Chapter 42

374 6 0
                                    

Third Person's POV

Masayang nag uusap ang magina ng may biglang tumawag sa phone niya.

"Hello?"

"Ms. Ky! May kailangan kang malaman."  Sabi ng nasa kabilang linya.

"Ano naman yun?" Maarte niyang tanong.

"Ka-kasi si Scarlette at Andrei na." Pagbabalita ng nasa kabilang linya.

"What?! No! Hindi pwedeng maging sila! Gumawa ka ng paraan para mapaghiwalay mo sila!" May halong inis at galit sa tono ng kanyang pagsasalita.

"Pero Ms. Ky. Magagalit po si Scarlette sa aki-" Pinutol niya ang sasabihin sana sa kanya.

"Idiot! Ano pang silbi mong maging alipin ko kung hindi ka naman susunod? Gawin mo ang lahat kung hindi ikaw ang lagot sa akin! At isa pa sa akin kayo matakot h'wag sa kanya." At ibinaba na niya ang kanyang phone at bumalik kung nasa'n ang mommy niya.

"I'm sorry mom, importante lang kasi." Pag sisinungaling niya sa kanyang mommy.

"I understand but, ganyan ang face ng baby ko may problema ba?"

"Nothing! Mom I want to go back in the Philippines as soon as possible."

"Okay next week ka nalang aalis. Susunod nalang kami sa'yo dun."

"But mom pwede bang this week nalang?" Pag pupumilit niya.

"Sundin mo nalang ang sinabi ng mom mo. Kundi hindi ka na makakabalik sa Pinas." Singit naman ng Daddy niya kaya wala na siyang magawa.

"Okay fine! Masusunod na po kamahalan!" Don't forget the sarcasm guys.

"Aba sumusubra kana talagang bata ka ah!" Sasampalin na sana siya ng napigilan niya ito.

"What now Dad? Sasampalin mo ko? For all this years gusto ko lang makipag ayos sa inyo pero ikaw 'tong lumalayo. Dahil sa bwes*t na Scarlette na yan! Ano bang nasa kanya na wala ako? Ako yung anak niyo pero ano? Sa kanya ka kumakampi! Sana nga ako nalang siya e. Para naman maramdaman ko kung gaano ka kasuportive neh kahit kailan hindi ko naramdaman galing sa'yo! I HATE YOU! And you can't stop me kung ano ang gagawin ko sa pabidang mahal niyong si Scarlette!" Tumakbo na siya at hindi manlang pinakinggan ang pagtawag sa kanya ng mom niya.

Humagulgol lang siya ng humagulgol. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang paghiganti sa matagal niya ng naging karibal sa lahat ng bagay, lalo na sa pagmamahal ng kanyang ama.

"I will bring you to hell Scarlette! Hindi ako papayag na makuha mo ang lahat. Mararanasan mo din ang nararanasan ko ngayon." Sabi niya sa kanyang sarili at pinunasan ang tumutulong luha galing sa mata niya.

Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sa inyo ako nga pala ang bestfriend. Este ang ex bestfriend ni Scarlette na si Kyla.

Sa pagkakaalam ninyo na ang kaibigan niya ay si Jeanne. Yes that's me pero h'wag lang kayong magkamaling tawagin ako sa pangalan na yan kundi magiging miserable ang buhay mo.

Patay na si Jeanne na kilala niyo bilang kaibigan ni Scarlette. Heto ako ngayon nagbago na ng dahil sa pabida niyong idol. Ako na ngayon si Kyla ang napakagandang Dyosa ng kadiliman. Hahahahahah!

At tumawa ito ng malademonyo.

------------

"Sus ikaw Scarlette ah. Akala namin sa pagbalik mo lang galing photo shoot sasagutin si Andrei." Cheska

"Baka kasi hindi niya matiis. Kasi ang puso tumitibok tibok." Phoebe naman habang hawak ang dibdib at sumasayaw.

Tumawa naman ang magkakaibigan. Ang akala nila tuloy tuloy lang ang kasiyahan na wala ng mangyayari.

Ang hindi lang nila alam na may nagbabanta pala sa buhay ng kanilang kaibigan. Nawala na sa isip ni Scarlette ang mga problema niya dahil sa nangyayari ngayon.

"May pakiss kiss pang nalalaman. Good kisser ba ang Alien mo?" Tanong ng kanyang kaibigan na si Aileen.

"Kailangan pa ba talagang itanong yan?" Tanong niya pabalik sa kanyang mga kaibigan tumango lang ang mga ito at hinihintay lang ang isasagot niya.

"Bilis ang bagal mo namang sumagot. Oo o hindi lang naman ang pagpipilian mo." Naiinip na sabi ni Phoebe.

"Sige na nga sasabihin ko na. Yup hes a good kisser. Naaadik nga ako e." Nahihiya niyang sabi sa kanyang mga kaibigan.

"Nakakainggit naman kayo." Sabi naman ni Aileen habang nag papout.

"Naiinggit ka naman pala e. Sana pinagbigyan mo nalang si Harvey kanina. Malamang good kisser din yun." Pangaasar ni Cheska sa kaibigan.

"Ayaw ko nga baka sabihin niya sa akin na napaka cheap kung babae."

"Bakit mo naman nasabi yan? Mahal ka nun kaya hindi niya yan maiisip." Scarlette

"For example guys, paano kung may hahadlang sa atin o tutol sa relasyon natin with boys anong gagawin niyo?" Biglang tanong ni Cheska sa mga kaibigan niya kaya sumeryoso naman ang mga ito.

"Hindi ako papayag na may hahadlang sa amin. Mamamatay muna ako pero hindi ko rin papayagang kumuha sa my loves ko, at kung mamamatay man ako dadalawin ko ang girl palagi hanggang sa hindi niya na kayanin." Mahabang paliwanag naman ni Phoebe.

"Ako ewan ko malalaman ko nalang ang gagawin ko kapag nangyari na." Scarlette

"Kakalbohin ko ang sino man ang tututol sa relasyon o gigiba nito." Aileen

"Chill lang okay? Kapag lang naman diba? Hindi ko sinabing magyayari nga." Cheska.

"Tss. Tigilan na nga natin tung kalukuhan nating 'to matulog nalang tayo at may mga activities pa tayong gagawin bukas." Sabi ni Scarlette kaya ayun nagsihiga na sila isa isa.

-------------

Thank you for reading..

Please dont forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now