Maaga akong nagising hindi dahil may pasok kami ngayon sadyang gusto ko lang talaga. Mag hahalf day nalang ako ngayon, balak ko kasing mag biking e.
Tutal dumating na ang parents namin hindi na dito nakatulog ang Alien ko. Tss tama na nga yang drama. Naligo na ako at nagbihis ng pang biking atire ko at bumaba na.
"Oh? Darling bakit ganyan ang suot mo pang biking? Hindi ka ba papasok?" Takang tanong ni mom pagkababa ko.
"Maghahalf day nalang ako mom. Namiss ko narin kasing magbiking e." Sabi ko napatango naman si mom.
"Okay if you say so. Pero bago ka umalis kumain ka muna para sabay sabay tayong kumain." Sabi ni mom at nagsimula ng maglakad patungong dinning.
"Good morning Dad!" Masigla kung bati halata namang nagulat si dad dahil sa sobrang lakas ng sigaw ko. Halos maibuga na nga niya ang iniinum niya'ng kape e.
"Jusmiyo! Anak gusto mo bang atakihin ako sa puso ng dahil sa panggugulat mo sa'kin." Sabi ni Dad sabay sapo ng kanyang noo.
"Hehe sorry Dad! Nadala lang kasi ako sa mood ko ngayon e." Umupo na ako kung saan ako palagi umuupo kapag kakain na kami.
"Halata naman anak. Bakit nga pala hindi ka nakauniform ngayon diba may pasok kayo?" Tanong naman ni Dad. Hindi kasi sila sanay na hindi ako pumasok ng walang dahilan kaya ganyan sila magtanong. Concern noh?
"Mamaya pa po ako papasok Dad magbabiking muna ako." Napa "okay" lang si Dad at kumain na.
Kumain narin ako ang kinain ko lang ay rice, bacon, tocino, and egg. Hindi naman kasi ako malakas kumain kaya yan lang ang kinain ko.
"Manang ipagtimpla niyo nga po 'tong si Scarlette ng gatas." Utos ni mom sa katulong namin.
"Mom no need hindi naman ako umiinom ng gatas. Just juice nalang yaya." Sabi ko at sinunod naman niya ang utos ko.
"Kailangan mong uminom ng milk dahil pangpalakas yan ng mga bones mo. At tsaka pumayag ka na darling na alagaan ko." Sabi ni mom at kumain na napatango nalang ako.
Natapos na akong kumain kaya nag paalam na ako sa kanila.
"Mom! Dad! Alis na po ako."
"Sige anak magingat ka." Sabi ni Dad.
Habang nagbabike ako hindi ko mapigilang mapangiti. Dahil nagkaroon ako ng magulang na napakasupportive maalaga at higit sa lahat mapag tiis.
Napatingin ako sa paligid ko andaming magagandang bulaklak at iba pang magagandang tanawin. Nagulat nalang ako ng may sumigaw sa likod ko na mag ingat ka.
Kaya napatingin ako kung saan nanggaling yun at kaya pala siya sumigaw dahil may paparating na isang kotse palapit sa akin. Hindi ko na naalala ang sumunod na nagyari dahil nanlabo na ang paningin ko.
Andrei's POV
Nagising ako ng maaga kaya maaga din akong pumunta sa school hindi ko tinext si Panget dahil isusurprise ko siya.
"Ang aga mo yata ngayon Dude ah." Sabi sa akin ni Billy pagkalapit ko sa kanila.
"Iba na kasi kapag may inspiration ka." Mapang asar'ng sabi ni Jad sa akin.
"Puntahan natin yung girls oh." Sabi ni Harvey sabay turo kanila Aileen. "Teka bakit wala si Scarlette?" Takang tanong naman niya.
Oo nga naman bakit wala siya e ang aga niya namang pumupunta dito. Matanong nga 'tong si Cheska.
"Ches? Nasa'n pala si Scarlette?" Tanong ko sa kanya.
"Ah hindi pa dumating si Scarlette e. Siguro papunta na yun dito alam mo naman yun ang bagal kumilos, pero maganda naman usad bagong lang." Sagot niya naman sa akin.
Napatango nalang ako. Totoo naman ang sinabi ni Cheska na ang bagal talagang kumilos si Scarlette at talagang bawi sa kagandahan niya. Kakaiba kasi e.
"Wait guys sasagutin ko muna 'to." Pag papaalam sa amin ni Phoebe.
Ipinagpatuloy lang namin ang pakikipag usap. Kinabahan naman kami sa inasta ni Phoebe pagkatapos niyang sagutin ang tumawag sa kanya.
"We need to go in the hospital right now!" Diretsahang sabi niya at nauna ng maglakad. Nagtaka naman kami e bakit kami pupunta dun hindi naman namin alam kung anong nangyari.
"What?! Teka Phoeb anong nangyari at sino ang nasa hospital ngayon?" Nagtatakang tanong ni Aileen.
"Si Scarlette kasi eh." Hindi pa niya natapos ang sasabihin niya kasi umiiyak na siya. Pagkasabi niya nun agad naman akong kinabahan anong nangyari kay Scarlette? Yun ba ang dahilan kung bakit wala pa siya ngayon dito sa school?
"Anong nangyari kay Scarlette? Bakit siya nasa hospital?" Nagaalala kung tanong.
"Bro calm down." Jad
"Na-naaksidente si Scarlette kaya bilisan na natin." Sabi niya binilisan naman namin ang pagpunta sa hospital kung nasan siya dinala.
Pagdating namin agad namang tinanong ni Billy kung sa'n dinala si Scarlette. Sabi naman ng nurse na nasa E.R. raw ito. Kaya hindi na kami nagpadalos dalos at pumunta na run.
Naabutan namin sina tita at tito na nandun. Si tito niyayakap niya si tita para pakalmahin umiiyak kasi ito.
"T-tito ano po bang nangyari kay Scarlette?" Nagaalalang tanong ni Cheska.
"Ang sabi sa amin nung taong nakakita may sumagasa raw sa kanya nagbiking kasi siya kanina." Sabi ni Tito Erick daddy ni Scarlette.
"Aksidente lang po ba ang nangyari o sinadya po ito?" Tanong naman ni Aileen.
"Hindi aksidente ang nangyari dahil sinadya ito hindi namin alam kung sino ang bumangga sa anak ko." Sabi ni tita at umiyak na naman ito.
Hindi na ako makapagsalita dahil sa kaba. Lumabas ang doctor kaya agad ko itong nilapitan.
"Okay na ba ang girlfriend ko?" Nag aalala kung tanong sa doctor pero hindi niya 'ko pinakinggan kaya hinawakan ko ito sa kwelyo.
"Sumagot ka okay na ba ang girlfriend ko?" Inis kung tanong dito pinakalma naman ako ni Billy.
"Dude calm down hindi yan makakatulong sa problema natin ngayon." Billy
Tama nga naman siya kaya binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya.
"The patient is...
----------------
Ano kaya ang nangyari kay Scarlette? Just keep reading and voting guys..Thank you for reading...
Please don't forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...