Chaper 53

346 9 0
                                    

Kinanta niya yung Stay by Daryl Ong, ang ganda ng boses niya promise ang iba nga sumasabay sa pagkanta niya. Natapos siyang kumanta kaya bumalik na siya sa pagkakaupo niya sa tabi ko.

"What a nice presentation Mr. Villanueva!" Masiglang sabi ng emcee

Nagpatuloy lang ang flow ng party, nagsisimula na ang games kaya lang hindi ako makapag concentrate dahil may kung ano mang bumabagabag sa isip at kalooban ko.

"Yabs are you okay?" Tanong sa akin ni Andrei at pinaupo niya 'ko.

"Yabs may kakaiba akong nararamdaman na para bang may mangyayaring masama." Sabi ko kay Andrei umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kung kamay.

"Yabs kung ano man yan, nandito lang ako sa tabi mo para tulungan ka." Sabi niya at niyakap niya ako.

"Thanks yabs for everything." Niyakap ko naman siya pabalik, napabitiw nalang ako sa pagkakayakap ng may biglang tumawag sa akin na unknown number.

"Wait lang yabs sasagutin ko lang 'to saglit." Tumango naman siya at sinundan ako palabas ng venue ang ingay kasi sa loob.

"Hello?"

"Oh hello bestie!" Sabi ni Kyla sa kabilang linya. Nalaman kung siya ito dahil sa boses niya.

"Kyla?! Ano na namang pakana ito?!" Tanong ko sa kanya kaya nilapitan ako ni Andrei at hinaplos ang likod ko.

"Chill kalang okay?! May gusto lang kumausap sa'yo e." Sino namang gustong kumausap sa akin.

"Here, Apo tulungan mo ko!" What the f*ck boses ni mamila yun ah. Bakit kasama niya si Kyla?

"Kyla please huwag mong saktan si mamila." Pag mamakaawa ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Oh! Ngayon kulang narinig ang isang Scarlette Salvador ay nagmamakaawa. Hindi na ako mag paligoy ligoy pa kung gusto mo pang makikitang humihinga itong panget mong mamila pumunta ka dito mag isa! Kung hindi, hindi niyo na siya makakasama. Itetext ko nalang sayo ang address." Yan lang huli niyang sinabi at pinatay niya na ang tawag.

"Yabs kailangan ko ng pumunta, mamila needs me." Sabi ko kay Andrei.

"Sasamahan na kita." Sabi niya

"No ayaw ni Kyla na may kasama ako, itetext ko nalang sa inyo ang address sumunod nalang kayo." Sabi ko

"But--" Pinutol ko ang sasabihin niya dahil alam kung kukulitin niya akong sasama siya.

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now