Scarlette's POV
Nandito ako ngayon sa bahay, nanonood ng t.v . Wala kasi kaming pasok ngayon dahil may meeting ang mga teachers.
"Ma'am Scarlette may bisita po kayo." Sabi ni Yaya Sally.
"Papuntahin nalang dito." Maikli kung Sabi sa kanya.
"Tss. Bago na pala taste mo ngayon at hindi ka na nagyaya mag shopping." Tumingin ako sa nagsalita at sina Cheska pala.
"What are you doing here?!"
"Magyayaya sana kami sayo mag shopping pero parang ayaw mo naman, Kaya aalis nalang kami." Phoebe
"At sinong nagsabi sa inyo na hindi ako sasama?." Tanong ko habang naka cross arms.
"Ah, akala namin hindi ka sasama ang init kasi ng ulo mo eh!." Aileen
"Tss Just wait for me, magbibihis lang ako."
Sabi ko sabay akyat sa room ko.Natapos na akong magbihis kaya bumaba na ako. Simple lang naman ang sinuot ko, crop top and then jeans.
Pagkababa ko nakita ko yung tatlo na kumakain na ng chips, Pinuntahan ko sila at inaya na kaya tumayo naman sila.
"Ikaw na girl, ang fashionista sa ating apat." Biglang sabi ni Cheska.
"Oo nga, Ikaw na teh." Pagsang ayon naman ni Aileen.
"Tss. Tara na nga." Sabi ko sabay pasok sa kotse ko.
"Wait lang girl, sabay nalang kami sayo." Phoebe
"Tara na. Sakay na kayo. " Aileen
"Hep hep, huray. Char lang at sinong nagsabi sa inyo na sumakay kayo?"
"Ako, sige na Lette alis na tayo." Aileen
"Okay fine, subukan niyo lang akong gawing driver malilintikan kayo sa kin."
Tumango naman ang tatlo kaya nag umpisa na akong mag drive. Wala pang tatlong minuto naka rating na kami sa mall.
"Grabe ka naman Lette, kung makapag drive wagas parang wala ng bukas." Cheska
"Tss. So saan tayo ngayon?"
"Hmm, saan nga ba?" Cheska habang nagiisip at ang kamay ay nasa chin niya. "Ayun arcade nalang tayo."
"Huwag dun para tayong mga bata." Phoebe sabay pout.
"Huwag ka ngang mag pout jan hindi bagay sayo, para kang bakla at kung ayaw mo sa arcade kami nalang pwede ka ng maka uwi." Aileen
"Wow, himala at ang haba ng sinabi mo ngayon. Pero joke lang sasama ako sa inyo noh. Tara na." Phoebe at tsaka naunang maglakad.
Baliw talaga oh sabi niya ayaw niyang mag arcade, pero ang likot likot. Nauna pang maglakad. Nakarating na kami, kaya bumili na kami ng mga tokens at nagsimula ng laro.
Ang nilalaro ko ay basketball, ang dalawa naman nasa may toy machine ba yun? Ewan ko basta yung may mga stuff toys. Si Aileen naman ayun naka upo na kanina pa kasi laro ng laro. Kaya napagod pero may dalawang bears na siya.
Ako isa palang pero malapit na makukuha ko narin ang gusto kung bear, yung may cup na bear ang cute kasi eh.
"Hoy! Tama na yan, punta na tayo sa Mcdo gutom na ako eh! Phoebe sabay kalabit sa akin
"Pero hindi ko pa nakukuha yung bear na yun." Sabi ko sabay turo nung bear.
"Sige na bilisan mo, para maka alis na tayo." Cheska tsaka tumalikod na para umupo sa tabi ni Aileen.
Last one na Lang at makukuha ko na rin. Pagkatapos nun kinuha ko na ang bear, lumapit na ako sa kanila. Pinadala ko kay Cheska ang isa wala kasi siyang dala eh. Hindi kasi mahilig sa mga stuff toys.
Habang papunta na kami sa Mcdo may naka bangga akong isang lalaki. Pero parang isang group din sila dahil may mga lalaki din sa likuran niya.
Tss ano bang pakialam ko sa kanila, hindi ko naman sila kilala. Kaya lang aalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
---
Sino kaya yung mga lalaking nakabangga ni Scarlette?
Thank you for reading...
Please don't forget to vote and comment.
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...