Chapter 41

356 9 0
                                    

Pagtingin ko nakita ko si Andrei na hindi maipinta ang mukha. Nagseselos ba siya? Pero bakit naman siya magseselos?

"A-andrei anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nilapitan niya naman ako at hinigit ang kamay ko.

"Let's go." Sabi niya at hinila na ako.

"Wait Andrei, nasasaktan ako." Sabi ko sa kanya pero hindi siya nakinig.

"GOD ANDREI! I SAID LET GO OF ME!" Sigaw ko sa kanya binitawan niya naman ang kamay ko at nag patuloy na sa paglalakad.

"Andrei ano bang nangyayari sayo? Are you jealous?" Tanong ko sa kanya pero ang loko hindi ako pinakinggan at patuloy lang sa paglalakad.

"So totoo nga nagses-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng patigilin niya ako sa pamamagitan ng paghalik niya.

Tulala parin ako pero hindi nagtagal, I respond to his kisses. Inilayo ko na ang mga labi ko sa labi niya napatingin naman ako sa mata niya.

"Yes I'm jealous. Kaya kung pwede huwag kang lumapit sa ibang lalaki." Seryoso niyang sabi napatango nalang ako.

"Dinamayan lang naman ako ni Clark, kaya h'wag ka ng magselos hindi bagay sa'yo." Sabi ko ngumiti naman siya ng nakakaloko.

"Okay lang na hindi bagay sa 'kin, dahil nakahanap ako ng paraan para mahalikan ka." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko naglakad lakad kami dito sa buhanginan. Sorry hindi ko kasi alam kung anung tawag dun.

"Para paraan ka naman pala e." Sabi sabay hampas ng braso niya.

"Lette?"

"Hmm."

"Kailan mo ko sasagutin?" Seryoso niyang sabi.

"Kung gusto mo ngayon na." Hindi ko kasi siya matiis e at gusto ko malaman kung paano alagaan ng isang Andrei Villanueva ang kanyang girlfriend. Diba ang corny ko?

"Talaga ngayon mo ako sasagutin?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bakit ayaw mo?"

"What? Hell no? Gusto ko pero mas gusto ko kung ipagsisigawan mo." Wow hindi naman masyadong halata ang pagiging demandeng niya diba? Pero sige kung yan ang gusto ng mahal ko. Charot!

"Okay wala namang makakarinig. I LOVE YOU! MY ALIEN ANDREI!" Sigaw ko pero hindi pa siya nakuntento pinauulit niya pa.

"Ulitin mo nga hindi ko kasi narinig."

"I SAID I LOVE YOU! ANDREI!" Sigaw ko ulit.

"Yiee... Sila na." Saway ng mga kaklase at schoolmates namin.

Hindi ko alam na nandito pala sila o talagang pinlano niya talaga ang lahat ng 'to.

"Siguro lahat ng 'to sinadya mo noh?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi sadyang ang lakas lang talaga ng boses mo." Pag dedeny niya.

"Halata ka naman tara na nga hatid mo na ako sa room namin." Sabi ko sa kanya hinawakan niya naman ang kamay ko. HHWW lang kami dito.

"Panget?"

Hindi ako sumagot dahil sa totoo lang hindi naman ako panget at tsaka hindi naman panget ang name ko.

"Panget." Hindi ko parin siya sinasagot.

"Ano ba yan, hindi naman ako pinapansin makaalis na nga." Nagtatampo niyang sabi.

"Hoy teka! Andrei. Hintayin mo ko." Siya naman ang hindi pumansin sa akin. Juskolerd ngayon pa nga naging kami LQ agad?

"Andrei naman eh. Hintayin mo ko." Habol pa rin ako ng habol sa kanya ang bilis kasi niyang maglakad.

Sa kanya lakad pero sa akin halos mamatay nalang ako kakatakbo. Feeling ko isang hakbang ko palang apat na sa kanya. Kasalan ko bang napakahaba ng paa niya.

Sa wakas na abutan ko narin siya kaya ang ginawa ko hinarangan ko ang dadaan niya.

"Please Andrei listen to me. Hindi ako tumitingin sa'yo kapag tinatawag mo akong panget, kasi hindi naman totoo." Pagpapaliwag ko sa kanya habang nag papapout tinawanan niya naman ako.

"H'wag ka ngang mag pout diyan. Hahalikan kita." Pagbabanta niya sa akin, sus as if I care gusto ko din namang halikan niya k- teka lang bakit ba ako nagkakaganito?

"Ikaw naman kasi e."

"Sige na hindi na kita tatawaging panget. In one condition." Abat bakit may condition pa?

"Ano naman yang kondisyon mo? Siguraduhin mo lang na kaya ko." Sabi ko sa kanya.

"Promise madali lang 'to. Just kiss me." Diretsahan niyang sabi aba bakit yan pa alam niya namang gusto ko rin e.

Hoy ikaw Scarlette ah ang landi mo. Sabi sa akin ng kalahating isip ko. Ano bayan para na akong baliw dito kinakausap ang sarili.

"Okay just slight lang." Sabi ko at tumango naman siya.

Kiniss ko siya, slight lang dahil yun ang sabi ko pero hinigit niya ako at hinalikan na naman.

Pangatlo niya na 'to ah. Pero okay lang gusto ko naman eh. Eehh ano ba yan ang landi ko na.

"Tama nayan nilalanggam na kami dito oh." Napatingin naman kami sa nagsalita at yun ang kaibigan pala namin.

"In fairness ang sweet niyo buti nga kayo nag kiss eh kami ni Aileen hindi." Pagmamaktol naman ni Harvey.

"Tumigil ka nga diyan, may in fairness in fairness ka pang nalalaman diyan nag mukha ka tuloy'ng bakla." Inis na sabi ni Aileen.

"Sus as if pang 'di gusto, pero sa kaloob luoban nag tatatalon na." Pang aasar naman ni Phoebe.

"Ewan ko sa inyo." Pikon masyado kaya ayun nag walk out.

"Kayo kasi guys eh." Sisi naman ni Harvey

"Paano una na kami girls. I love you Ganda." Hirit naman ni Billy.

"Mag ingat ka loves." Si Phoebe naman yun. Lahat kami taken na kaya wala ng gagalaw sa amin kundi lagot kayo sa mga loves namin. Blehh inggit lang kayo.

"Goodnight! I love you." Sabi ko at kiniss ko siya sa pisnge.

"I love you more. Bitin sa lips nalang sana yun. Good night panget." Asar niya sa akin at umalis na.

Sabi niya hindi na niya ako tatawaging panget. Pero okay lang para yun nalang ang endearment namin. Panget at Alien  diba ang ganda? Hindi masyadong chessy.

--------------

Thank you for reading..

Please dont forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now