Chapter 54

358 10 0
                                    

Hindi siya nakinig pinag patuloy niya parin ang pag tutok ng baril sa akin.

"Huwag kayong makialam sa akin! Subukan niyo lang lumapit babarilin ko na tong mga panget na to!" Sabi niya aba ako pa panget ngayon e ang ganda ko nga e.

"Please Kyla nag mamakaawa ako huwag mong saktan ang kapatid mo!" Sabi naman ni mommy kaya nagulat kaming dalawa ni Kyla except sa kanila.

"Tss. Huwag niyong bilugin ang utak ko! Wala akong kapatid!" Sabi niya at pinaputok ang baril pero wala sa amin ang natamaan dahil si tita Olivia ang natamaan.

"Mom!" Sigaw ni Kyla at nilapitan niya ang mommy niya, tumakbo naman sina mommy at Andrei sa akin.

"Yabs are you okay?" Tanong niya ng makalapit na siya sa akin.

"Yes i'm okay but mom si mamila may tama siya sa kanyang braso. Dalhin niyo siya sa hospital." Sabi ko at binuhat naman siya ni Daddy palabas.

"Anak please maniwala ka sa akin kapatid mo si Scarlette, kaya huwag mo siyang saktan. She's your twin sister at mommy mo naman si Cass." Mahinang sabi ni tita.

"Mom i'm sorry naging bad ako, dahil sa gusto kung ako ang first at hindi si Scarlette." Sabi ni Kyla dumating naman si tito at binuhat si tita palabas kaya sumunod naman kami.

Nasa hospital kami ngayon pinapaliwanag sa amin ni mommy kung paano kami naging magkapatid at paano kami nagkahiwalay.

"Sinabi sa amin ni Olivia na kinuha ka raw niya sa amin nung mismong ipinanganak kayong dalawa, binayaran nila ang doctor para sabihing isa lang ang anak ko at hindi kambal." Huminto muna si mommy at huminga ng malalim.

"Bakit nangyari yun at bakit hindi kami magkamukha?" Tanong ni Kyla, totoo naman kambal raw kami pero hindi kami mag kamukha.

"At mom diba may anak din sina tita Olivia?" Tanong ko naman yan din kasi ang narinig ko e.

"Oo may anak ang tita Olivia mo, sabay pa nga kaming nanganak nun pero ang sabi niya namatay daw ang anak nila dahil mahina ang puso nito. Kaya nung nalaman nila na kambal ang anak ko kinuha nila si Kyla." Ngayon alam ko na kung bakit noon may nararamdaman akong kakaiba pag kasama ko si Kyla.

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now