Chapter 8

670 18 0
                                    


Pagdating namin sa mall pumunta agad kami sa jollibee at si Cheska naman ang nag order ng mga pag-kain namin. Tumitingin nalang ako sa mga dumadaang mga tao hindi naman kasi tinted ang wall nila eh.

Hay buhay nga naman ang dami ko ng iniisip ngayon na s-stress na ako, Kaya chill lang Scarlette baka mabawasan ang kagandahan mo niyan.

"Hey Scarlette! Kanina ka pa namin kinakausap hindi ka naman pala nakikinig nagmukha tuloy kamin ewan dito." Saway sa akin ni Aileen

"Ano bang bumabagabag jan sa isip mo at parang wala ka sa sarili mo ngayon?" Cheska ay nakarating na pala siya hindi ko tuloy namalayan.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa pag kain. Ano ba yan bakit ba hindi ko maiwasang maisip ang sinabi ni Dad.

"Ay ang taray, hindi pinansin ang beauty ko." Cheska

"At sinong nag sabi sayo na maganda ka?" Aileen yan nanaman sila magbabarahan nanaman yan for sure.

"Madami at isa ka na run." Sabi naman niya

"Kailan man hindi ako nagsabi sayo na maganda ka noh." Aileen

Kinuha ni Cheska at hinanap niya ang record niyang sinabihan siya ni Aileen na maganda yung sa last birthday party nito. "Yan makinggan mo. " Sabi ni Cheska tsaka inabot naman ni Aileen ang phone niya at pinakinggan ang enirecord ni Cheska.

"Fine. Panalo kana sinabi ko na sa iyong maganda ka pero mas maganda parin ako sayo." Aileen

"Tumigil nga kayo jan. Bukas na yung party handa na ba kayo? Naibigay ko na kanina ang mga invitation card pati narin kina Natasha." Pagputol ko sa pagbabarahan ng dalawa dahil alam kung hindi sila titigil kapag walang sasabat sa kanila.

"Ah oo nga pala, handa na kami kailan pa tayo hindi naging ready diba?" Phoebe

"Oo nga, sila dapat ang magready dahil sa gagawin natin sa kanila. For sure mapapahiya silang apat." Aileen

Nag kwentuhan lang kami para bukas sa party. Niyaya ko na silang bumalik sa school dahil malapit ng mag one.

Pagdating namin sa school may mga student pa sa labas kaya naisip ko na hindi pa kami late. Dumiretso lang kami sa room at sakto namang pagdating namin dumating din si Ms. Romano.

"Good afternoon class." Masiglang bati ni maam parang ang saya yata niya ngayon ah.

"Good afternoon Ms." Sabay naming sabi ng mga kaklase ko pinaupo naman kami ni maam at nagsimula na siyang magturo.

Matapos sa napakahabang lecture ni maam natapos narin kaya nagsi ligpitan na ang mga kaklase ko bago pa man sila makaalis may sinabi pa ako sa kanila.

"Guys don't forget tomorrow night okay? Kapag hindi kayo pupunta may consequences na matatanggap niyo." Sabi ko sa kanila.

"Maliwanag ba ang lahat?" Tanong naman ni Phoebe. Nagsitanguan naman sila at lumabas na kami naman pumunta na sa parking lot para kunin ang may sasakyan namin. Bago pa kami nakasakay may sinabi muna si Cheska.

"Guys, I'm so excited for the event tomorrow. " Sabi niya

"At bakit ikaw lang ba ang excited? Kami din noh!" Aileen

"Sisiguraduhin ko talaga na mapapahiya si Kate at ang mga kaibigan niya sa harap ng maraming tao." Phoebe

"Talaga lang, pagsisisihan nilang kinalaban nila tayo." Pagsangayon ko naman sa mga sinabi nila.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi na. Pagdating ko sa bahay nakita ko sina mama sa sala at parang ang seryoso ang pinaguusapan. Lumapit ako sa kanila at tinanung kung anong meron.

"Mom, Dad bakit ang seryoso ng pinaguusapan niyo ah."

"Kasi anak, aalis kami ng Dad mo para sa business trip namin sa Korea." Pagpapaliwang ni Mom

"At bakit naman ganyan ang mga mukha niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Bukas na kasi kami aalis, hindi na kami makakapunta sa party niyong magkakaibigan." Sabi naman ni Dad. Wala kasi silang alam sa plano namin ang alam lang nila ay simpleng party lang.

"Tss. Ano ba kayo huwag kayong magalala ako na ang bahala magpapaliwang kina Cheska kung bakit hindi kayo makakapunta."

"Talaga anak? Gagawin mo yun?" Takang tanong ni Mom

"At bakit parang hindi kayo naniniwala sa akin?"

"Wala ngayon lang kasi namin narinig na sinabi mo yan sa amin." Dad

"Sus, kayo naman kahit masungit ako mahal ko kayo kaya, Kaya kung gawin yun. Sige akyat muna ako maliligo pa ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

Bakit ang weird nila ngayon, pati kaibigan ko ganun din. Ewan ko sa kanila nakakadagdag lang sila sa sakit ng ulo ko. Pagkatapos kung maligo bumaba na ako para kumain, nagkwentuhan lang making tatlo pansin ko lang parang ang bait ko yata ngayon. Tss bahala na nga lang kakain nalang ako.

"Anak huwag pabayaan ang sarili, ah? Matagal tagal din kaming mawawala." Mom

"Tss. I can handle my self, Kaya huwag kayong mag alala. Siya nga pala hindi ako makakasama bukas sa airport dahil may gagawin pa kasi ako."

"Okay lang yun Scar, basta alagaan mo ang sarili mo. Okay?" Si Dad naman ang nagsalita ilang ulit ko bang sasabihin ko sa kanila na I can handle my self.  Hindi na ako bata para paalalahanin nila ng mga bagay nayan.

Matapos kung kumain nag paalam na ako sa kanila at umakyat na, nag online muna ako saglit at nag sa status ng " Don't forget tomorrow night 6:00 pm. Remember the consequences. " Ilang munuto ay may nag comment at nag like na. Nag offline na ako at natulog na maaga pa ako bukas gigising.

-------------

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now