A Month Ago...
Isang buwan na ang nakalipas simula ng maaksidente ako. Kaya ngayon hindi na ako makaalis ng bahay ng walang bantay, kung hindi ang mga kaibigan ko ang napakagwapo kung boyfriend ang kasama ko.
Medyo naiilang na nga ako e, palagi nalang nila ako binabantayan kahit saan ako pumunta. Pero okay nadin para naman maging safe ako.
Tok! Tok! Tok!
"Yes?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa salamin. Nagaayos kasi ako ngayon dahil balik eskwela na.
Kunting tiis nalang at Christmas Vacation na! Saan naman kaya kami magbabaksyon I wish dun nalang kina Mamita.
"Ma'am Scarlette nandito na po si Sir Andrei." Sabi ni yaya.
"Okay i'm coming!" Sabi ko sa inyo e na hindi ako makakaalis ng bahay ng walang kasama. Hindi narin ako nakakapagmaneho so sad hindi ko magagamit si Pinky at Greeny.
"Good morning yabs." Bati sa akin ni Andrei.
"Good morning din yabs." Bati ko pabalik, yabs na ang endearment namin sabi kasi nina mommy at tita yung mommy ni Andrei na mas sweet daw yung yabs kesa panget at alien. Kaya sinunod namin sila.
"Are you ready?" Tanong niya kaya tumango nalang ako bilang sagot ko sa kanya.
"Andrei hijo, alagaan mo ang anak namin ah?" Sabi ni mom.
"Yes po tita ako na po ang bahala sa anak niyo. Gagawin ko po siyang prinsesa na walang gagawin." Hinampas ko siya sa braso kaya tumawa nalang sina mom and dad.
"Sira! Sige po mom, dad una na po kami." Sabi ko sa kanila tumango naman sila kaya nakipag beso beso na ako sa kanila.
"Basta mag ingat ka anak ah. Andrei si Scarlette paki alalayan." Sabi naman ni Dad.
Nakarating na kami sa school, si Andrei ang nag dala ng bag ko at yung mga books ko. Ang cute niya ngang tignan e hindi ako nakapagpigil kaya kinurot ko ang magkabila niyang pisnge.
"Aww! What was that for?!" Kalmado niyang tanong.
"Sorry hindi ko kasi mapigilan e ang cute mo kasing tingnan pag ganyan kapag ikaw ang nagdadala ng mga gamit ko." He smile at humarap sa akin.
"It's okay yabs kung yan ang nakakapag pasaya sa'yo." At hinawakan niya ako sa kamay at pumunta na kami sa room namin.
"Ang sweet niyo naman." Sabay na sabi ng mga kaibigan namin.
Sakto ding pagdating namin dumating din ang guro namin. Kaya hindi na kami nakapagdaldalan ng mga kaibigan namin.
Noong mga araw na hindi ako nakapag aral dito sa school. Nag hohome study lang ako para naman macatch up ko lahat ng lesson.
"Siya nga pala Ms. Scarlette may nagpapabigay po sa inyo." Sabi ng kaklase kung si Kit.
Binasa ko ang iniabot niyang envelop.
"Kung gusto mo pang mabuhay pumunta ka dito sa Bakanteng lote malapit sa paaralan niyo. Ngayon din kung nagtataka ka kung sino ako malalaman mo rin kaya pumunta kana dito. I just give you 2 minutes kung hindi kapa makakarating pasasabugin ko ang ulo ng mga kaibigan mo."
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...