Andrei's POV
Nakarating na ko sa assigned room namin. Pagkapasok ko nakita ko ang mga kaibigan ko pati narin si Reniel na nag uusap.
Siguro tapos na silang mag ayos ng mga gamit nila wala na namang nakakalat dito.
"Dude diyan ka nalang matulog sa isang kama. Tabi tabi nalang kaming dalawa ni Harvey at sina Reniel naman at Jad." Paliwanag sa akin ni Billy.
"Okay ilalagay ko muna 'tong mga gamit ko at pag katapos gala tayo." Sabi ko sa kanila tumango naman sila at nag patuloy sa pinag uusapan nila.
Natapos na akong mag ayos ng may biglang kumatok sa pintuan kaya agad ko itong binuksan.
"Hi guys! Tapos na kayong mag ayos? Tara mag libot libot tayo dito." Masiglang bati ni Panget, akala ko ba napagod 'to sa biyahe.
"Oh akala ko napagod ka sa biyahe. Bakit ngayon nagyayaya kanang mag libot libot?" Tanong ko sa kaniya itinaas niya naman ang isang kilay niya.
"Akala mo lang yun, kaya tara na!" Pag susungit niya. Mas lalo siyang gumaganda kapag nag susungit siya.
Kaya hindi ko hahayaang may makakakuha pa sa kanya. Ibubuwis ko ang buhay ko para mapa sa akin lang siya.
Ganiyan ko siya kamahal. Diba ang sweet ko?
Kinabukasan
Maaga kaming nagising dahil may activity daw kaming gagawin. Kaya ginawa ko na ang daily routines ko yun ay ang maligo, mag toothbrush at iba pa.
"First ang gagawin natin ay maglalaro tayo ng volleyball." Announce ni Ms. Connie sa amin.
"Ang unang maglalaro ay ang mga girls and then next naman ay ang boys. So group your self now." Sir JP
Sina Scarlette naman at ang mga kaibigan niya. At may nadagdag pang tatlo para raw ang isa ay para sa mag papapalit.
Lamang sina Scarlette, magaling pala siyang mag laro ng volleyball.
"Dude huwag mong titigan matutunaw yan at tsaka icheer mo siya para ganahan siyang maglaro." Jad
"Huwag ka ngang makialam diyan kung gusto mo si Phoebe nalang ang icheer mo diyan." Napatahimik naman siya.
"Go Scarlette! Kaya mo yan." Sigaw ng isang lalaki napatingin naman ako dun kung saan nanggaling ang boses.
Pagkakita ko sa lalaking sumigaw dumilim kaagad ang pangingin ko. Paano ba naman si Clark yung sumigaw, diba nanliligaw din siya kay Scarlette?
"Oh ano dude hindi mo pa ba siya ichecheer?" Harvey
"Go Scarlette! Galingan mo kapag nanalo kayo ibibigay ko lahat ng gusto mo!" Sigaw ko napatingin naman siya sa akin at ngumiti.
Alam kung hindi magtatagal sasagutin na ako ni Scarlette. Kita naman sa mga kilos niya e hindi katulad nun na nagagalit siya kapag lumalapit ako sa kanya.
Lamang sina Scarlette ng anim na puntos, dahil sina Natasha ang kalaban nila hindi ito nag papatalo. Nag time out muna sila agad ko namang nilapitan si Scarlette.
"Scarlette tubig/panyo oh." Sabay naming sabi ni Clark abat bakit hindi ko namalayan na pumunta siya dito.
"Ah sasalamat guys." Sabi niya sabay abot ng tubig na ibinigay ko at panyo namang ibinigay ni Clark.
"May namumuong love triangle dito oh." Pangaasar na sabi ni Jad.
Bumalik na sila sa kanilang kanya kanyang laro, tudo cheer parin ako kay Scarlette ganun din si Clark.
"Scarlette umilag ka!" Sigaw ko kasi matatamaan na siya ng bola na inispike ni Natasha.
Napa gasp naman ang lahat. Dali dali akong pumunta sa kanya at ibinuhat siya ng pa bridal way. Agad ko siyang dinala papuntang room nila.
"Lagot talaga yang si Natasha." Gigil nasabi ni Cheska.
"Pabayaan nalang natin si Scarlette, kung ano ang gagawin niya kay Natasha. Alam naman natin na ayaw niyang inuunahan siya." Phoebe.
"Guys bumalik muna kayo dun sa laro niyo. Ako nalang ang mag babantay kay Scarlette dito." Sabi ko sa kanila.
"Hindi na kailangan kami naman ang panalo. Sa game na yun last 5 seconds na kaya ang natira dun." Aileen
"Ganun ba akala ko hindi pa tapos."
"Kahit na hindi pa kami matatapos mananalo pa rin kami." Pagmamalaki ni Phoebe
"Bakit naman?" Billy
"Dah hindi niyo ba alam na si Scarlette ang captain ng volleyball ng S.S? Pinag aagawan nga siya ng ibat ibang school. Pero pinili niya paring dito mag aral sa school na pinag aarian niya." Mahaba habang paliwanag sa amin ni Cheska.
"Ahhgg." Mahinang sabi ni Scarlette kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Lette are you okay?" Nag aalalang tanong ni Aileen.
"Yes. I'm okay huwag na kayong mag alala." Mahina niyang sabi.
"Hindi ka kasi nag iingat." Sabi ko naman sa kanya ngumiti naman siya ng bahagya.
"Thank you nga pala Andrei, ah kasi kung wala ka. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin at thank you din sa inyo guys kasi kahit na maldita ako minsan hindi parin kayo umaalis sa kiliran ko. Promise ko sa inyo mag babago na ako." Sabi ni Scarlette sabay punas ng nabasa niyang pisngi.
"Tss. Drama mo naman, huwag ka na ngang umiyak nahahawa kami eh. At tsaka hindi naman para sa amin ang pag babago mo eh para naman kay Andrei." Mapang asar'ng sabi ni Aileen.
"Panira ka talaga minsan e. Ngayon lang ako nag dadrama sisirain mo pa." Nagtatampong sabi ni Scarlette.
"Ewan ko sa'yo tara na nga pupuntahan pa natin ang mga bruhang tumama sayo." Phoebe
"Tara may itatanong rin ako sa kanila." Sabi naman ni Scarlette at inalalayan ko naman siyang tumayo.
------------------
Thank you for reading...
Please dont forget to vote and comment...
Saranghae readers... 😘😘😘
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...