Scarlette's POV
Ang bilis ng araw natapos na ang photo shoot namin kaya ngayon na ko uuwi galing Korea papunta sa Philippines.
"Are you ready darling?" Tanong ni mom, ng dahil sa mga nangyayari sa buhay namin ngayon nagiging close na kami ng mom ko.
Ang saya nga e at ang ganda pala sa pakiramdam na hindi kayo magkagalit ng parents mo. Sabi niya nga anong nangyari sa akin bakit naging mabait ako.
"I'm always ready mom. At sa wakas makikita ko na ang Alien ko." Napatawa naman sina mom at tita.
Si tita yung mom ni Andrei na ngayon palang uuwi galing sa Vacation raw nila. Sana kami din meron yung kaming pito ang family ko at kay Andrei.
"Iba na talaga ang mga kabataan ngayon." Sabi ni tita.
"Bakit naman po?"
"Dahil iba na ang endearment niyo ngayon kesa sa amin noon." Sagot naman ni mommy.
"Para naman po maiba or lets say unique." Sabi ko with action na para bang yung pang tula.
"Let's go girls?" Sabay na sabi nina daddy at tito.
"Let's go!" Sabay naman naming sabing tatlo. Feel na feel naman nina mom na bagets sila.
Pumunta na kami sa airport napatingin naman ako sa phone ko kung sino ang tumatawag.
Calling My Gwapong Alien...
Accept Decline
Siya ang naglagay niyan. Sinagot ko ito habang naglalakad kami papunta sa upuan namin.
"Hello? Who's this?" Pagbibiro ko sa kanya.
"Ang dali mo namang makalimutan ang isang napakagwapo mong Boyfriend." Sabi niya naman.
"Binibiro lang kita. Paano kita makakalimutan e kanikanina lang tumawag ka sa akin."
"Bakit nag sasawa ka na bang makausap ako?" May pagtatampong tono sa kaniyang boses.
"Ang arte mo naman. Kahit kailan hindi ako magsasawang kausap ka kaya h'wag ka ng mag pout diyan dahil alam kung yan ang hugis ng mukha mo ngayon."
"Talagang alam mo na talaga kung sino ako ah. Baka alam mo narin kung paano ako akitin?"
"Sira! Hindi ko alam ang mga bagay nayun pero may isa akong alam."
"Ano naman yun?"
"Ang kagandahan ko, maaakit ka sa kagandahan ko kapag nakita mo na ulit ako."
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nakatulog ako. Paggising ko papalanding na kami kaya naghanda na ako.
"WELCOME BACK! MS. SCARLETTE!" Sigaw ng mga fans ko, yes fans dahil hindi ko naman sila kilala. At talagang may tarpuline pa at ang nakalagay dun ay yong welcome back na words at yung picture ko.
Yung bago palang na shoot sa akin sa Korea ito oh. Ang ganda ko noh.
Pagdating namin sa bahay walang tao. Sa'n naman nagpunta ang mga yun si Manong guard lang ang nandito.
Pagbukas ko sa pintuan may biglang pumutok at nagtapon sa amin ng confitte. At sabay sigaw ng "WELCOME BACK MS. SCARLETTE!" Lahat siguro ng kaklase ko nandito. Nandito rin kasi sina Natasha.
"Welcome back bestie! Miss ka namin kahit na hindi mo kami miss." Bati sa akin ni Cheska.
"Ang drama mo naman. Sino ba ang may pakana nitong lahat at may paparty party pa kayong nalalaman?" Sabay naman silang napalingon sa likuran nila at naaninag ko ang napakagwapo kung Alien.
"Ang Alien mo lang naman ang may pakana nitong lahat ng 'to." Sabi naman ni Aileen.
"Talaga yabs? Ang sweet mo naman." Sabi ko sa kanya h'wag na kayong malito kung ano ang itatawag ko sa kanya.
"Talaga lang! Mahal kita e." Pagmamayabang naman niya.
"Tama na nga yang kaswetan niyo kumain muna tayo para makapagpahinga na." Singit naman ni Tito, panira naman oh.
Natapos ang munting salo salo namin kaya ang iba nagpaalam na dahil gabi na raw at ito namang makukulit kung kaibigan hindi ako tinitigilan sa kakatanong kung may pasalubong ba raw sila.
"Scarlette naman e. Nasan na yung pasalubong namin?" Parang batang sabi ni Phoebe.
"Ang kukulit niyo. Ang sabi ko nga wala kayong pasalubong."
"Hindi kami naniniwala sayo, kahit nga magbabakasyon lang kayo sa farm niyo dun sa Baguio may pasalubong kaming strawberries." Aileen
"Sige na nga hindi ko kayo matitiis e. Pero ang sayo Aileen hindi ko ibibigay sa isang kondisyon." Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Ang daya bakit ako lang?" Aileen
"Dahil gusto ko lang at tsaka tapos na naman sila sa ipapagawa ko maliban nalang sayo."
"Ano naman yan?" Tanong niya habang nakapout.
"Just kiss Harvey at ibibigay ko ang sa'yo." Sabi ko ang totoo lang kinausap na ako ni Harvey kanina. So it means siya ang may pakana ng lahat ng ito. Para paraan din ang lolo niyo eh noh?
"Pe-pero-" Aangal na sana siya kaya pinutol ko ito.
"Ayaw mo pala e. Guys nasa room ko lang ang pasalubong ko sa inyo kukunin ko lang ah at tsaka yung para sa'yo Aileen ibibigay ko nalang kay Mae." Bago pa ako maka tayo hinawakan na ako ni Aileen.
"Fine! Gagawin ko na kung yan ang ikakasaya niyo kamahalan." Aileen
"Napipilitan ka lang naman yata e?" Jad.
"Hindi ako napipilitan kaya tumigil na kayo." Aileen.
"Wait! Mae pakikuha nga nung mga paper bags dun room ko." Utos ko kay Mae kinuha niya naman ang mga ito. "So now go on Ai."
Hindi niya naman kami binigo hinalikan niya talaga si Harvey. Napangiti naman kami lalong lalo na si Harvey abot hanggang tenga ang pag ngiti sa sobrang lapad.
Natapos ang gabing ito na puro pagbibiruan lang ang ginawa namin. Hay bukas ibang kabanata na naman ang mangyayari sa buhay ko sana maganda naman.
Good night guys. Matutulog na ako napagod kasi ako sa biyahe namin kanina bukas nalang ulit.
-------------------
Thank you for reading..
Please dont forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...