Someone's POV
Now I'm here in the Philippines sisiguraduhin kung luluhod ka sa harapan ko Scarlette. Mag mamakaawa na tigilan na kita at kukunin ko din si Andrei na inagaw mo sa akin.
"Baby hindi ka pa ba kakain?" Tanong ni mom sa akin.
"Mamaya nalang mom, hindi pa naman ako gutom." Sagot ko sa kanya kaya lumabas na siya sa kwarto ko.
"Mag papakasaya ka muna ng ilang araw, dahil ones na magsisimula ako hindi na ako titigil. Hahahaha" At tumawa ako ng malademonyong tawa.
Scarlette's POV
"Ang ganda talaga ni Ms. Scarlette bagay na bagay sila ni Andrei." Girl 1
"Your right! Mas lalo siyang gumanda dahil sa sinuot niya." Girl 2
"Ikaw na ang usapan ng buong bayan teh. Ang ganda mo kasi." Cheska
"Huwag ka ng maiingit ganda, para sa akin ikaw naman ang napaka gandang babaeng nakilala ko." Ang chessy naman nitong si Billy.
"Ang haba ng hair mo teh, abot hanggang Edsa kaya ayun paniguradong traffic na dun." Si Phoebe naman yun.
Kung itatanong niyo kung nasaan si Aileen at Harvey ayun nag haharutan. Ang cute nilang tingnan. Sana ganito nalang palagi walang problema.
"Okay ready na ba ng lahat? Dahil aalis na tayo." Announce ni Ms. Grace sa amin.
"Yes Maam." Sabay sabay naming sabi.
"Okay kung ganun aalis na tayo. But before that ito ang copy kung sino ang kasama niyo sa room doon at ngayon sa pag sakay ng van." Sabi naman ni Ms. Connie.
Siya ang Mapeh teacher namin. Ng matanggap na namin ang list kung sino ang kasama namin pumunta na kami sa van na sasakyan namin.
Ang kasama ko lang naman ay ang mga kaibigan ko kaya eight na kami at may na dagdag pang dalawa. At yun ay si Jehanne at Reniel. Sa room namin ay kaming limang babae at yung boys naman.
Ang arrangement namin sa loob ng van ay Reniel, Jehanne, Cheska and Billy. Sa unahan sa gitna naman ay sina Aileen, Harvey, Jad and Phoebe. At kaming dalawa naman ni Andrei sa likuran.
Tahimik lang ang beyahe namin nakakaantok nga eh. Nagsuot nalang ako ng airphone. Nakakailang music na ako ng tinapik ako ni Andrei.
"You want to sleep?" Tanong niya tumango naman ako.
"Come here." At pinahiga niya ako sa balikat niya at ang isang kamay niya nasa bewang ko.
Para kaming mag-on kahit na hindi pa pero pagkatapos ng trip namin baka sasagutin ko na siya.
Kinuha ko ang airphone ko para maka sandal ako sa kanya ng maayos. Ng makita kami ng mga kaibigan naming mga loko hindi na sila tumigil kakaasar.
"Ang sweet niyo naman, nilalanggam na kami dito oh." Harvey
"Tumigil nga kayo ang iingay niyo. Mind your own business." Andrei
"Sus ayaw lang maisturbo eh, chansing ka bro ah." Aileen
Hindi ko na narinig pa ang mga usapan nila dahil nakatulog na 'ko. Nagising nalang ako ng may gumigising sa akin.
"Ano ba inaantok pa ako eh."
"Panget gising na. Nandito na tayo naghinhintay na sila sa loob." Pag kasabi ni Andrei nun agad akong napatayo kaya ayun nabunggo ako.
"Aray! Bakit 'di mo ko ginising?" Sabi ko sa kanya at lumabas na.
"Anong hindi kita ginising kanina pa kaya kita ginigising. Ngayon ko palang nalaman na tulog mantika ka pala." Asar niya at tumawa ng mahina.
"Sige mangasar kapa." Nauna na akong naglakad sa kaniya ang bagal kasi daig pa ang mga babae.
"Sandali lang pikon ka naman agad. Okay ka na ba?" Tanong niya
"Yes i'm okay. Bilisan mo nga ang paglakad mo para makapagpahinga na tayo. Napagod kasi ako." Reklamo ko nag smirk naman siya.
"Ikaw napagod?! Eh wala ka ngang ginawa kundi sumandal sa mga muscles ko."
"Ang kapal ng mukha mo ah. Talagang inaasar mo ako ngayon nakakainis ka na. Buti na lang mahal kita kundi sinapak na kita diyan." Bulong na ang pagkasabi ko diyan sa last sentence.
"May sinasabi ka?"
"Wala." Tipid kung sagot.
Nakarating na ako sa room namin naabutan ko dun ang mga kaibigan kung busy kakaayos sa kanilang gamit.
"Lette ikaw na diyan sa isang kama. Kami naman ang magkatabi ni Aileen at si Phoebe naman at si Jehanne sa isang kama." Sabi ni Cheska pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang gamit.
May tatlong kama kasi dito malalaki naman. Pero bakit ako lang ang mag isang matutulog dito puwede namang mag katabi kami ni Cheska o sino man sa kanila.
"Bakit ako lang? Pwede namang mag katabi tayo Cheska o isa man lang sa inyo." Reklamo ko sa kanila.
"Baka kasi hindi ka sanay na may katabi kaya ikaw nalang ang mag isa diyan. Okay lang naman kami dito." Aileen
"Ang oo.a niyo porket ba na hindi ako sanay hindi na tayo pwedeng magkatabi? Ganun ba yun?" Tanong ko sa kanila.
"Baka pero okay lang na mag katabi kami. The bed is yours princess." Pabirong sabi ni Phoebe tumawa naman silang apat.
"Bahala kayo. Mag aayos muna ako dito at tsaka tayo mag libot libot." Sabi ko sa kanila tumango naman ng mga ito.
Natapos na akong mag ayos kaya nagbihis muna ako, bago niyaya silang gumala.
Sana mag eenjoy kami dito. Sana walang gulo o problemang darating. -_-#
--------------------
Thank you for reading...
Please don't forget to vote and comment..
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...