Chapter 20

440 13 0
                                    

Jullian's POV

Nandito ako sa C.R ngayon inaayos ko kasi ang buhok ko wala pa naman siguro ang mga Salvador kaya magpapaganda muna ako.

Hi my name is Jullian Villanueva, I'm 7 years old bata pa noh? Akala niyo dalaga pero isang hamak na bulilit pa lang pala.

Pumunta na ako kung nasan sina mommy, umupo ako sa tapat ng isang magandang babae. Teka lang bakit ang pamilyar ng mukha niya saan ko pala to nakita?

Ayun si ate Scarlette! Yung nakita ko isang araw sa park.

"Ate Scarlette?" Tanong ko para naman masigurado kung siya pa 'no kung hindi pala, mapapahiya lang ako.

"Hi Lian. " Bati niya sa akin ng inangat niya ang ulo niya. Nakayuko kasi siya busy sa pagkain.

"Magkakilala pala kayo ng bunso ko. Lian bakit mo pala kilala ang ate Scarlette mo?" Tanong ni mom.

"Kasi po mom, nagkita kami ni Ate Scarlette sa park nung pumunta kami ni kuya." Pagpapaliwanag ko nginitian naman ako ni ate Scarlette.

"Ah ganun ba, so magkakilala na pala kayo ng mga anak namin?" Si Dad naman ang nagtanong umiling lang si ate Scarlette.

"Actually mom, dad kami lang po ang nag kita ni Ate Scarlette kasi may binili po si kuya nung time na yun." Tumango naman sila.

Natapos na ang usapan nila kaya napagpasyahan na naming umuwi, paakyat na sana ako ng hagdan ng tinawag ako ni mom.

"Lian halika muna dito."

"Bakit po mom?"

"Huwag mung ipaalam sa kuya mo ang tungkol sa ate Scarlette mo okay?"

"Bakit naman po, mas maganda Kaya kung sabihin ko kay kuya na ang ganda ni Ate Scarlette, para magsisi siya kung bakit hindi siya sumama sa atin."

"Okay fine sabihin mo sa kanya, ang kulit mo talaga umakyat kana at matulog na."

Ay pikon si mommy makatulog na nga maaga pa pasok ko bukas.

Kinabukasan

Ginawa ko na ang daily routines ko at pinuntahan si kuya sa room niya para gisingin. Sasabay ako sa kanya ngayon.

"Kuya gising na malelate kana sa school." Sabi ko sabay alog sa kanya.

"5 minutes inaantok pa kasi ako. " Sabi niya ng nakataas ang kamay.

Ayaw mo palang bumangon ah. Tinulak ko siya ng malakas dahilan ng pagkahulog niya sa kama. Inis niya akong hinarap.

"Ano ba yan Lian alam mo namang natutulog pako eh." Inis niyang sabi

"Sorry oppa ikaw kasi ayaw mung gumising malelate na kasi ako sa school." Nakayuko kung sabi.

"Sana nagpahatid kana lang ni manong."

"Ayy ang bad mo kuya. Aalis nalang ako."

"Pasalamat ka maganda ako. " Bulong ko kaya sure akong hindi niya yun nadinig.

"May sinasabi ka?" Sabi ko na nga ba hindi niya nadinig.

"Gaga bulong nga diva? Kaya hindi niya nadinig." Sabi ng utak ko para na akong baliw dito.

Pinihit ko na ang doorknob ng room ni kuya ng magsalita siya.

"Just wait for me outside." Sabi niya at pumasok na sa banyo para maligo.

Hindi talaga ako matitiis ng gwapo kung kuya bagay talaga sila ni ate Scarlette. Hinintay ko siya sa loob ng kotse niya.

Nandito na kami sa school ko bago ako bumaba tinanong ko muna si kuya kung saan siya galing kagabi.

"It's none of your business. " Yan lang ang tangi niyang sinabi bumalik nanaman siya sa pagiging cold niya.

"Sayang kuya hindi mo nakita kung gaano ka ganda ang anak ng mga Salvador."

"I don't care so go now! I'm already late." Pagtataboy niya sa akin.

"Hmp I don't care so go now. Mr. Cold!" Sabi ko sa kanya nakakainis na kasi siya bakit ang cold niya palagi mag salita sa amin.

"Ano sabi mo? Isusumbong kita kay mommy na sinasagot mo na ako." Pananakot niya sa 'kin.

"Edi isumbong mo hindi tayo bati kuya.'' Sabi ko at pumasok na sa classroom ko.

Nakinig ako ng mabuti kasi sabi ni ma'am may quiz raw pagkatapos niyang magturo. Pinakopya niya lahat ng nasa pisara at nagsimula na kami ng test.

Perfect ako out of 20 kaya lang ang first honor namin ay 5 lang kaya nag taka si ma'am kung anong nangyari ni hindi naman mahirap ang quiz namin.

"Oh Andy bakit 5 lang ang nakuha mo, hindi naman mahirap ang pasulit natin?" Tanong ni ma'am kay Andy na ngayon ay nagliligpit sa kanyang mga gamit.

"Sorry po ma'am hindi na po mauulit." Sabi niya at umalis na tapos na kasi ang klase namin kaya lunch time na.

Sinundan ko siya kung saan siya pupunta huminto siya sa garden umupo naman ako sa tabi niya.

"Okay ka lang ba Andy?" Tanong ko sa kanya.

"Oo Lian okay lang ako. Bakit ka nga pala nandito?" Inusente niyang tanong.

"Itatanong ko lang sana kung ano ang problema mo. Pwede mong sabihin sa akin baka makatulong ako."

"Si mom and dad kasi nag away, pero hindi lang yun kasi ang mas malala napagdesisyonan na nilang maghiwalay." Pagpapaliwanag niya habang umiiyak.

"Tutulungan kita pupunta ako sa bahay niyo bukas hindi kasi pwede ngayon dahil hindi ako nakapagpaalam."

"Talaga? Salamat Lian ang bait mo talaga kaya crush kita eh." Sabi niya pero hindi ko na narinig ang sinabi niya kasi mahina lang ang pagkasabi niya sa huling salita.

"Ano sabi mo hindi ko kasi narinig eh?''

"Wala ang sabi ko ang bait mo mana ka sa kuya mo."

-----------------------

Thank you for reading...

Please don't forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now