Chapter 47

303 8 0
                                    

Pinalabas niya na ang mga kaibigan ko. Nandito rin pala sina Billy, pagkakita ko sa kanila naglakad na ako papalayo sumunod naman sila.

Sa kamalas malasan nga naman naabutan pa ako ni Andrei at hinawakan ako sa braso para hindi ako makaalis.

"Yabs listen to me. Hindi totoo ang mga sinabi ni Jeanne sayo. Kaya please let me explain."

"Explain for what?! Hell Andrei you dont need to explain! Kitang kita ko na kung paano kayo naghalikan sa harap ko pa and now let go of my hand!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya parin ako binibitawan.

"Andrei! Isa! Bitiwan mo na ako!"

"Bro bitiwan mo nalang si Scarlette, magpaliwanag ka nalang kung kalmado na siya." Mahinahong sabi ni Jad sa kaibigan niya.

Niluwagan niya na ang pagkakahawak sa akin kaya umalis na ako at diretsahang pumunta sa gate at tinawagan si Manong Edgar na magpapasundo na ako.

"Scarlette are you okay?" Tanong sa akin ng mga kaibigan ko. Paano ako magiging okay e niloko ako ng taong mahal ko.

"Guys paano niya nagawa sa akin 'to? Bakit niya ako pinaasa? Akala ko mahal niya talaga ako pero bakit may asawa na siya?" Sabi ko sa kanila pinunasan naman ni Cheska ang tumutulong luha ko.

"Guys alam niyo ba 'to?" Tanong ni Phoebe sa mga boyfriend nila.

"Sa totoo lang Scarlette hindi namin to alam. Sorry kung hindi namin masasabi sa'yo ang totoo." Harvey

"Okay lang wala naman kayong kasalan dito. Pero gaano niyo na ba katagal kilala si Kyla?"

"Since Grade 2 namin siya kilala kasi siya ang president namin nun hanggang Grade 8 ngayong Grade 9 lang namin siya ulit nakita." Pagpapaliwanag naman ni Billy.

"Ganun ba? Matagal na pala!" Aileen

Dumating na si Manong Edgar kaya nag paalam muna ako sa kanila.

"Guys mauna na muna ako ah? Magpapalamig lang ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Lette magingat ka, nandito lang kami para damayan ka tawagan mo nalang kami okay?" Aileen tumango nalang ako bilang sagot at sumakay na. Siguro pupunta nalang muna ako kina Mamita para makapag isip isip ako.

Pagdating ko ng bahay agad akong nilapitan ni mommy.

"Oh bakit ganyan ang mukha ng baby ko may nangyari ba?" Tanong niya hindi ko napigilan kaya napaiyak nalang ako niyakap naman niya 'ko.

"Sshh everythings gonna be okay. Kung ayaw mo pang pag usapan natin ngayon hindi kita pipilitin." Sabi ni mom sabay haplos ng likod ko.

"Mom pwede bang pupunta muna ako kina Mamita bukas? Gusto ko lang kasing makapag isip isip." Tumango naman si mommy.

"Okay anak you can go. Basta magingat ka okay?"

"Yes mom! Magpapahatid nalang po ako kay Manong Edgar para naman po mas safe." Pagkatapos kung sabihin yun umakyat na ako para maka pagimpake.

"ANONG GINAWA KUNG KASALAN SA'YO? BAKIT MO KO NILOKO?" Hindi ko na talaga kayang dibdibin ang mga nangyayari sa buhay ko kaya sumigaw nalang ako.

"Mahal pa naman kita bakit mo nagawa sa akin 'to? Sabi mo hinintay mo ako ng matagal tapos ngayon malalaman kung kasal ka na pala." Tinanggal ko ang necklace na binigay niya sa akin at itinago ko ito.

--Kinabukasan--

Nagising nalang ako ng maaga siguro nakatulog ako kagabi dahil sa kakaiyak. Naligo muna ako at ibinaba na ang mga maletang dadalhin ko, siguro magsstay muna ako dun hanggang maka move on na 'ko.

"Magingat ka sa biyahe anak okay?" Dad

"Yes Dad. Tatawagan ko nalang po kayo kapag dumating na ako dun."

"Mahal na mahal ka namin anak. Tinawagan ko na ang mamita mo na pupunta ka dun kaya ipinaghanda ka niya ng mga paborito mung pagkain." Sabi ni mom sumakay na ako sasakyan.

Papalabas na kami ng may makita akong isang pamilyar na kotse at hindi nga ako nag kakamali kay Andrei nga.

"Manong tara na po huwag po kayong hihinto kapag hindi ko sinabi." Tumango naman si Manong Edgar.

"SCARLETTE!" Sigaw ni Andrei mula sa labas ng kotse napayuko nalang ako at pinunasan ang tumutulong luha ko.

Sorry Andrei pero kailangan ko munang mag isip isip. Sabi ko sa isip ko at tumungin nalang sa labas ng bintana.

Hindi nagtagal nakarating narin kami sa bahay ng mamita ko.

"Scarlette apo. Miss na miss na kita." Sabi ni mamita at niyakap ako.

"Miss ko rin po kayo mamita, pero pwede po bang pumasok muna tayo at dun nalang sa sofa magkwentuhan?" Sabi ko tumawa naman si mamita sa inasta ko.

"Hindi ka parin talaga nagbago pilosopa ka parin. Tara pasok na tayo sa loob." Inakay niya na ako papasok sa loob at dinala sa room ko, miss ko na ang room kung ito.

Matagal na kasi akong hindi nakakapagbaksyon dito. Katulad ng sa bahay hello kitty din ang design ng room ko mas maganda nga lang ang sa bahay.

"Oh ano apo nagustuhan mo ba ang room mo?" Tanong ni mamita.

"Well maayos naman po siya pero mas maganda po kasi yung room ko sa bahay e." Pagbibiro ko nagpout naman si mamita close kasi kaming tatlo ni mamila.

Si mamita siya yung mommy ni mommy at si mamila naman ang mommy ni daddy. Gets niyo?

"Joke lang po maganda naman po yung room at gustong gusto ko. I appreciate your effort mamita."

"Sus babawi ka lang e. Pero sige na magpahinga ka muna alam kung pagod ka sa biyahe gigisingin nalang kita kapag kakain na. Ipaghahanda kita ng paborito mong pagkain." Sabi ni mamita at lumabas na.

Magbibihis lang ako at babanarin kasi gusto kung tulungan si mamita para hindi ako mabored maiisip ko lang ang nangyari sa amin ni Andrei. Hindi rin naman ako pagod dahil nakatulog naman ako sa biyahe.

------------------

Guys simula po dito wala na pong ibang POV kundi si Scarlette nalang ang magkukwento. Just to inform you guys.

-from Author😘😘😘

Thank you for reading...

Please dont forget to vote and comment...

I'm Dating The Ice Prince ✔Where stories live. Discover now