Chapter 34

387 11 0
                                    

Andrei's POV

Sumabay ako kay Scalette hindi na naman siya pumalag. Pagdating namin sa bahay agad kaming sinalubong ni Jullian.

"Ate ang dami niyo pong pinadala kay Manong Esko kanina ah?" Tanong ni Lian kay Scarlette.

"Ah napansin mo pala yun. Pumunta kasi kami ng mall kanina kasama ang mga kaibigan ko." Sagot niya naman kaya napa tango tango naman si Lian.

"Lian sama ka sa akin may ibibigay ako sayo." Sabi niya at umakyat na sila sa taas.

Ako naman pumunta na sa kwarto ko para mag bihis. At kailangan kung tawagan si Billy siya kasi ang pinaka close ko sa kanilang tatlo.

Phone Ringing...

"Dude napatawag ka. Ano problema natin?"  - Billy

"Dude, mag papatulong sana ako."

"Tungkol saan?" - Billy

"Tungkol sana sa panliligaw."

"Hahaha. Inlove na ang cold namin teka lang kay Scarlette kaba manliligaw?" Natatawa niyang sabi.

"Yes kay Scarlette, please tulungan mo naman ako oh." Pagmamaka awa ko sa kanya.

"Okay sige tutulungan kita pero kiss muna." Sabi niya at tsaka siya tumawa ng napakalakas.

"Dude seryoso ako, kaya please tulungan mo ako gusto ko sana bukas sisimulan."

"Ne! Tatanungin ko kay Cheska kung anong gusto ni Scarlette at sasabihin ko sa kanya na huwag babanggitin ito." Sabi niya at ibinaba na ang kanyang cellphone.

Sana magtagumpay ako sa plano naming 'to. Humingi na ako ng tulong kay Billy kasi parang hindi naniniwala si Scarlette na liligawan ko siya.

Cheska's POV

Tumawag sa akin si Billy tungkol sa panliligaw ni Andrei kay Scarlette.

Kaya sinabi ko sa kanya na gusto niyang kakantahan siya sa maraming tao with guitar. Bibigyan siya ng maraming roses at iba pa.

Pero hindi ganyan ang mangyayari bukas surprise lang muna malalaman niyo din. Kaya gumawa ako ng mga poster na may naglalaman ng.. Hehehe secret muna. Sorry kung medyo jeje ako.

"Oh ang busy naman ng bebe ko."

"Hai mom!" Bati ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo? Bakit parang napaka especial naman yata niyan." Mom

"Kasi po tutulungan namin ang kaibigan naming manligaw kay Scarlette." Paliwanag ko sa kaniya.

"Talaga baka naman basted dating niyan katulad nalang ng unang nanligaw sa kanya."

Alam na alam kasi ni mama ang ugali ni Scalette kaya ganyan nalang maka pagisip. Kung nagtataka kayo kung sino ang unang manliligaw ni Scarlette yun ay si Clark.

"Hindi po mangyayari yan mom dahil alam namin na mahal din niya si Andrei."

"Okay continue what you are doing. Mag luluto muna ako para sa dinner natin."

"At sabihin mo diyan sa nanliligaw kay Scarlette goodluck." Pahabol ni mom at tuluyan ng pumuta sa kitchen.

Sabagay good luck nalang talaga kay Andrei, madali lang naman mag mahal yang si Scarlette amazona nga lang hindi naman siya selosa.

Kung tatanungin niyo kung ano na status namin ni Billy well kami na. Alam na ng mga kaibigan ko at ng parents ko gusto ko kasi na legal kami eh.

Natapos na ako sa pag gawa ng posters. Tinawag na ako ni mom kakain na raw kasi kami. Text ko muna si Billy.

To: Billy Pogi

Kain kana Mr. Pogi. Love youu... 😘😘😘😘

Sent...

Pogi at ganda kasi endearment namin para hindi masyadong baduy. Di katulad ng love, babes, sweet at iba pa eww nakakairitang pakinggan.

Kung para sa inyo mas baduy ang sa amin sorry nalang kayo.

Pumunta na ako sa kitchen at nadatnan ko dun sina mom and dad na kumakain na, hindi na siguro nakapaghintay.

"Kumain kana anak, hindi ka na nahintay ng mommy mo nagutom na kasi ang mga alaga niya sa tiyan." Pangaasar ni daddy kay mommy ito namang si mom pikon.

"Tumigil ka nga Henry ikaw nga tong hindi nakapaghintay. Kumain kana Cheska huwag mo ng pakinggan ang daddy mo." Pikong sabi ni mom natawa nalang ako para kasi silang mga bata.

"Ang cute niyong tingnan mom, teka mom, dad baka hindi po ako makasabay sa inyo bukas mag almusal mag hahanda pa kasi kami eh." Tumango lang si mom.

"Para saan?" Tanong naman ni Dad hindi niya kasi alam.

"Tinulungan kasi namin ang kaibigan namin para ligawan si Scarlette kaya kami mag hahanda bukas." Napa "aww" lang si daddy.

"Sabihin mo good luck nalang okay? Teka susunduin ka ba ni Billy bukas?" Tanong na naman ni dad. Hindi tutol si Dad sa amin boto nga siya kay Pogi eh.

"Yes dad acually siya nga ang nag sabi sa akin na mag hahanda kami bukas."

"Okay akala ko kasi hindi, dahil ako nalang ang mag hahatid sa'yo."

"Salamat nalang dad, una na po ako." Tapos na kasi akong kumain.

Tiningnan ko kung nag text ba si Pogi. Napangiti nalang ako sa nabasa ko.

From: Billy Pogi

Tapos na akong kumain ganda. Ikaw kumain ka na para hindi ka mag kasakit. Susunduin kita bukas ng maaga diyan. Love you more. Muahhh tulog kana. Miss you already. 😘😘😘😘

Ang sweet ng pogi ko noh? Inggit kayo gusto niyo sa'yo na? Mangarap kayo dahil hindi ko siya ibibigay.

Matutulog na ako gaya ng sinabi niya masunuring bata to eh. Good luck nalang para sa amin at syempre para kay Andrei.

------------------

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now