Chapter 3

885 26 1
                                    

Hindi ako kumain ng hapunan nandito parin ako sa room ko umiiyak, ewan ko ba kung bakit hindi pa ako nakakamove on sa pag-iwan niya sa akin eh.

Pinunasan ko ang luha ko dahil may kumatok sa pinto panigurado akong hindi so Mom yun.

"Scarlette, open the door." Sabi ni Dad.

"It's open." Sabi ko naman kay Dad.

"Sinabi sa akin ng Mom mo ang lahat ng nangyari kanina." Sabi ni Dad.

Hindi ako nagsalita, sa aming tatlo kasi kay Dad ako close. Nagsalita ulit si Dad.

"Anak alam kung masakit maiwan ng kaibigan dahil naranasan ko na yan. Pero 'wag mong pairalin ang galit mo. "

"But Dad, ayaw ko naman talagang sigawan si Mommy pero alam niya naman na ibinigay yun sa akin ni Jeanne."

"Mag move on kana anak dahil alam nating hindi na babalik si Jeanne.  Ni hindi ka nga kinu contact eh." Sabi ni Dad.

Tumango nalang ako sinabihan ako ni Dad na Mag s-sorry kay Mae. Pero ayaw ko wala akong magawa si Dad yan eh. Siya ang palaging nasa tabi ko kapag kailangan ko ng madadamayan. 

"Okay samahan na kita kay Mae at para makakain na tayo." Sabi ni Dad sabay tayo at lumabas ng room ko sumunod naman ako.

Kahit na labag sa loob kung humingi ng tawad sa kanya ginawa ko na lang dahil nanjan si Dad.

"Mae, I'm sorry for what I did last time.  Nabigla lang talaga ako, can you forgive me? "

"Oo naman ma'am Scarlette." Sabi naman niya na mukhang natutuwa pa, Tss tanga Hindi niya ba na hahalata na nagpapakitang tao lang ako.

"Thank you at niyakap ko siya." What that f! Akin tung perfume na ginamit niya ah. Kung wala lang talaga si Daddy kanina ko pa to sinampal.

Ang lakas ng loob para gamitin yung gamit ko, Ito talagang si Mom. Bwis*t.

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako at naligo para matulog.

Kinabukasan

Pumunta na ako sa school gamit ang napakaganda kung sasakyan. Biglang may tumawag sa Phone ko, nung Nakita kung si Aileen sinagot ko Ito agad.

"What?" Tanong ko dito.

"Good morning din, pumunta ka dito sa parking lot." Sabi niya sa kabilang linya.

"Ha? Bakit naman?"

"Dito tayo magkikita para sabay tayong papasok sa room."

"Fine! Eh pwede mo naman itext sa akin bakit kailangan tumawag pa?."

"Wala lang tinatamad kasi akong mag type eh, sige na bye." At tsaka inoff na ang phone niya.

Nakarating na ako, kaya agad kung ipinark ang kotse ko. At agad na lumabas Nakita ko naman yung tatlo sa may kotse nila kaya nilapitan ko.

"Hayy sa wakas dumating na rin siya, akala ko mapuputi na ang buhok ko kahihintay."
Sabi naman ni Phoebe.

"Ang O.A naman nito eh ngayon kalang din naman dumating ah." Sabi naman ni Cheska, nagsmile naman si Phoebe.

"Tara na sa loob, ang init na oh masisira ang skin ko neto." Sabi naman ni Aileen kaya binatukan ko siya.

"Ay! Putek, bakit mo ko binatukan?." Takang tanong niya sabay tingin sa akin.

"Kanina ka pa kasi ang O.A. mo rin, pareho lang kayong dalawa." Sabi ko sabay tingin kay Phoebe nag peace sign naman siya.

Pagkadating namin sa room katulad din kahapon ang ingay, kaya nag headset nalang ako. Mayamaya dumating narin si Ma'am.

Nagsimula na siyang magturo. Nakikig kaming lahat ng biglang sumigaw si Natasha.

"Ms. Hina is there's something wrong?" Tanong ni Ma'am s kanya.

"Yes, ma'am and that's you! Ang boring mo masyado mag discuss tingnan niyo yung iba natutulog." Sabi niya ang lakas din naman ng loob niyang magreklamo.

Kaya tumayo ako at lumapit sa kanya at sinampal ko siya.  Nagulat ang lahat pati si ma'am nagulat sa ginawa ko.

"Why did you slap me?" Tanong niya.

"Wala kang karapatan para gumawa ng eksena dahil alam mong ayaw na ayaw kung may nag-iingay sa klase. Oo nga naman, hindi ka nakaka relate sa sitwasyon ko dahil hindi ikaw ang running valedictorian. So kung na b-boringan ka sa discussion ni Ms. You can get out the door is open, walang pumipigil sayo." Sabi ko sa kanya at bumalik na sa upuan ko, nakita ko ang mukha niya hindi maipinta. Tiklop kasi yan pagdating sa akin.

------------------

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now