Chapter 40

389 8 0
                                    

Scarlette's POV

Papunta kami ngayon kung nasaan si Natasha at ang mga kaibigan niya. Malayo palang narinig ko na ang usap usapan nila.

"Hindi ko naman talaga sinadya yun. Kaya lang may nag utos kasi sa akin." Sabi niya, sino naman ang nag utos sa kaniya? Neh wala naman akong taong kagalit.

"Ha?! Sino naman ang nag utos sayo para saktan si Scarlette? Tanong naman ni Yasmin.

"Yun na nga ang hindi ko alam. Basta ang sabi niya lang na- Gawin mo ang lahat ng iuutos ko sayo, kung hindi may mangyayaring hindi mo gusto. At yun nga ang una niyang pinagawa saktan ko raw o tamaan ng bola si Scarlette." Mahaba haba niyang sabi.

Kapag nalaman ko kung sino ang nag utos sa kaniya. Baka lumabas talaga ang totoo kung ugali.

Yah sinabi ko na sa inyo na magbabago na ako. But kung ako na ang babanggain niyo, maghukay nalang kayo para sigurado.

"NATASHA!" Gigil na sigaw ni Phoebe

"What?!" Sagot naman niya

"Sino kaba para saktan si Scarlette?!" Si Cheska naman yun

"Malamang tao." Pambabara naman ni Yasmin.

"Huwag ka ngang sabat ng sabat diyan hindi naman ikaw ang kinakausap ko." Cheska.

"Bakit sinabi ko bang ikaw ang sinabihan ko?" Yasmin

"TUMIGIL NGA KAYO!" Napatigil naman sila at napatingin sa akin nilapitan naman ako ni Andrei at hinaplos ang balikat ko. Siguro para patahanin ako.

"Listen Natasha, hindi ako pumunta dito para makipag away. Gusto ko lang tanungin kung sino ang nag utos sayo na saktan ako." Mahinahon kung sabi sa kanya.

"To be honest. IDK nag text lang siya sa akin. Kaya huwag ako ang tanungin mo." Sabi niya at umalis na, aba bastos to ah hindi pa nga ako tapos mag tanong umalis na.

"Sino naman ang taong nag utos kay Natasha? Uto uto naman si Natasha sumusunod kahit na hindi niya kilala kung sino ang nag utos sa kanya." Aileen

"Tanga kasi." Phoebe

"Tara na guys, para makapagpahinga na tayo lalong lalo ka na Scarlette." Jad

Inihatid na kami nina Andrei sa room namin at sila naman ay pumunta na sa room nila.

"Lette ba't di mo pinagalitan si Natasha kanina?" Cheska

"Diba nga sabi niya magbabago na siya? Kaya ayun hindi niya na pinatulan." Aileen

"Guys hindi naman sa ganun, nang papalapit pa tayo sa kanila narinig ko na ang pinaguusapan nila."

"Ano naman ang narinig mo?" Aileen

"Na hindi si Natasha ang may pakana nun, kundi may nag utos sa kanya." Pag papatuloy ko.

"Sino naman kaya ang nag utos sa kanya, malamang ang laki ng galit nun sayo." Cheska

"Hindi ko alam, wala naman akong naaalalang nakaaway ko."

"Hindi mo lang siguro matandaan." Phoebe

"Magingat ka palagi Lette. Baka malala pa ang susunod na mangyari. Kailangan kapag aalis ka may kasama ka." Aileen

"Mommy ikaw ba yan?" Pagbibiro ko napabuntong hininga naman si Aileen. "Kung sino man ang nag utos kay Natasha kayang kaya ko yun noh. Ako pa."

"Alam namin na kaya mo yun Lette, nagaalala lang kami sayo. Paano kung tangkain niyang kitilin ang buhay mo." Cheska

Yun din ang ikinabahala ko ngayon, alam niyo na maldita at matapang ako pero hindi sa ganitong paraan iba to eh.

May nakalaban ba ako? Sa pagkakaalam ko wala naman. Maliban kay Natasha at sa mga kaibigan niya.

Lumabas ako sa room namin at naglibot libot, nagpaalam na ako kina Aileen sabi nga nila na sasamahan nila ako. Pero sabi ko nalang sa kanila gusto kung mapag isa, hindi na nila ako kinulit.

Hanggang sa mapadpad ako dito sa pool. Malaki kasi itong resort na tinuluyan namin may pool din at tabi din ito sa dagat.

Umupo ako sa side nito at tinampisaw ang mga paa ko. Malalim ang iniisip ko ng may biglang nagsalita.

"Ang lalim yata ng iniisip mo ngayon ah." Tiningnan ko ito kung sino at napagtanto ko na si Clark pala.

"Can I seat beside you?" Tanong niya tumango lang ako.

"Okay kalang ba? Hindi kasi ako sanay ng may iniisip ka." Sabi niya napangiti nalang ako ng bahagya.

"Namimiss ko lang sina mommy." Sabi ko sabay punas ng tumulo kung luha.

"Talaga bang yan ang dahilan kung bakit ka malungkot?" Tanong niya ulit hindi naman talaga yun ang iniisip ko pero miss ko nadin kasi sila kaya napaiyak ako.

"Hindi nga yun, pero miss ko na sila. Kahit na bad girl ako mamimiss ko parin ang parents ko diba? Hindi naman ako ganun ka sama." Sabi ko sa kanya pinatahan niya naman ako at niyakap niya ako.

"Ssshh tahan na hindi kasi ako sanay na ganyan ka. Plus pumapanget ka kapag umiiyak." Sabi naman niya kaya hinampas ko siya.

"Ikaw naman eh. Akala ko nandito ka para damayan ako yun naman pala lalaitin mo ako." Sabi ko sabay hampas ng mahina sa braso niya napahinto nalang ako ng mag salita siya.

"Binibiro lang kita para tumawa ka at hindi naman ako nagkamali dahil napatawa kita."

"Talaga joke mo lang yun? Ibig sabihin maganda ako kahit na umiiyak?" Tanong ko sa kanya para na nga akong bata dito eh.

"Totoo maganda ka kahit na umiiyak, ikaw na kaya ang napakagandang babaeng nakilala ko." Sabi niya at niyakap ako niyakap ko naman siya pabalik.

"Tss. Bolero." Sabi ko sa kanya napakalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya ng may tumawag sa pangalan ko.

"Scarlette!"

-------------

Thank you for reading..

Please dont forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now