Chapter 18

490 15 0
                                    

Scarlette's POV

Nakatulala akong tumititig sa kanya, bakit siya nandito bakit niya ako tinulungan?

"Hoy Lette! Para kang nakakita ng multo tumayo ka na nga jan. " Sabi ni Clark siya ang matagal ng nanliligaw sa akin noon binusted ko na siya, pero bakit siya nandito.

"B-bakit ka n-nandito?" Nauutal Kung tanong sa kaniya, ngumisi lang siya sa kin.

"Bakit bawal ba?" Tanong niya pabalik sa 'kin.

"Hindi pero bakit ka nga nandito? At bakit mo ko tinulungan?" Ano ba yan pasalin salin lang ba kami ng tanong dito.

"Wala lang gusto ko lang tulungan ka, I just want to save you from that guys and I don't want to hurt you." Sabi ni Clark sabay hawak sa pisngi ko.

"Bakit mo pa ako tinulungan sinaktan kita, dapat masaya ka nga dahil kapag natalo ako ng mga masasamang lalaki na yun makakaganti ka na sa 'kin." Hinaplos naman niya ang pisngi ko kaya hindi ako masyadong makatingin sa kanya hanggang ngayon kasi guilty ako sa ginawa ko sa kanya.

"Huwag kang magsalita ng ganyan, hindi ko gustong masaktan ka dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita." T-tama ba ang narinig ko mahal niya parin ako kahit ipinagtatabuyan ko siya.

"Kahit na ipagtabuyan mo ko mahal parin kita, kaya kapag kailangan mo ko just call me at darating ako." Sabi niya hinalikan niya ako sa noo at umalis na.

"Clark! Thank you." Sabi ko ng paalis na siya narinig naman niya ako hindi pa naman siya nakakalayo.

"Your welcome. " Sabi niya at tuluyan ng umalis, pinaandar ko na ang sasakyan ko at umalis na.

Nakarating na ako sa bahay at binati sina mama tumango naman sila at pinapaupo ako sa tabi niya kasi may sasabihin daw sila.

"Car punta ka sa Resto natin this coming Wednesday makikilala mo kung sino ang makakasama mo sa bahay." Dad

"So you mean Dad na ang mga anak ng business partner niyo ang ipakilala niyo?"

"Yes. Anak huwag mo kaming ipahiya pumunta ka okay?" Mom tumango naman ako at umakyat na sa room ko para magbihis.

Bumaba na ako para kumain, nagugutom na kasi ako kanina pa kasi ako hindi kumakain. Hindi ko talaga kayang mag diet pero okay lang sexy naman ako hindi naman ako mataba.

Pagka tapos kung kumain nagpaalam na ako para umakyat hindi pa naman ako inaantok kaya nag Facebook muna ako.

As usual ang dami ko namang notifications, messages at friend request. Hindi ko na yun natignan ng may nakita akong isang picture. Si Natasha kasama si Andrei ang landi niya talaga.

At isa pa 'tong Andrei na'to masyadong feeling. Feeling gwapo nakakainis isipin bakit sa iba ang bait niya samantalang sa akin ang sungit niya.

"Agghh bwes*t makatulog na nga."

Andrei's POV

Sino yung kasama niya kanina ang sweet nilang dalawa. Nakita ko sina Scarlette kanina na may kakumpulan tutulungan ko sana siya pero naunahan na ako.

Aaminin ko sa inyo crush ko si Scarlette pero hanggang crush lang dahil may nakalaan na sa puso ko si Car car kaya hindi ko siya pwedeng ligawan at hindi dapat ako magkagusto sa kanya.

May limit ako para dun. "Kuya bakit ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?" Tanong ni Jillian.

"Wala pumunta kana sa room mo para matulog maaga pa ang pasok bukas." Sabi ko sa kanya bumusangot naman siya may masama ba akong nasabi sa kanya. "Oh bakit ka bumusangot jan?"

"Kuya naman kasi eh, may ikukwento sana ako sayo pero pinapaalis mo na ako kaya next time ba lang." Sabi niya sabay takbo palabas ng room ko.

Ano kaya ang ikukwento ng makulit Kung kapatid.  Nag Facebook ako ang dami na namang notifications, nagulat nalang ako ng makita ko ang picture ng kasama ko si Natasha ito yung scene na natumba siya kaya tinulungan ko.

Gentleman kaya ito pero ang lahat pala nun ay planado lang nila at sinadya nilang kunan nila kami ng litrato para raw mag selos si Scarlette pero nabigo lang sila dahil ito lang naman ang sinabi niya.

Flashback..

"Aww ang sweet nilalanggam na kami oh. Ouch ang sakit kinagat ako." Maarte niyang sabi pero okay lang bagay naman sa kanya di tulad nitong Natasha'ng 'to kailangan pang magpanggap na may masakit sa kanya para tulungan ko siya.

"Sabihin mo lang na nagseselos ka." Maangas na sabi ni Natasha napangiti naman ako. "Dahil sa 'kin lang siya caring eh sayo? Hindi siya mabait mukhang hindi ka niya gusto." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Oh ganun ba kaya ka nagpapanggap para pagselosen ako, but sad to say hindi ka nanalo." Scarlette

"Dinail queen kana Bess." Narinig kung bulong ni Cheska sa kanya sinamaan niya naman ito ng tingin.

"Well bakit naman ako magseselos hindi naman kami at tsaka hindi ko naman siya type. Asa siyang magseselos ako may pangiti ngiti pang nalalaman." Sabi niya sabay flip ng mahaba niyang buhok at umalis na.

Akala ko hindi niya nakitang ngumiti ako, well akala lang naman.

"Ay hindi tumalab." Sabi ni Natasha at iniwan na ako walang hiya tong babaeng toh.

--------------------

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now