Chapter 49

324 11 0
                                    

"Mamita, ano po bang nasa iba na wala sa akin?" Biglang tanong ko napatigil namam si mamita sa pagkain ng mansanas.

"Sa ibang tao o kay Kayla?" Tanong ni mamita kaya napayuko nalang ako.

"Ganun narin po." Yan lang ang nasagot ko.

"Ahmm siguro ang..." Sabi niya habang ang kamay niya ay nasa ibaba ng kanyang chin. Na para bang nagiisip.

"Siguro ang kagandahan lumevel up kasi si Kyla e." Pag papatuloy niya.

"So mas maganda pala siya kesa sa akin kaya pala wife na siya at ako girlfriend lang." Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Sshh no hindi yan totoo. Mas maganda ka kay Kyla binibiro lang kita masyado ka kasing seryoso kaya huwag ka ng umiyak nanakabawas yan sa kagandahan mo." Sabi sa kin ni mamita.

"Hindi kasi nadadaan sa biro ang lahat lalo na kapag seryoso ang isang tao." Pag huhugot ko nanaman.

"Yan kana naman naghuhugot, diba sabi mo nga na nandito ka para makapag isip isip hindi para iiyak at magkaganyan." Sabi ni mamita tama nga naman nandito ako para makapag isip isip hindi para mag emote.

"Sorry mamita, hindi ko kasi mapigilan e. Mamita ano ba dapat ang gagawin ko makikipag break na ba ako kay Andrei?" Tanong ko kay mamita hinawakan niya naman ang dalawa kung kamay.

"Apo h'wag muna pakinggan mo muna siyang magpaliwanag."

"But mamita hindi niya na kailangan pang magpaliwanag kitang kita ko na e. At tsaka baka magsinungaling lang siya."

"Pero kailangan mo rin siyang pakinggan, nasa kanya na kung magsisinungaling ba siya sa'yo o sasabihin niya ang totoo." Napaisip ako may point naman si mamita kailangan ko siyang pakinggan.

"Thank you mamita for comforting me. Ngayon wala ng bumabagabag sa isipan ko kailangan ko lang maghanda para sa mga sasabihin niya. Kung masasaktan man nandito naman kayo para pagaanin ang loob ko diba mamita?"

"Oo naman nandito kami ng magulang mo at pati narin ang mamila mo. Kailan mo kakausapin si Andrei?" Tanong ni mamita. Kailangan ko nga ba siya kakausapin? Ah basta bahala na si batman.

"Ewan ko mamita hindi ko pa alam. Natatakot kasi ako sa kung ano man ang mangyayari."

"Okay ikaw ang bahala. Basta nandito lang ako kung kailangan mo ng madadamayan." Sabi ni mamita kaya niyakap ko siya.

"I'm so lucky to have you mamita."

"Me too apo."

---------

Nakalipas na ang ilang araw nung nagpicnic kami ni mamita, nandito ako ngayon sa room ko wala akong magawa kaya nagfefacebook lang ako.

Andami ngang nagtatanong sa akin na bakit hindi daw ako pumapasok? Miss na raw nila ako lalo na ang kagandahan ko.

"Apo you have a visitor." Sabi ni mamita sa labas ng room ko.

Sino naman ang bisita ko? Wala naman akong pinapapunta dito. Siguro mga kaibigan ko lang yan.

Nagulat nalang ako kung sino ang bisita ko ang gwapo kasi e. Sus pero mas gwapo ang boyfr- ah basta!

"Clark napadalaw ka?" Bungad ko sa kanya. Yes tama kayo ng nabasa si Clark yung manliligaw ko.

"May importante lang akong sasabihin sa'yo." Sabi niya kaya umupo ako sa tapat niya. Ano naman ang sasabihin niya? Ganito ba ka importante para pumunta pa siya dito? E pwede niya namang e message sa akin e.

"About what?" Tanong ko.

"Tungkol sa inyo ni Andrei." Sagot niya naman kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Ano naman yun?" Tanong ko ulit.

Bumuntong hininga muna siya bago siya nagsalita. "Me and Andrei are close friend, kami ang mas close sa grupo namin." Ngayon ko lang nalaman na magkaibigan pala silang dalawa.

"Kaya lang nag away kami ng dahil sa isamg babae and that's Jeanne." Siya nanaman ang pinagawayan nila. "Dont worry walang gusto sa kanya si Andrei ako lang ang may gusto kay Jeanne, pero iba ang gusto ni Jeanne and that's Andrei." Huminga muna siya ng malalim at ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"To direct walang koneksiyon si Andrei at Jeanne, cold si Andrei noon kahit sinong babae hindi niya pinapansin pero nagbago siya ng dahil sayo. Walang anak sina Andrei at lalong hindi niya asawa si Jeanne, nasabi lang yun ni Jeanne dahil sobrang obssess siya kay Andrei at dahil narin sa laki ng galit niya sayo." Mahaba niyang paliwanag.

"H-hindi totoo ang mga sinabi ni Kyla? Pero bakit naghalikan sila?" Nauutal kung tanong hinawakan naman ni Clark ang kamay ko.

"Humingi sa akin ng tulong si Andrei para sabihin lahat ng 'to sayo dahil hindi niya masasabi sayo kasi hindi mo siya pinapansin. At yung kissing scene nayun hindi nag response si Andrei nun hinalikan siya ni Jeanne."

"So all this time mali pala ang hinala ko! Sana pinakinggang ko muna siyang magpaliwanag bago ako umalis! Ang tanga tanga ko!" Niyakap ako ni Clark para hind ko masaktan ang sarili ko.

"Sshh hindi pa huli ang lahat puntahan mo siya. Naghihintay lang siya sayo at sasamahan kita." Sabi naman niya.

"Pero Clark paano kung nandun si Kyla at may gawin siyang masama?" Tanong ko nanaman sa kanya.

"Huwag kang mag alala nandito lang kami sa tabi mo. At hindi naman yan ang Scarlette na nakilala ko e ang Scarlette kasi na kilala ko matapang hindi natatakot." Tumawa nalang ako ng bahagya.

Kailangan kung harapin si Kyla para matigil na ang paghihirap ko. Hindi naman ako naghihirap ah? Pero sa pagmamahalan namin ni Andrei.

"Uuwi ako this coming Monday kukunin ko na ang dapat ay sa akin." Tutal Saturday naman kaya one day nalang at makakaharap ko na si Kyla.

"Sasamahan kita dito nalang ako magsstay sa inyo. Pwede ba?" Tanong niya.

"Oo naman part ka narin ng family namin kaya you can stay all the time at thank you rin dahil pinaliwang mo sa akin ang lahat." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Sus para sayo gagawin ko. Friends tayo e."

---------------

               Keep voting guys... Malapit na po'ng matapos ang storyng to. Salamat sa supurta guys...  Mahal ko kayo!😘😘😘

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now