1 Month na ang nakalipas simula nung malaman namin na twin sister ko si Kyla. Ngayong araw na to ang welcome party niya for the family.
Naging kaibigan niya na ang mga kaibigan ko at pati narin ang mga kaibigan ni Andrei nagkaka mabutihan na nga sina Kyla at Clark e.
Yah tama kayo ng narinig o nabasa si Clark yung manliligaw ko. Sabi niya sa akin kaya niya ako niligawan para raw malibang niya ang sarili niya at makalimutan niya si Kyla. Aba! Panakip butas lang pala ako? Ang sakit nun tagos hanggang lungs!
"Hey baby girls ko! Ready na ba kayo?!" Tanong ni mom sa aming dalawa ni Kyla.
"Yuck! Mom ang corny mo! Eww!" Sabi ko na para bang nandidiri, napa pout naman si mom kaya tumawa si Kyla.
"Ang kyut mo mom! Pero hindi bagay sayo." Sabi naman ni Kyla, yes close na sila ni mommy and daddy madali lang naman pakisamahan si Kyla at plus mag bestfriend kami nung bata pa kami. Nag apir naman kami ni Kyla.
"Ang bad niyo. Hon! Oh pinagtutulungan nila ko!" Sumbong ni mom kay dad.
"Huwag niyo ngang pag tulungan tong mommy niyo. Masira pa ang kagandahan nito." Bula naman ni daddy kay mommy.
"Bagay nga kayo, ang kocorny niyong dalawa." Sabi ko sa kanila tumawa naman si Kyla at sinangayunan ang sinabi ko.
Mas lalo kaming naging close ngayon ni Kyla na naging kapatid ko siya I mean twin sister ko siya. Nagkakasundo kasi kami palagi kapag inaasar namin si mommy e.
"Siya nga ready na ako. Ikaw ba twin ready ka na?" Tanong sa akin ni Kyla at oo nga pala twin na ang tawagan namin ngayon maiba sa sis. Heheh bagay naman sa amin ang twin e kasi kambal nga kami.
"Yes i'm ready so let's go?" Tanong ko pabalik sa kanila at tumango naman sila bilang pagsang ayon o pag sagot sa tanong ko.
Nag simula na ang party dito lang naman sa bahay ini held ang party. Tumabi kami ni Kyla sa mga kaibigan namin siya katabi niya si Clark, ako naman katabi ko ang yabs ko.
"Alam niyo kayo lang ang nakilala kung kambal na hindi masyadong magka mukha." Sabi sa amin ni Aileen.
Oo nga e yan din ang iniisip ko kambal raw kami e hindi naman kami masyadong magka mukha. Meron bang ganun tanong ko lang sa inyo?
"Mas maganda kasi ako sa kanya." Sabi ko sa kanila.
"Ang hangin mo masyado twin, nahawa kana dyan sa yabs mo ang hangin niyo pareho." Sabi naman ni Kyla.
"Oo nga mabuti nalang hindi tayo inihip o nilipad ng hangin kung saan saan. Kundi wala na ako sa tabi ngayon ni Cheska." Sabi naman ni Billy kaya nginitian siya ni Cheska.
"Tss dami niyo pang satsat maganda naman talaga ako ah." Napatigil nalang kami sa pag kukwentuhan ng tinawag na si Kyla.
"Welcome to the Family Kyla! It's your time to speak now." Sabi ni Daddy at ibinigay na kay Kyla ang mike pag kaakyat niya ng stage.
"Good evening everyone! I'm so thankful that I belong in this family, kasi ang kukulit nila palagi. Kahit na may nagawa akong malaking kasalan sa twin sis kung si Scarlette pinatawad niya parin ako at tinanggap bilang kapatid. I'm so thankful dahil sila ang naging pamilya ko kahit na ang kukulit nila, mahal ko pa rin sila and they love me back. Mom, dad, Scarlette thank you for welcoming me as a part of your family. I love you all." Sabi ni Kyla kaya umakyat kami sa stage kaming tatlo at niyakap siya, mahal din namin tong panget na to.
"Mahal ka rin namin twin." Sabi ko kay Kyla at niyakap ko siya ulit. Pagkatapos ng pag eemote namin dun bumalik na kami sa mga upuan namin at pinag patuloy ang pakikinig sa mga nag salita at kahit ano pa.
"Ngayon ko lang na realise na magkapatid nga kayo." Sabi ni Phoebe, bakit naman niya nasabi yan?
"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong sa kanya ni Harvey.
"Parihas kasi silang makulit at panget e." Sabi ni Phoebe kaya tumawa naman ang buong barkada.
"Haha! Hiya naman ako sa kagandahan mo teh!" Sabi ko ng may pag kasarkastikong pagkasabi kaya mas lalo naman silang nagtawanan.
"Hayaan na natin yan sila twin inggit lang sila sa kagandahan natin." Sabi naman ni Kyla.
"Hindi kaya kami naiinggit dahil maganda din kami. Kaya lang to the highest level kayong dalawa sabi ni Cheska.
"Pero sa aming mga lalaki hindi kami pantay pantay." Biglang sabi ni yabs este ni Andrei.
"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong sa kanya ni Jad.
"Ako kasi ang pinaka gwapo sa ating lahat at hanggang kamay lang kayo sa akin." Pag mamayabang na naman niya. Hinampas naman siya ni Clark.
"Ang panget kaya ng kamay mo! Ang gwapo kaya namin kaya manahimik ka." Sabi sa kanya ni Clark kaya nag tawanan na naman ang lahat.
"Hala yabs oh. Inaaway nila ako." Parang batang sabi ni Andrei sa akin. Napa tawa nalang ako sa reaksiyon niya ang kyut niya kasi.
"Para kang tanga Bro!" Sabi naman ni Billy at tumawa ng malakas.
"Kahit na ano pa ang sabihin niyo basta ang tingin ko sa yabs ko. Gwapo parin at mahal na mahal ko parin to kaya ilait niyo na ang lahat ng gusto niyong ilait dahil hindi naman yun totoo. Ang kagwapuhan wala sa panlabas na anyo nandito ito sa puso mo." Sabi ko sa kanila ngumiti naman sa akin si Andrei at niyakap ako.
"Kuya Kim, ikaw bayan?" Pag bibiro ni Jad.
"Hindi kaya ang ganda kaya ng skin ko at higit sa lahat hindi ito kulibot noh." Sabi ko sa kanila at nagtawanan naman ang mga loko. Hay buhay nga naman.
Masaya ako dahil naging parte sila ng buhay ko. Mahal ko 'tong mga to kahit na may tupak minsan.
Keep voting guys... Last Chapter na 'to kaya Epilogue na ang susunod. Love you😘😘
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...