Chapter 51

367 11 0
                                    

Lumipas ang ilang araw ng hindi nagpapakita si Kyla sa amin but may natatanggap naman akong death treat. May isa akong natanggap at yun ay ang pinakaayaw ko.

Picture kasi ni mamila at may dugo ito at higit sa lahat may manika na pugot ang ulo. Alam na nina mommy at ng mga kaibigan ko ang lahat ng ito kaya pinapasstay muna nila si mamila sa bahay namin.

Nandito kami ngayon sa bahay pinaguusapan namin ang mga natatanggap kung death treat.

"Lette dapat hindi ka aalis ng walang kasama." Sabi ni Phoebe

"Nandito naman ako paligi para samahan si Panget kahit saan siya pupunta." Andrei.

"Pero hindi sa lahat ng oras pwede kayong makadikit sa akin. May mga kailangan din akong gawin na dapat ako lang ang nandun." Paliwanag ko sa kanila.

"Oo nga pa'no kung wala tayo tsaka may mangyayaring masama?" Tanong naman ni Billy.

"No! Dont think that way! Walang mangyayaring masama kay Scarlette." Sabi naman ni Cheska medyo napalakas niya nga ang boses niya e.

"Chill lang guys, huwag na kayong mag away dahil sa akin. May point din naman si Billy e kaya huwag ka ng magalit Ches." Pagpapahinahon ko sa kanila.

"Sorry Lette hindi ko sinasadya." Paghihingi ng paumanhin ni Cheska kaya tumango nalang ako bilang sagot.

"Mag meryenda muna kayo mga anak!" Sabi ni mommy kaya tumayo na kami at pumunta sa dinning area.

Nagkuwentuhan at nagkukulitan lang kami habang kumakain ng cup cakes favorite ko kasi ito.

"Sana ganito nalang palagi noh? Walang away away para masaya ang lahat." Biglang sabi ni Harvey.

"Oo nga e." Sangayon naman ng lahat maliban sa akin. Maghuhugot muna ako.

"Hindi mangyayari yan hanggat nabubuhay pa tayo sa mundo." Paghuhugot ko kaya binatukan ako ni Aileen.

"Hoy ikaw Scarlette kailan kapa naging hugutera aber?" Sabi niya tumawa naman ang mga kaibigan namin kung makapagsabi kasi parang mama.

"Mama ikaw ba yan?" Pagbibiro naman ni Cheska kaya lalong tumawa ang lahat.

"Yan naman kayo e. May tinatanong na nga sasabat pa kayo kahit na hindi naman kayo ang tinatanong." Paghuhugot ko na naman kaya tumigil na sila kakatawa.

"Ano ba yan Lette hugutera kana ngayon. Gawa ka kaya ng hugot sa wattpad siguro madaming reads nun." Pagbibiro ni Jad sa kin.

"Hala teh bakit alam mo ang wattpad? Nagbabasa kaba nito?" Mapangasar na sabi ni Phoebe.

"E babe ikaw naman ang nagturo sa kin nun e." Sagot naman ni Jad kay Phoebe.

"Ikaw naman pala ang nagturo Phoeb e. Tinatanong mo pa." Sabi naman ni Billy.

Natapos kaming kumain pero hindi parin kami tapos sa pag aasaran. Halos mapikon na nga si Aileen e kasi siya ang napagtripan namin. Ito namang si Harvey walang ginawa kundi tawa lang ng tawa sure akong pag uwi nito mag aaway 'to.

"Una na kami Lette bukas nalang tayo ulit magkita." Pagpapaalam ni Aileen.

"Maghanda kana para sa Christmas Party natin bukas." Sabi naman ni Aileen.

Oo nga pala bukas na ang Christmas Party namin nakalimutan ko tuloy dahil sa dami dami kung iniisip.

"Sus sure akong Dyosa nayan bukas. Napaka fashionista kasi e." Sabi nama  ni Cheska.

Totoo naman ang sinabi nila fashionista ako kaya bongga ako bukas. Hahaha inggit lang kayo sa kagandahan ko.

"Yabs una na rin ako ah? Maghahanda rin kasi ako para bukas. Nahihiya kasi ako baka ang ganda mo bukas at ako pogi parin gusto ko kasi pag kita mo sa akin."

"Pagkita mo ano?" Hindi niya pa kasi tinatapos ang sasabihin niya.

"Pagkakita mo sa akin malalaglag ang baba mo kakatitig sa akin at tatakbo ka palapit at hahalikan mo ko." Pagtatapos niya sa kanyang sasabihin hinampas ko naman siya ng mahina.

Umandar na naman po ang pagkahangin niya po. Mahirap po palang magka boyfriend ka ng gwapo ang laki ng confedence e.

"Yabs ang hangin mo. Nalipad ako papunta sa puso mo." Pagbibiro ko h'wag na kayong umangal minsan lang ako ganito e.

"Talaga Yabs? Pero ang corny mo e." Pagbibiro niya kaya hinampas ko siya.

"Umalis ka na nga!" Tinulak ko siya palabas nakakaasar kasi e. Minsan na nga ako magsasabi ng mga corning salita sasabihan pa niya ako ng ganun.

"Sorry na maganda ka naman kahit na maging corny ka palagi. I love you! Wala bang good bye kiss diyan?" Sabi niya kaya tiningnan ko siya at inirapan.

"Wala!" Pagsusungit ko.

"Andamot mo naman. Bye yabs I love you kahit magsungit kaman." Sabi niya at sumakay na siya ng kotse niya napangiti naman ako sa sinabi niya.

"I love you too Yabs! Kahit na ang hangin mo!" Natawa naman siya sa sinabi ko hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob.

"Apo nakahanda ka na ba para sa party niyo bukas?" Tanong ni mamila.

"Yes po mamila pero pwede niyo bang icheck kung bagay yun sa akin?" Tumango naman siya.

"O siya sige titingnan ko pero lahat naman bagay sayo apo kasi ang ganda mo." Sabi naman niya at umakyat kami sa room ko para makita niya ang susuotin ko.

"Ito po mamila maganda ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo maganda pero mas maganda ang magsusuot niyan bukas."

"Mamila ang hilig niyo talagang mambola. Mana nga sayo si Dad." Sabi ko napatawa naman siya.

"Oh sige maligo kana muna diyan at bumaba na dahil kakain na tayo ng hapunan." Sabi ni mamila at lumabas na sa room ko.

Hay ano pa kaya ang idadagdag ni mamila sa isusuot ko bukas? Oo fashionista ako pero mas fashionista si mamila noh.

--------------

           Keep voting guys... Saranghae sa lahat ng bumabasa sa story kung 'to. Kamsa hamnida. 독자 (Dogja o Readers)

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now