Chapter 28

417 12 0
                                    

Yun lang tanging nasabi ko ng makita ko si Aileen na nakahandusay sa sahig ng walang malay.

"Sinong may gawa sa kanya neto?" Mahinahon kung tanong sa kanila.

Hindi naman siguro nahimatay lang siya dito dahil ang layo lang naman ng upuan niya dito. Walang sumagot sa tinanong ko kaya no choice kung hindi maging maldita ulit.

"What the hell! Did you hear what I say?! I said who did this to Aileen?!" Tiim bagang kung sigaw sa kanila kaya natahimik ang lahat at dahan dahang nilingon ang magkakaibigang masayang nagkukwentuhan.

"Oh my gosh! Anong nangyari kay Aileen?" Sabi ni Cheska ngayon lang kasi sila nakarating ang bagal kasi maglakad.

Tiningnan naman nila ako kaya sininyasayan ko silang pumunta sa gawi ko.

"You!" Sigaw ko sabay turo kay Keziah alam ko kasing siya ang may gawa neto kay Aileen.

"Yes may kailangan ka?" Aba hindi ko gusto ang tuno sa pagsasalita niya ah.

"What did you do to Aileen?!"

"Tss. Tanga kasi hindi tinitingnan ang dinadaanan. Dapat lang sa kanya yan.

Hindi na napigilan ni Phoebe kaya sinampal niya si Keziah.

"Anong karapatan mo para saktan ang kaibigan namin?" May halong galit sa tanong ni Cheska.

"Wala kaya lang kung pinagsabihan niyo yang kaibigan niyo na huwag tatanga tanga sana hindi hahantong sa ganito." Pagtatanggol ni Natasha sa kaibigan niya, natumba kasi si Keziah sa lakas ng sampal ni Phoebe.

"Ches puntahan mo na si Aileen dalhin niyo na siya sa clinic ako na bahala dito." Sabi ko kay Aileen tumango naman siya at pinuntahan na si Aileen.

"What did you say?!" Narinig ko naman talaga ang sinabi niya kaya lang gusto kung ulitin niya eh.

"Ang sabi ko sana tinuruan niyo yang kaibigan niyo na sana huwag tatanga tanga----" Hindi ko siya pinatapos dahil sinampal ko siya ng pagkalakas lakas kaya natumba siya.

"Tss. Ikaw naman pala tung tanga eh. I mean uto uto pinaulit ko lang inulit muna." Tiningnan ko silang apat isa isa ng masama.

"Alam niyo naman siguro kung sino ako? Pagsisihan niyong binangga niyo ang kaibigan ko lalong lalo kana Keziah. You will pay for this!" Sabi ko at tinalikuran na sila kinakabahan ako kung ano na ang nangyari kay Aileen. Kaya pumunta na ako sa clinic.

Aileen's POV

Nandito ako ngayon sa classroom iniwan ko sina Scarlette dun wala kasi ako samud ngayon kaya iniwan ko sila.

Hindi ko sinasadyang mapatid si Keziah kaya nadapa siya, well buti nga sa kanya pinagtatawanan naman siya ng mga kaklase namin.

"Sinadya mo ba talagang patirin ako para ipahiya?" Inis niyang tanong sa akin ng makatayo na siya.

"Hindi ko sinasadya pero buti nga sayo." Yan lang ang sinabi ko sa kanya at umupo na ako.

"Ano sabi mo?!" Sinampal niya ako ng pagkalakas lakas kaya na out of balance ako pero naka hawak pa ako sa upuan ko.

"Kailangan pa talagang ulitin, kung yan ang gusto mo uulitin ko. Tanga ka kasi kaya bagay yan sayong mapahiya ka!"

Sinampal niya ulit ako hindi ko nasalo yun kaya natumba ako. Hindi pa siya nakontento kaya sinipa niya ako sa tiyan, na mimilipit ako sa sakit meron kasi ako ngayon at sinipa pa niya mas lalong sumakit.

"Yan ang bagay sayo tanga." Sabi niya at pumunta na sa upuan nila.

"Fuck! Aileen!" Yan lang ang huli kung narinig at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Harvey's POV

Nandito kami ngayon sa parking lot inaantay si Jad dumating, hindi naman nagtagal dumating na siya kaya napagdisisyunan na naming pumunta sa room.

Naglalakad kami sa corridor ng may tinanong si Billy kay Andrei. "Tulala ka yata diyan bro? May problema ba?" Pansin ko nga kanina pa 'to tulala nung inaantay pa namin si Jad.

"Tss. Dont mind me walang basagan ng trip." Sabi niya nagbuntong hininga nalang kami siya na ang nagsabi na huwag siyang pakialam kaya wala na kaming magagawa.

Pumunta na kami sa room ng narinig namin si Cheska na sumigaw.

"Anong karapatan mo para saktan ang kaibigan namin?" May halong galit sa tanong ni Cheska.

Kaya agad kaming pumasok sa loob para malaman kung ano ang nangyayari. Nagulat nalang ako ng makita ko si Aileen ng walang malay na nakahandusay sa sahig.

Agad ko itong pinuntahan at tinapik pero hindi nagising, inangat ko ang ulo ko para makita ko kung sino ang tumapik sa akin si Cheska pala.

"Harv pwede bang ikaw nalang ang magbuhat kay Aileen papuntang clinic?" may halong pagaalala sa boses ni Cheska.

Dinala namin siya sa clinic at agad naman itong inasikaso ng nurse na nakaduty ngayon.

"Anong nangyari kay Aileen?" Tanong ni Jad.

"Hindi namin alam pero ang may kagagawan neto eh sina Keziah." Sagot naman ni Phoebe

Si Keziah anong ginawa niya lagot siya sa akin kung may mangyayaring masama kay Aileen. Hindi ko kayang maghintay dito kaya tumayo ako at lalabas na kaya lang pinigilan ako ni Andrei.

"Bro saan ka pupunta dito ka nalang kaya na ni panget este ni Scarlette ang mga yun." Sabi ni Andrei kaya umupo nalang ako sa tabi ng kama ni Aileen.

-----------

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now