Scarlette's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil mag jajogging pa ako. Paglabas ko agad kung kinuha ang tubig ko sa ref at dinala ito.
Malayo layo na rin ako sa bahay kaya napagdesisyonan ko ng umuwi. Pagdating ko sa bahay ang una kung nakita ay si Mae, remember yung plastic na anak ng isa naming kasambahay.
"Magandang umaga po sayo ma'am Scarlette." Bati niya sa akin pero nilagpasan ko lang siya at tsaka tinungo ko na ang room ko.
Manonood nalang ako ng t.v mamaya pa naman ang party. Uupo na sana ako sa may sala ng tawagin ako ni aling Melda yung ina ni Mae.
"Ma'am Scarlette gusto po kayong kausapin ng mama niyo." Kinuha ko naman sa kanya ang telephone.
"Mom bakit kayo napatawag?"
["Anak, hindi naman kami makakapunta ng Dad mo sa party. Pwede bang si Mae nalang ang isama mo?] Sabi ni mom sa kabilang linya.
"What?! No way. Mom bakit ko naman siya isasama eh hindi naman kami close." Angal ko naman sa pakiusap niya.
["Anak sige na kahit ngayon lang. Promise ko sayo hindi na kita kukulitin pa kay Mae, basta isama mo lang siya sa party.] Pamimilit ni mom kaya napabuntong hininga nalang ako at sumangayon nalang.
"Okay fine. Last na to." Sabi ko at ibinaba na ang telephone. Tinawag ko naman si Mae at sinabing magbihis siya dahil sasama siya sa akin.
Naligo na ako at nagbihis cocktail lang ang isinuot ko at bumaba na. 4:50 na kaya pumunta na kami kung saan gaganapin ang party. Pagdating namin ni Mae dun pinadala ko sa kanya ang gamit ko.
Hinanap ko sina Cheska hindi nagtagal nakita ko na sila kaya nilapitan ko.
"Nandyan kana pala." Phoebe
"Hindi statwa lang to, malamang nandito na ano bang tingin mo sa akin?" Sabi ko sabay irap sa kanila.
"Hehehe. Ikaw naman ang init ng ulo mo." Phoebe
"Oh Lette sinama mo pala si Mae. Akala ko ba ayaw mo siyang nakikita." Aileen
"Ngayon lang naman ito dahil pinakiusapan ako ni Mom. Dahil sabi niya last na raw 'tong pangungulit sa akin."
"Okay." Aileen
Hindi nagtagal nagsidatingan na ang mga bisita kaya nagsimula na ang party. Nahagip ng mata ko ang apat at halatang nagulat sila dahil sila lang naman ang naka costume. Pumunta ako sa harapan at nagsalita.
"Good evening guys! Thank you dahil pumunta kayo sa event na 'to." Tinignan ko si Natasha at ang sama ng tingin niya sa 'kin, as if namang matatakot ako.
"Thank din dahil tumupad kayo sa usapan na simpleng dress lang ang susuotin. Hindi tulad ng iba jan, by the way Natasha punta muna kayo dito sa stage kasama ang mga kaibigan mo."
Lumapit naman si Cheska at siya naman ang nagsalita. "Pwede bang pa request ng isang sayaw." Punatugtog naman ng DJ ang Trumpets.
Nag cheer naman ang mga bisita na sumayaw sila kaya wala na silang ibang nagawa kundu ang sumunod. Para na silang baliw kakasayaw dahil hindi parin namin sila pinapatigil.
Nagtawanan naman ang lahat dahil sa sinabi ni Cheska na para raw silang mga clown. Pinagbabato na sila ng mga pagkain, Kaya napagdesisyonan namin na tulungan sila para hindi nila mahalata na planado itong lahat.
"Guys tama na Mali yang ginagawa niyo." Phoebe
"Oo nga maawa naman kayo sa kanila. Kaya kasi kayong apat sumunod kayo sa mga gagawin." Cheska
"Tss. Ang galing niyong umarte noh? Alam namin na planado niyo tong lahat dahil gusto niyong ipahiya kami. Lalo kana Scarlette. " Sabi ni Natasha
"Eh ano ngayon kung planado namin 'tong lahat. Hindi pa kami tapos sa inyo dahil hindi kami mga bobo para yun lang ang gagawin namin." Sinabihan ko na si Mae na ipa play na yung video na ibinigay ko sa kanya.
Nagsimula nang magplay ang video. Nakakatawa ang mga itsura nila epic masyado. Nagtawan naman ang mga bisita. Video lang kasi nila yung nagplay na Para silang mga baliw na kumakanta sumasayaw at ang mga pictures nila nung naglilinis sila sa canteen, nakatapak si Yasmin ng dumi ng aso, nadulas si Kate sa banyo, mahulog sa hagdan si Keziah, may red na pintura ang puting pants ni Natasha yung natapilok si Natasha at nadamay ang kanyang mga kaibigan at marami pang iba.
Hindi na nila makaya ang kahihiyan kaya umalis na sila. Ang mga mukha nila Nakakatawa talaga. Natapos ang party ng may ngiti kami sa mga labi dahil mission accomplished kami. Ang OA ko masyado noh? Pero okay lang maganda naman ako.
----------------------
Thanks for reading...
Please don't forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...