito sinampal ko na 'to ang daldal kasi.

"Yan kasi assuming." Pagpaparinig ng isang kaklase namin at yun ay si Katelien.

"Pwede ba tumahimik ka kun'di malilintikan ka sa akin." Banta ko sa kaya eh ang gaga hindi man lang natakot.

"Sige nga ano ang gagawin mo sa akin eh takot lang naman kayo kina Ms. Scarlette."
Sabi naman niya takot nga kami kina Scarlette eh hindi naman sila sina Scarlette diba?

"Oo nga takot nga kami sa kanya pero hindi ako natatakot sayo." Sinampal ko siya hinawakan naman siya ng kanyang mga kaibigan.

Tiningnan niya naman ako ng masama yun bang sinasabi niyang hindi-pa-tayo- tapos-look. Well hindi ako natatakot sa kanya.

---------

Thank you for reading....

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now