Aileen's POV
Nandito kami ngayon sa labas ng E.R inaantay namin ang sasabihin ng doctor. Kinakabahan na nga ako e paano kung malala ang kondisyon ni Scarlette?
"The patient is in Critical Condisyon." Pagbabalita sa amin ng Doctor.
"Doc please. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo pagalingin niyo lang ang anak ko!" Mangiyak ngiyak na sabi ni tita.
"Gagawa po kami ng paraan Mrs. and Mr. Salvador." Sabi ng doctor at bumalik na sa loob.
"Arghh! Kasalan ko to e." Sigaw ni Andrei. Pa'no niya naman naging kasalanan? e kasama namin siya kanina.
"Hijo walang may kasalan sa 'tin. Kundi yung sumagasa sa kanya." Sabi ni tito sabay tapik sa balikat ni Andrei magkatabi kasi sila sa pagupo.
"Tama si tito, kaya h'wag mo ng sisihin ang sarili mo." Sabi ko sa kanya.
"No! Kung sana tinawagan ko siya ng maaga. Sana pumasok siya sa school at hindi sana siya naaksidente."
"Stop blaming yourself Andrei. Walang may kasalan maliban sa sino mang sumagasa sa kanya." Jad
"Mabuti pang magdasal nalang tayo kesa naman mag away away tayo dito." Sabi naman ni Billy na sinangayunan ng lahat.
God! Alam naming nakikita mo kami ngayon sana huwag niyong pabayaang may mangyaring masama kay Scarlette. Alam naming may pagka amazona siya pero alam naman naming may mabuti siyang puso. Huwag niyo muna siyang kunin sa amin kasi hindi namin kakayanin lalong lalo na sina tita at tito dahil siya lang ang nagiisang anak neto. God sana dinggin mo ang mga panalangin namin. Thank you!
Matapos akong magdasal pinunasan ko ang tumutulong luha sa pisnge ko.
"Sshh tama na huwag ka ng umiyak magiging okay din ang lahat." Pagpapatahan sa akin ni Harvey.
Paano ako magiging okay kung may nangyaring masama sa kaibigan ko? Kahit ganun siya hindi namin hahayaang may masamang mangyari sa kanya.
Kahit na anong mangyari mahal namin siya.
Andrei's POV
Umaga na naman hindi parin nagigising si Scarlette. Nandito ako ngayon sa tabi niya binabantayan siya.
Hindi ko gustong pumasok dahil gusto kung ako ang magbabantay sa kanya. Sinabihan na nga ako nina tita at tito e pero ang sabi ko lang sa kanila na gusto ko pag gising ni Scarlette ako una ang makikita niya.
"Talaga bang hindi ka papasok hijo?" Tanong sa akin ni tita.
"Hindi po tita, bakit?"
"Uuwi kasi muna ako para makakuha ng damit na pamalit ni Scarlette. Okay lang bang ikaw muna ang bahala sa kanya? At tsaka tawagan mo ako kung may masamang mangyari okay?" Pagpapaalam ni tita sa akin.
"Okay po tita magingat po kayo. Magpahinga din po kayo kasi alam kung hindi po kayo nakapagpahinga ng maayos." Sabi ko at tuluyan ng umalis si tita.
Bumalik ako sa pagkakaupo katabi ng kamang hinihigaan ng baby ko. "Magising kana sana panget miss ko na ang kakulitan mo." Kausap ko sa natutulog na si Scarlette.
"Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinakaba nung araw na naaksidente ka." Sabi ko habang pinaglalaruan ang kamay niya.
"Mahal na mahal kita, ikaw yata ang nagpabago ng isang cold na Andrei Villanueva. Pangako ko sa'yo ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay."
"Hmmm." She hummed kaya agad akong tumayo at tumawag ng nurse.
"She's okay now sir. Pero kailangan pa niyang magpahinga dito ng ilang araw." Sabi ng Doctor sa akin at lumabas na siya.
Binalitaan ko naman sina tito at tita pati narin ang mga kaibigan namin na gising na si Scarlette. Hindi mawala sa mukha ko ang pagngiti dahil sa ilang araw na paghihintay namin kung kailan siya magigising at sa wakas ngayon nagising narin siya.
"Yabs wala na bang masakit sa'yo?" Tanong ko sa kanya.
"W-wala na. Babakit ka nandito hindi kaba pumasok?" Tanong niya pabalik sa akin.
"Hindi ako pumasok dahil gusto ko paggising ng taong mahal ko ako ang una niyang masisilayan." Sabi ko napangiti naman siya yung mga ngiti niyang na miss ko.
"Ang sweet mo naman. Sayang hindi ko nakita kung gaano ka nagalala sa akin." Sabi niya at napatingin kami sa nagbukas ng pinto yun pala ang mga kaibigan pala namin. At sina tito at tita.
"Lette namiss ka namin!" Sigaw ni Phobe at lumapit kay Scarlette sabay yakap nito.
"Magingat kana sa susunod ah? Hindi namin kayang nakikita kang walang malay at mahimbing na natutulog dyan sa kama." Sabi ni Cheska at pinunasan ang tumutulong luha sa mukha niya.
"Hindi mo ba nakita ang mukha ng taong sumagasa sa'yo?" Tanong ni Aileen.
"No hindi ko nakita but for sure siya rin ang nagutos kay Natasha na saktan ako. At ang naiiba lang ngayon dahil muntikan niya ng kitilin ang buhay ko." Sabi naman ni Scarlette bakit hindi namin yan naiisip? Siguro dahil sa pag aalala namin sa kanya.
Hindi ko na papayagang masaktan muli si Scarlette.
"Bakit anak may nakaaway ka ba?" Tanong ni tito.
"Sa pagkakatanda ko Dad wala naman. Baka ang mga insecure lang sa akin ang gumawa sa akin nito." Sagot niya naman.
"Hindi kaya si Kyla anak?" Si tita naman ngayon ang nagtanong. Sino naman yang Kyla na yan? At gaano kalaki ang galit niya kay Scarlette para humantong sa ganito?
"No mom, impossibleng si Kyla e mabait naman yun at tsaka bakit naman niya ako sasakatan? Eh bestfriend ko siya." Pagtatanggol ni Scarlette sa nagngangalang Kyla.
"Okay i'm sorry anak, hindi ko lang talaga mapigilan ang naiisip ko." Pagpapaumanhin ni tita kay Scarlette tumango lang ito.
Nagkuwentuhan lang kami ako nga ang naging topic nila. Kung ano raw ang naging itsura ko ng malaman kung naaksidente siya, kaya ayun tawa lang ng tawa si Scarlette.
Hindi ko na sila pinigilan okay lang din sa akin kasi napapatawa ko si Scarlette. Mahal na mahal ko ang baby ko huwag na kayong tumutol.
---------------
Kung nabobored kayo sa pagbabasa ng story'ng ito. Okay lang sa akin tutal hindi pa naman tapos ang pagsusulat ko nito.
Pero sasabihin ko sa inyong pagsisihan niyo kung bakit hindi niyo tinapos ang story ko. Pero sa iba diyan keep reading guys. ☺☺☺
Thank you for reading...
Please dont forget to vote and comment..
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...