Scarlette's POV
Naalimpungatan ako sa pagkatok ng pintuan tiningnan ko yung clock na nasa small table na katabi ng bed ko. Maaga pa naman 6:20 pa kaya iidlip na sana ako ng kumatok ulit ito kaya, napagpasyahan ko itong buksan.
Nagulat nalang ako kung sino ang kumatok hindi ako nagulat dahil sa pagkatok niya, nagulat ako dahil ang gwapo niya OMG! Ang hot niya pinagpapawisan kasi siya.
Teka lang dapat pagalitan ko siya dahil ginising niya ko sa pamamagitan ng pagkatok pero bakit tameme ako dito??
"Tss. Stop staring at me baka matunaw ako at alam kung gwapo ako." Pagmamayabang niya.
"Siguro nilunok mo ang aircon dun sa kwarto mo noh? Ang lakas kasi ng hangin daig mo pa ang bagyong Yolanda."
"Ang sungit mo panget. Pero ang cute mo dahil sa ayos mung yan." Sabi niya sabay pisil sa magkabilaan kung pisngi.
Oo nga pala hindi pa ako naghihilamos at nagmumog hindi naman ako bad breath pero ang gulo ng buhok ko. Para na akong mangkukulam neto nakakahiya.
"Don't touch me! Teka lang bakit kaba palaging nanggigising ha?!"
"Chill. Sasabihin ko sayo mamaya maligo ka muna at bumaba kana kakain na tayo." Sabi niya at tumalikod na.
"Ano nakain nun bakit biglang naging mabait?! OMG di kaya End of the world na?" Tanong ko sa isip ko.
Natapos akong naligo na ako at nagbihis ng uniform Monday na kasi ngayon kaya pasukan na.
"Oh nandiyan kana pala ate Carcar." Sabi ni Lian at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Sino nagsabi sayo na pwede mo kung tawaging Carcar?" Grabe siya kung sino man yan hindi ko nga pinapayagan si Daddy siya pa kaya.
"S-si kuya po ate siya ang nagsabi sa akin." Inosenteng sagot ni Lian.
ABA ang alien na yun pala ang may sabi akala ko ba nagbago na 'to, pero hindi pala. Ano kaya ang dabat gawin sa kanya? Hmmm.
"Ang lalim yata ng iniisip mo Carcar." Andrei
"Oo nga eh ang lalim, kasing kapal ng face mo."
"Ano connect dun?"
"Wala naman, but you! bakit tinatawag mo kung Carcar eh daddy nga di 'ko pinapayagan ikaw pa kaya?" May halong inis kung sabi.
"But ikaw naman talaga si Carcar, Carcar ng buhay ko." Seryoso niyang sabi, ito naman ako kinikilig pero ang Andrei na nakilala ko ay cold hindi bolero.
"Yuck kuya! Kailan ka pa natutong maging bolero?" Maarteng sabi naman ni Lian ng nakatutok ang pangingin sa kuya niya.
"Hoy hindi kaya ako bolero sadyang mahal ko lang ang ate Scarlette mo." Ewan ko kung ano ng itsura ko ngayon pulang pula na siguro.
"Hoy! Ikaw'ng alien ka anong pinagsasabi mo diyan?"
"Wag ka ng magalit panget, diba sabi ko sayo kagabi na liligawan na kita?"
Sa sinabi niyang yun bigla kung naalala ang mga pinagusapan namin at tinutoo niya nga ang sinabi niya. At kaya pala hindi na siya cold kasi pinakiusapan ko siya.
"Hay ikaw naman pala ang may kasalan Scarlette, Kung hindi ka lang sana pumayag na manligaw siya sayo hindi yan magkakaganyan."
"So tinutoo mo nga akala ko nagbibiro ka lang? Pero FYI huwag kang mangarap magiging okay na tayo dahil ang sabi mo lang na kagabi lang tayo friend."
"Okay lang kahit magsungit ka, mahal naman kita."
"Ewan ko sayo ang corney mo hindi bagay sayo mas bagay sayo ang maging cold at masungit." Sabi ko kaya nagwalk out nako tapos na naman akong kumain.
"Wait saan ka pupunta?!" Tanong ni Andrei sa akin kaya nilingon ko siya.
"Wala ka ng paki kung saan ako pupunta." Sabi ko sabay talikod.
SS UNIVERSITY....
Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno, nagiisip ng malalim tungkol sa napagusapan namin ni Andrei kagabi.
Totoo kayang liligawan niya ko? Excited na 'ko kung paano manligaw ang isang Andrei Villanueva na isang cold at masungit. Kung totoo man yun papahirapan ko siya baka nga hindi ko yun sagutin eh. Di joke lang.
"Hoy! Girl Para kang baliw diyan nakangiting magisa." Phoebe
"Ano iniisip mo, siguro si Andrei yan noh?" Cheska
"Tumigil nga kayo para kayong tanga diyan eh, teka nga lang bakit ngayon lang kayo?" Pag iwas ko sa mga pinagsasabi nila.
"Traffic eh!" Pasigaw na sabi ni Aileen
"Galit ka bess?!"
"Hindi, iniiwasan mo kasi ang tanong ni Cheska sayo." Pagpapaliwanag ni Aileen habang naglalakad paalis.
"Ano nang yari dun?" Bigla bigla nalang kasi sumisigaw at magwawalk out.
"Ewan ko hindi naman ako yung mama niya." Pamimilosopong sabi ni Cheska.
"Aba ganun? Kung batukan kaya kita diyan?" Sabi ko na para bang babatukan na talaga siya.
"Sorry okay? I dont know the answer kung bakit ganun siya." Sabi niya habang nakasangga ang kaniyang mga kamay sa batok niya.
"Tss." Yan lang ang tangi kung nasabi at pinuntahan na si Aileen sa classroom para matanong ko kung ano ang problema niya.
Pagkapasok ko sa room namin nagkakagulo na kaya nilapitan ko kung sino ang nagaaway. Laking gulat ko na lang ng makita ko si Aileen na walang Malay na nakahandusay sa sahig.
"Fuck! Aileen!"
---------
Thank you for reading...
Please don't forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...