"Mabuti pa nga Car para naman madali mo lang siyang makita kung sinuot mo yun palagi." Tita tumango naman ako
"Paano ba yan mauna na kami Couz para masimulan niya na ang paghahanap." Pagpapaalam ni mommy kay tita Lordes.
"Mom! Yung sandal ko!" Sigaw ni Michaela ang bunsong anak ni tita.
"Pasensiya na kayo ah, ganyan talaga yan kapag hindi niya makita ang kaniyang hinahanap."
"Okay lang po yun, sige po tita una na po kami."
Nagmadali akong pumunta sa dressing room ko at hinanap ang sinasabi nilang bracelet pero wala akong nakita. Saang sulok ko na hinanap pero wala talaga pati yung sinabi ni mom na nilagay ko sa lalagyan ko ng jewelries kaya hinanap ko dun, nabigo lang ako kaya napagpasyahan ko nalang magpahinga.
Mahahanap ko rin kahit hindi ko hahanapin, dahil kung hahanapin ko kahit na tumanda ako hindi ko yun makikita.
Pumunta ako sa sala para manood ng T.V, napahinto lang ako sa panonood ng makita ko sins mom and dad na naguusap. Parang ang seryoso nila yata pinabayaan ko nalang sila at ipinagpatuloy ang panonood.
"Anak Scarlette halika muna dito, may paguusapan lang tayo." Sabi ni dad kaya lumapit ako sa kanila.
"About what Dad?!" Hindi sarcastic yung pagkasabi ko niyan ah.
"May business trip nanaman kami ng mom mo.. " Pinutol ko siya sa sasabihin niya.
"Alam ko na yan dad kaya ko na ang sarili ko kaya huwag muna akong intindihin. Kailan ang alis niyo?" Tanong ko nasapo naman ni dad ang noo niya, problema nito?
"Hindi ito ordinary okay?" Mom
"What do you mean?"
"Remember yung kapartner ng Dad mo? Kasama sila kaya ang dalawang anak dito muna mag s-stay habang wala pa kami ng mom and dad nila."
Kung mababait sila at kung hindi malilikot okay lang sila. Huwag lang nila ako estorbuhin.
"Don't worry Car they are good than you." Walang hiya ka dad sabihan ba naman na mas mabait pa sila keysa sa akin.
"Joke lang okay? Sige na bumalik kana dun." Tumalikod na ako at ako ngunit nagsalita si mom.
"Car nahanap mo na ba yung bracelet mo?" Tanong niya kaya napatigil ako.
"Hindi pa po, ipapahanap ko nalang kay yaya Melda."
"Ahh ganun ba, kung wala dito sa bahay baka naiwan natin sa Korea." Mom
Tumango lang ako at nanood na ng palabas. Ang boring wala na bang ibang palabas, punta nalang ako sa park maaga pa naman.
Nagbihis na ako at bumaba nagpaalam na rin ako kina Dad. "Dad, mom alis muna ako pupunta lang ako sa park."
"Magingat ka sa pagmamaneho. " Dad
Nakarating na ako sa park, wala masyadong tao kaya naghanap ako ng mauupuan at nung nakakita ako umupo na ako at isinalpak ang headset ko ang ganda kasi ng feeling kapag nakikinig ka ng music na may nakikita kang mga batang naglalaro.
Wala pa sa kalagitnaan ang music na pinapatugtog ko ng may kumalabit sa akin, hinarap ko ito at tumambad sa 'kin ang napaka cute na little girl.
"Hi ate, pwede bang maki-share dito? Wala na kasing bakanteng upuan eh." Tinuro naman niya ang mga upuan oo nga wala ng bakante pero kanina lang walang tao pero ngayon ang dami na.
"Sure! By the way my name is Scarlette but you can call me ate Scar, and you are?" Pagpapakilala ko sa kanya ganito kasi ako kapag nakakita ng mga little kids. Ang hilig ko kasi sa mga bata, gusto ko sanang magkaroon ng baby sister pero hindi na pwede.
"I'm Lian. " Sabi niya at ngumiti inilahad niya naman ang kamay niya. Ang cute niya ng ngumiti siya lumabas kasi yung dalawang dimple niya.
"I'm glad to meet you." Nag kwentuhan lang kami ng dumilim na at dumating na ang yaya niya napag pasyahan na naming nagpaalam.
"Bye ate Scar." Sabi niya sabay wave sa akin nag wave naman ako pabalik.
"Bye nice to meet you. See you soon." Sabi ko naman at pinuntahan na ang kotse ko.
Teka car ko yun ah, nagmadali akong pumunta dun. Hindi sila makakapag nakaw noh may ginamit kaya akong special key na ibinigay ni Dad to protect my car."Ito ba ang kailangan niyo?" Sabi ko sabay pakita ng special key ko.
"Oo yan nga." Sabi ng isang panget nilang kasama. May mas panget papala kay Andrei akala ko siya na ang pinakapangit, pero joke lang gwapo naman talaga si Andrei inaasar ko lang siya.
"Talunin niyo muna ako, bago niyo makukuha toh." Akala niyo hindi ko sila matatalo huwag kayong magaaall kaya ko sila.
"Game babae kalang naman, Kaya ka naming patumbahin." Sabi naman nung isa na mukhang paa.
Kaya ko sila dahil nagaral ako ng karate, and FYI karate black belter kaya ako. Marami na akong napatumba sila pa kaya na ang papayat parang patpat.
Nagsimula na kaming maglaban natumba ko na ang isa may tatlo pa sinipa ko ang isa sa sikmura niya, napamura naman siya sa sobrang sakit para mapatumba siya ginamit ko ang special skill ko pagdating sa karate ang headbutt. Natumba naman siya hindi ko na malayan na may isa pa silang kasama. Papaluin niya na sana ako sa likod ng may umabig sa akin at siya ang lumaban sa natitirang kalaban.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito, Kaya laking gulat ko ng humarap siya sa akin pagkatapos niyang mapatumba ang natitirang kalaban.
---------------
Sino kaya ang tumulong kay Scarlette para labanan ang 3 magnanakaw.
Thank you for reading...
Please don't forget to vote and comment...
YOU ARE READING
I'm Dating The Ice Prince ✔
Teen FictionFollow your heart but take your brain with you. Life is very complicated. Don't try to find answers, because when you find answers life changes the questions.. Lahat ng yan ay makikita sa buhay ni Scarlettte Salvador, all people think that she is...