"Oh bakit ka nandito? Magpahinga ka muna." Yan agad ang bungad sa akin ni mamita pagdating ko sa kusina.
"No mamita tutulungan ko po kayo, hindi po kasi ako inaantok. Kaya tutulungan ko nalang po kayo." Wala ng nagawa si mamita dahil kinuha ko na ang apron at sinuot ito.
"Oh siya kung yan ang gusto mo. Tutal miss ko narin ang mga luto mo." Sabi ni mamita at bumalik na sa kanyang ginagawa.
Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na mahilig akong magluto at syempre lahat ng luto ko masarap. Mana ako kay mamita e sa kanya ko din natutunan kung paano magluto at kumanta.
Kay mamila ko naman namana ang galing ko sa pagsayaw at ang pagiging fashionista ko.
"Apo may itatanong lang ako sa'yo, bakit ka nga naparito tutal hindi pa naman Christmas Vacation?" Tanong ni mamita kaya napahinto ako sa paghihiwa ng spices.
"Bakit mamita ayaw niyo bang nandito ako? Kung ganun uuwi nalang ako." Pagbibiro ko pero syempre umakting ako na para bang nalulungkot.
"Ikaw naman hindi sa ganun, kung ayaw mong sabihin sa akin okay lang." Sabi niya at ibinalik na ang tingin sa paghahalo ng mga sangkap.
"Kasi po mamita gusto kung makapag isip isip ang sakit kasi sa ulo kapag andami mong problemang iniisip." At kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa matapos kaming magluto.
"Tara kain na tayo?" Yaya sa akin ni mamita.
"Sige po pero andami ng pagkain pero tayo lang kakain kaya tatawagin ko nalang ang mga katulong. Pati narin po si Manong Edgar." Tumango lang si mamita bilang pagsangayon niya sa sinabi ko.
"Manong, yaya samahan niyo na po kaming kumain ni mamita ang dami po kasi ng niluto namin hindi namin maubos." Sabi ko sa kanila nagkatinginan naman sila.
"Naku maam Scarlette huwag na po mauna nalang po kayo susunod nalang kami." Sabi nung isang katulong ni mamita, hindi ko kasi alam ang pangalan niya siguro bago lang 'to dito.
"Sige kung hindi kayo sasabay sa amin babawasan ko lahat ng sahod niyo." Pananakot ko sa kanila.
"Kayo naman po hindi mabiro, sabi nga namin sasabay kami sa inyo." Sabi naman ni Yaya Lotlot.
Masaya kaming kumakain, nagkukwentuhan at nagtatawanan lang kami. Pagkatapos naming kumain umakyat na ako sa taas at naligo para makapagpahinga na.
Kinabukasan
"Apo gising na tanghali na oh." Paggising ni mamita sa akin mula sa labas ng kwarto.
Akala niya siguro natutulog pa ako, ang totoo kasi niyan maaga akong gumising nag jogging pa nga ako kaya lang kasunod ko si Manong Edgar.
Yan ang bilin nina mommy e na huwag raw akong lalabas o aalis ng walang kasama baka may mangyari na namang hindi ko raw gusto.
"Good morning mamita!" Masiglang bati ko sa kanya nagulat naman siya.
"Ano ka ba Scarlette? Aatakihin ako sa puso niyan e." Sabi niya sa akin kaya napatawa nalang ako ng bahagya ganun din siya.
"Sorry po mamita." Sabi ko sabay peace sign. "Punta po tayo sa farm mamita picnic tayo dun." Pagyaya ko sa kanya.
"Okay sige pero bago yan maligo ka muna." What the! Alam kung nagbibiro lang si mamita pero nakakainsulto kasi e.
"What? E mamita kaliligo ko lang e." Sabi ko sabay pout tumawa naman si mamita.
"Anong nakakatawa dun?" Tanong ko sa kany habang hindi parin nawawala ang pag pout ko.
"Hindi kasi apo binibiro lang kita at ang cute mo kaag nag papout ka." Sabi niya.
"Just to correct you mamita, I'm beautiful not cute." Slang kung sabi sa kanya sabay flip ng buhok ko.
Tumawa na naman siya. "Okay okay maganda kana hindi ka cute. Kaya maghanda na tayo para maka punta natayo sa farm." Sabi niya at pumunta sa kusina niyakap ko naman siya mula sa likuran.
"Yan ang gusto ko sayo mamita e, dahil sinasabi mo na ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo." Humarap naman siya.sa akin ng nakapamewang.
"Teka teka, wala akong natandaan na sinabihan kita ng ganyan."
"Hmm I hate you!" Parang bata kung sabi humagalpak na naman ng tawa si mamita.
Araw ba ngayon ni mamita kanina pa 'to tawa ng tawa e.
"Joke lang kaya huwag ka ng magtampo." Paglalambing niya sa akin.
"Ganyan naman kayong lahat e sasabihin niyong biro lang ang lahat, hindi niyo kasi alam na nasasaktan na kami sa mga ginagawa niyo. Kahit na biro yan para sa amin hindi." Pag huhugot ko.
Ganito ba talaga ang epekto kung nasaktan ka sa pagibig? Humuhugot kana?
"Ewan ko sayo, naghahanda nalang ako dito para makapag picnic na tayo." Sabi ni mamita at tinalikuran na talaga ako.
Hindi niya siguro naintindihan ang sinabi ko. Pumunta nalang ako sa sala at nanood ng T.V habang hinihintay si mamita.
Hindi nagtagal natapos na siya kaya pumunta na kami sa farm nag bike lang ako, hindi nga ako pinayagan ni mamita e pero malakas ako dun kaya sa huli ako ang panalo.
"Good morning po Madam, Senyorita Scarlette." Bati sa amin ng mga tao dun sa farm.
"Diba sabi ko sa inyo na h'wag ng senyorita itawag niyo sa akin?"
"Ayaw po kasi ng mamita mo pong tawagin ka naming Maam Scarlette o Scarlette lang po." Sabi naman ni Mang Clent.
"Ganun po ba?" Tumango naman sila at bumalik na sa kanya kanya nilang trabaho.
Pumunta naman kami ni mamita dun sa picnic stand at inilapag na dun lahat ng mga dinala namin.
--------------
Thank you for reading..
Please dont forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...