Masaya na kami ngayon wala ng problemang iniisip, ang natira nalang ay ang pagmamahalan namin ng family ko at syempre ng yabs ko.
Sana wala ng darating na pagsubok sa amin, kung may darating man kailangan nating harapin. Wala naman tayong power para iwasan ang problemang yun.
Ang natutunan ko lang na lesson sa sarili kung buhay ay yung magpatawad sa mga taong naka gawa sa atin ng mali. Dahil may time rin na tayo na rin ang maghihingi ng paumanhin sa kanila.
Ngayon naging mabait na ako sa mga taong inaaway o inaapi ko noon. Naging magkaibigan na kami nina Natasha at sa mga kaibigan niya.
Humingi na ako ng tawad sa mga taong nagawan ko ng kasalanan lalo na sa mga kasambahay namin at kay Mae. Lahat nga ng nilumaan ko ibinigay ko sa kanya, nag sorry rin ako dahil pinag isipan ko siya ng masama na sinabihan ko siya ng gold digger.
Pinatawad naman niya ako. Hay ang sarap pala sa pakiramdam na wala kang kaaway o wala kang kinaiinisan. Tama nga sila na masaya ang mamuhay ng normal at maging mabait na tayo.
Papunta kami ngayon sa bahay ampunan para ibigay sa kanila ang mga hindi ko na masuot na damit. Kasama ko ang mga kaibigan ko at sina Natasha.
"Alam niyo, ang ganda sa pakiramdam na nakakatulong tayo sa mga kabataan na walang muwang." Biglang sabi ni Kyla.
"Bakit hindi ka pa ba nakakapag bigay sa bahay amponan?" Tanong ni Natasha
"Hindi pa e. Ayaw ko kasing ipinapamigay ang mga gamit ko o pinapakiaalaman ito." Sabi naman ni Kyla, magkapatid nga kami. Hahaha
"Alam mo? Kambal nga kayo ni Scarlette! Parihas kayong ayaw pakialaman ang mga gamit niyo." Natatawang sabi ni Cheska, hindi na ako nagalit dahil totoo naman.
"May mga bagay kasi na dapat huwag mong pakikialaman." Pag huhugot ni Yasmin kaya binatukan siya ni Keziah.
"Ang panget mo! Yasmin hindi bagay sayo!" Sabi ni Keziah kaya nagtawanan kami.
"Hiya naman ako sayo teh! Ang ganda mo kasi!" Sabi ni Yasmin sabay irap kay Keziah..
"Hala pikon agad lola niyo oh." Pagbibiro naman ni Kate kaya mas lalo kaming nagtawanan.
"Tama na nga yan, nandito na tayo oh." Sabi ni Clark at totoo nga nandito na kami, kaya agad na kaming bumaba sa sasakyan.
Nagkasya kami dahil van ang ginamit namin hindi kotse.
Nilapitan ko ang napa cute na bata at ibinigay ko sa kanya ang favorite teddy bear ko. Kahit na favorite ko yun gusto kung ibigay sa kanya.
"Baby girl, heto oh sayo na 'to." Sabi ko nginitian naman niya ako at kinuha yung bear na ibinigay ko.
"Thank you po ate Scarlette." Sabi niya bakit niya ko kilala e ngayon lang naman ako nakapunta dito?
"Alam mo favorite ko yan, kaya ko ibinigay sayo dahil hindi ko na masyadong nagagamit at para naman maging masaya ka." Sabi ko sa kanya nginitian na naman niya ako.
"Promise ko po sa'yo ate Scarlette. I will take care of Carcar." Sabi niya na may halong taas pa sa right hand niya.
"Bakit Carcar?" Tanong ko sa kanya.
"Kinuha ko po sa name niyo Scarlette Carcar." Sabi niya kaya kinurot ko ang pisnge niya hindi ko na mapigilan e. Ang cute niya talaga promise.
"Yabs hindi kaba nag tataka kung bakit ka nila kilala lahat?" Tanong sa akin ni Andrei.
"Nagtataka nga ako e. Bakit ba?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Kasi palagi kitang kinukwento sa kanila." Sagot naman niya, aba bakit ngayon ko lang nalaman na nagpupunta pala siya dito.
"Talaga? Bakit hindi mo nakwento yan sa akin?"
"Wala lang para surprise. Promise ko sayo yabs hindi kita iiwan mahal na mahal kita. Kahit na may dumating pang problema lalaban ako para sa pagmamahalan natin." Sabi niya kaya napangiti ako ng bahagya.
"Promises are meant to be broken but if you say so. Okay maniniwala ako, mahal din kita yabs 'till death do aspart." Tumawa naman siya at hinalikan ako sa labi ibinalik ko naman ang halik na ibinigay niya.
Maikli man ang naikwento ko sa inyo tungkol sa buhay ko. Okay lang din dahil may mahalaga naman kayong makukuhang leksyon. Hanggang dito nalang ang kwento ko..
Salamat sa pag subaybay mahal ko kayo pero sorry mas mahal ko ang yabs ko e. Hehehe di joke lang pantay pantay lang kayong lahat sa paningin ko. Lahat naman kayo mahalaga sa buhay ko e.
The End!!
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...