Chapter 25

440 15 0
                                    

Hindi ako makatulog kaya bumaba ako nakapatay lahat ng ilaw kasi siguro natutulog na sina manang. Past 12 narin kasi.

Kukuha lang ako ng cupcakes at pupunta ako sa garden para naman makita ko ang mga stars. Malapit na ako sa kusina ng may naririnig akong may kumukuha ng pagkain sa ref.

Oh no! Baka magnanakaw 'to lagot ako baka patayin nila ako mababawasan na ang mga magaganda dito sa mundo. Kumuha ako ng walis tambo para pamalo sa magnanakaw, papaluin ko na sana ng humarap ito sa akin kaya napasigaw ako.

"Ahhhh alieng magnanakaw!" Sigaw ko agad niya namang tinakpan ang bibig ko.

"Ano ka ba bakit ka sumisigaw at bakit gising ka pa? Past 12 na ah." Sabi ni Andrei  at umupo sa stool chair namin.

"I can't sleep so I decided to get some cupcakes to eat." Sabi ko sa kanya napatango tango nalang siya.

"Malamang kakainin, may cupcakes bang iniinom. Stupid!"

"Ang hard mo naman sinasabi ko lang sayo diba nagtatanong ka at teka lang bakit gising ka pa?" Sabi ko sabay bukas ng ref at kumuha ng isang cupcake.

"I can't sleep to." Sagot niya sa tanong ko

"Pahiras lang pala tayo." Sabi ko at umalis pupunta na ako sa garden.

"Wait saan ka pupunta gabi na baka mapahamak ka." Nagaalala niyang sabi napangiti naman ako ng bahagya.

"So concern ka pala sa akin?" Pangaasar ko sa kanya.

"H-hindi ah tinatanong ko lang kung saan ka pupunta. Huwag ka ngang assuming." Sabi niya napapout naman ako masaya na sana ako dahil akala ko concern siya.

"Bakit ka nauutal?"

"Hindi kaya, teka nga iniiba mo ang usapan eh saan ka ba pupunta?" Tanong niya ulit

"Deny pa more pero diyan lang ako sa garden magpapahangin lang." Sabi sabay lakad na.

"Sama ako para mabantayan kita." Sabi niya at sumabay na sa paglalakad ko

Nakarating na kami sa garden umupo ako sa isang chair. May small sala set kasi dito yan ang ipina design ni mommy madalas kasi siya dito para mag yoyoga.

"Madalas ka ba dito?" Seryoso niyang tanong.

"Medyo si mom lang ang madalas dito eh." Sagot ko sa tanong niya. Pinagmamasdan ko at mga bituin sa langit ng tinanong niya ako ulit.

"Panget pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na nga." Pamimilosopo sa kanya.

"Tss. Pwede friends muna tayo kahit ngayon lang para malaman natin ang isa't isa." Sabi niya tiningnan ko siya at humagalpak ng tawa.

"Nagbibiro kaba? Pero sure kung yan ang gusto mo para malaman ko rin kung bakit ganyan ugali mo." Sumeryoso naman ang mukha niya at tinitigan ako.

Oh me ghed ang gwapo niya pala sa malapitan. Guys binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko na Panget siya ang gwapo niya talaga. Hehehe peace.✌✌✌

"Huwag mo nga akong titigan baka matunaw ako at alam kung maganda ako."

"Maganda ka nga." Maikli niyang sabi pero ang puso ko mukhang tatalon na sa kalakas nitong kumabog.

"Ako ang mauunang magtanog ah. Bakit ganyan ang ugali mo bakit ang cold at ang sungit mo?" Tanong ko bumuntong hininga muna siya bago niya sinagot ang tanong ko.

"Because of that one important girl in my life..." Pabitin masyado to ah, sino kaya  yun nakakainggit naman.

"Nagkaganito ako dahil sa kanya naging cold ako masungit dahil ayaw kung may magka gusto sa akin. Pero hindi yun nangyari marami pa nga silang naghahabol sa 'kin, ginagawa ko lang naman ang mga bagay nayan dahil ayaw kung hindi ko magawa ang pangako ko sa kanya na siya lang ang mamahalin ko." Pagpapatuloy niya bigla naman ako nakaramdam ng kaba bakit nga ba ako kinakabahan hindi naman siguro ako yung tinutukoy niya diba?

"Sino naman ang masuwerteng babaeng nagpatibok ng puso mo at naging ganyan ka?" Na curious lang ako baka alam niya ang pangalan nito.

"Si Carcar hindi ko alam ang totoo niyang pangalan dahil hindi ko na naitanong sa kanya kasi pumunta na sila sa Korea." Sagot naman niya.

Baka nga siya si Reirei na sinasabi ni Tita dahil sabi niya pumunta ito sa Korea at Carcar ang alam niyang pangalan neto ito rin ang tawag sa akin ni Dad.

Pero hindi nalang ako mag aasume baka hindi naman pala ako at nagkataon lang na parehas kami ng sitwasyon diba? Ako lang din ang masasaktan sa huli kapag nag assume ako. Matanong nga ulit ito.

"Kung magkita kayo ngunit hindi ka niya maalala na ikaw pala ang kaibigan niya dito sa Pilipinas, may maipapakita kaba sa kanya na ibinigay mo na magkatulad ng sayo?" Hindi ko alam kung bakit ko natanong yan kusa lang yang lumabas sa bibig ko.

"Yes, at yun ay ang bracelet na ibinigay ko sa kanya. Palagi ko nga yung dinadala eh nagbabaka sakali lang kung mag kita kami dala ko ang bracelet nayun.

Sabi niya at may dinukot na bracelet sa wallet niya. Ang ganda nito kung nakita ko sana kung ano ang itsura na ibinigay sa akin na bracelet siguro masasabi ko sa kanya na ako yung babaeng kaibigan niya.

"Oh ikaw naman ang mag kwento sa akin. Kung bakit ang sama ng ugali mo." Tumango naman ako at nagsimula ng mag kwento sa kanya.

----------

Silang dalawa kaya ang mag long lost best friend?..

Para malaman niyo just keep reading guys..

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now