"Si kuya mabait nag jojoke ka ba well kung ganun tatawa ako. Hahahaha" Kumunot naman ang noo niya sa inasta ko.
"Hindi ako nag jojoke Lian talagang mabait ang kuya mo." Sabi niya sabay subo ng last spoon ng kanin niya.
"Bakit mo naman nasabi na mabait si kuya?" Tanong ko tapos kinagat ko ang sandwich na kinakain ko.
"Tinulungan niya kasi ako nung isang araw na abutin yung paper ko na inihip ng hangin." Pagpapaliwanag niya.
Tss. Kung alam mo lang ang totoong ugali ni kuya. Hay sana ganun din siya sa amin, sana hindi nalang siya cold.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Mukhang nanghihinayang." Kaya tiningnan ko siya at ngumiti.
"Don't mind me, pero sana huwag kang masyadong magtiwala sa mga taong hindi mo masyadong kilala kasi baka hindi yun ang totoo nilang ugali I mean nagpapakitang tao lang, para maging mabuting tao sa paningin mo."
Ang haba nun ah kailan pa ako natutong magbigay ng paalala, ano ba tawag dun ah basta yun na yun hindi ko alam ang tawag dun kaya paalala nalang. Peace!
"Lian bakit mo sinisiraan ang kuya mo?" Tanong niya.
"No! Hindi ko siya sinisiraan sadyang ganun lang talaga ang ugali niya. May pagka cold mabuti ka nga pinakitaan niya ng maganda hindi katulad ko kanina." Nakuyuko ako habang sinasabi yan sa kanya.
"Ano ba ang nangyari sa inyo kanina?" Tanong niya naman may balak ba tung maging reporter paglaki tanong kasi ng tanong eh.
"Don't mind it basta tutulungan kita bukas pupunta ako sa inyo. Bye una na ako." Pagiiwas ko sa tanong niya.
"Okay thank you ulit ah."
"Wala yun." Pumasok na ako sa room at nagbasa ng novel.
Nagsimula nanaman ang klase namin tiningnan ko si Andy nakikinig na ito hindi katulad ng kanina tiningnan niya ako at ngumiti ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
Natapos na ang klase namin kaya uwian na lumabas na ako at pumunta sa may playground. Maglalaro muna ako Wala nanaman akong gagawin.
Nasa may swing ako ng may tumakip sa mga mata ko. Alam kung si kuya ito dahil siya lang naman ang palaging gumagawa sa akin nun.
"Kuya, please let go masakit sa mata." Tinanggal naman niya ang pagkakatakip at umupo sa may bakanteng swing na nasa tabi ko.
"You know Lian, I'm sorry hindi ko sinasadyang maging cold sa yo kanina." Sabi niya kaya napatingin ako ng diretso sa mga mata niya.
"Kuya palagi ka namang cold eh kaya lang sobra na yung kanina."
"Sorry okay sana makita ko na yang si Ms. Maganda na anak ng business partner nina mom and dad." Sabi ni kuya "Kaya sorry na hindi ko kasi matitiis na hindi ako pansinin ng kapatid kung makulit eh."
"Okay oppa bati na tayo pero bago yun libre muna ako ng cupcakes at ice cream."
"Sige tara yun lang naman pala Bakit hindi ko naisip yun agad."
Pagkatapos naming kumain ni kuya napagdesisyonan na naming umuwi.
---
Uwiian na kaya pupunta na ako sa bahay nina Andy para pakiusapan ang parents niya.
"Lian tuloy ka nasa dining room sina mommy." Sabi ni Andy
Nakita ko ang mom and dad niya na busy sa pag lalaptop kaya tumighim ako para mapansin nila.
"Hi po good afternoon. " Bati ko sa kanila ngumiti naman sila sa akin at ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa.
"Mom, dad nandito po si Lian para pakiusapan kayo." Sabi ni Andy kumunot naman ang noo ng kaniyang mga magulang.
"Ano yun hija?" Tanong ng mommy niya sa akin.
Umupo ako sa tapat nila, huminga muna ako ng nalalim bago nagsalita tiningnan ko si Andy na kasalukuyang nakangiti sa 'kin.
"Ahm Tita't Tito, hindi ko po alam kung saan magsisimula pero nasabi po sa akin ni Andy yung problema niyo. Ayaw ko po sanang makialam pero nung nakita kung hindi po nakaka concentrate si Andy tinanong ko siya kung anong nangyari."
Huminto muna ako saglit para tingnan ang reaksyon nila pero tinitigan lang nila ako na para bang nagsasabing ituloy mo.
"Kung mahal niyo po si Andy gagawin niyo naman siguro kung ano ang nakakapagpasaya sa kaniya at yun po ay ang bumalik po ang masaya niyong pamilya. Kahit na hindi para sa inyong sarili basta lang sa ikabubuti ni Andy. Gawin niyo po hanggang sa kaya niyo."
Tapos na akong magsalita hingal na hingal ako kaya ininum ko ang binigay ng yaya nila na juice.
"Salamat sa yo hija ngayon alam na namin na apektado pala si Andy sa mga nangyayari sa amin ng papa niya. Huwag kang magalala gagawin namin ang payo mo." Sabi ng mama niya.
"Ilang taon kana pala?" Tanong ng daddy niya.
"7 years old po." Sagot ko
"Ganun ba pero kung makaasta ka daig mo pa ako pag pinapangaralan si Andy, pero salamat sayo ah." DADDY niya
"Walang ano man po, Sige una na po ako baka hinahanap na ako nina mommy." Pagpapaalam ko sa kanila hinatid naman ako ni Andy sa gate nila.
"Salamat Lian ah ang bait mo talaga."
"Wala yun para saan pa ang pagiging magkaibigan natin kung hindi tayo magtutulungan. Una na ako bye!"
"Bye mag ingat ka salamat ulit."
----------
Thank you for reading..
Please don't forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...