ANG NAKARAAN....

6.4K 95 20
                                    

Taong 1887 nang dumating si Claudius sa Maynila upang pakasalan ang anak na dalaga ng isang mayamang kastila na si Don Henrico Hermanuevo. Kasalukuyang mataas ang tensiyon sa Pilipinas nang mga panahong iyon dahil na rin sa mga pag-aaklas ng mga Katipunerong Filipino laban sa pamahalaang Kastila.

Sa pagdating ni Claudius sa Pilipinas ay pinaghihigantihan na pala siya ni Demetria, ang noo'y lider ng mga anak ng buwan dito sa Pilipinas. Binalak niyang patayin si Claudius pero hindi siya nagtagumpay.

Iyon din ang unang pagkakataong nagkita sina Claudius at Odessa. Nabiktima ni Claudius si Odessa sa pamamagitan ng pagsipsip sa dugo nito na halos ikamatay na ni Odessa kung hindi lamang niya nagamit ang kanyang kapangyarihan.

Nakita lahat ni Demetria ang ginawa ni Claudius kay Odessa. Alam ni Demetria na may kakaiba sa babae kaya sinundan niya si Claudius sa loob ng bahay ng babaeng may dugong diwata.

Tumambad kay Demetria ang mga bangkay ng mga kinikilalang magulang ni Odessa sa loob ng maliit na bahay. Tinungo ni Demetria ang likurang bahay at doon nakita ni Demetria ang halos wala ng buhay na si Odessa.

Natukso din si Demetria na simsimin ang dugo ng babaeng may lahi ng isang malakas na diwata. Maaring nagawang saktan pa ni Odessa si Claudius kaya iniwan niyang buhay ang babaeng biktima.

Nang makita ni Demetria na may pagtibok pa ng puso si Odessa ay tinigilan niya ang pagsipsip ng dugo nito na ng mga sandaling iyon ay mahinang-mahina na.
Hindi kayang pumatay ng tao ni Demetria kaya hindi niya pinatay si Odessa bagkus ay inilagay niya ang kamandag niya sa dugo ni Odessa para mahawaan niya ng pagiging Sangre. Gagamitin niya si Odessa para sa paghihiganti niya kay Claudius, para kalabanin at patayin ang mga anak ng buwan na may masamang intensiyon sa mga tao.

Para maisagawa niya iyon ay kailangang alisin ni Demetria ang alaala ni Odessa para makontrol niya ang isip nito at magtatagumpay sa kanyang plano laban sa mga anak ng buwan.

Matagumpay na naiturok ni Demetria ang kamandag nito kay Odessa. Kailangan niyang isama si Odessa kung saan siya nakatira para maturuan niya ito sa pakikipaglaban at gawing ganap na assassin. Pero naudlot iyon ng biglang dumating si Mariang Sinukuan at nakita niya si Odessa na wala pa ring malay. Walang nagawa si Demetria kundi iwan na lamang si Odessa kung saan niya ito nakita.

Ayaw ni Demetria ng gulo kaya kinalimutan na lamang niya ang balak na paggamit kay Odessa sa paghihiganti kay Claudius. Napilitan siyang iwanan si Odessa kasama ang diwatang si Mariang Sinukuan at bumalik na sa pamumuno sa mga grupo ng mga Sangre. Mga grupo ng bampira na nakakapagpalit-anyo.

Kinukop naman ni Mariang Sinukuan si Odessa at tinuring na isang tunay kapatid. Para hindi mauhaw sa dugo ng tao si Odessa ay dinala siya sa kagubatan ni Mariang Sinukuan upang inumin ang katas ng nektar ng bulaklak ng Myrho. Sa pamamagitan nito ay pinipigilan ang bampira na mauhaw sa dugo ng tao sa loob ng isang buwan at binibigyan pa nito ng kakayahang makapaglakad sa ilalim ng init ng araw.

Nang mga sandaling iyon ay naroroon rin si Demetria kaya nasaksihan niya ang lahat tungkol sa Myrho. Ginamit niya ang pulang likido pati na rin sa kanyang mga kasamahan para maiwasan na rin ang pumatay ng mga tao.

Naging assassin si Odessa tulad ng ipinasok ni Demetria sa kanyang isipan. Halos gabi-gabi ay nag-aabang siya sa mga lungsod para maghanap at pumatay ng mga anak ng buwan. At para maisagawa niya iyon ay namuhay siyang kasama ang mga tao at sinamantala na rin niya ang makapag-aral at makisalamuha sa mga mortal.

Halos isang daan taon din iyon at nakilala niya si Calisha nang mag-aral siya sa Angeles City sa Pampanga at nakasama sa boarding house. Naging matalik na magkaibigan sina Odessa at Calisha at tulad sa magkapatid ang turingan nila.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon