Chapter 57: THE ESCAPE

346 27 9
                                    

Kitang-kita ni Blake na akmang sasagpangin na ng Lubingan si Mariang Makiling. Ipinikit nito ang kanyang mga mata at sa isang iglap ay naglaho ito sa kanyang kinatatayuan.

Poofff!!!

Hindi nakuhang tumayo pa ni Mariang Makiling sa pagkakahampas sa kanya ng Lubingan. Alam niyang aatake na ang dambuhalang ahas para siya'y patayin at kainin. Hindi siya titingin. Hindi niya tititigan ang nilalang na tatapos sa kanyang buhay. Hindi niya inaasahan na sa ganitong paraan pala matatapos ang kanyang buhay.

Kitang-kita niya ang anino ng lubingan na unti-unti sa pagtayo ng ulo nito na tila kumukuha ng buwelo para siya ay tuklawin. Dumaloy ang luha sa mga mata ng diwata dahil alam niya na iyon na ang kanyang katapusan.

Tulad ng inaasahan ni Mariang Makiling, kaagad na ipinuwesto ng Lubingan ang kanyang katawan pagkaangat nito sa kanyang ulo. Ngumingis ang dambuhalang ahas at inilabas ang dalawang pares ng pangil para ibaon ang lason sa katawan ng babaeng diwata. Palalambutin ng lason ang mga buto ni Mariang Makiling para madali niya itong malulon at tunawin sa kanyang tiyan. Akmang tutuklawin na ng dambulang ahas ang babaeng diwata ng biglang lumitaw sa harapan ng diwata ang batang si Blake at pinatama niya ang ilaw na nanggagaling sa kamay nito sa ulo ng ahas. Biglang umusok ang ulo ng Lubingan pagtama ng ilaw sa mukha nito at namilipit sa sakit. Isang napakatining na sigaw ang pinakawalan ng dambuhalang ahas dahil sa sobrang sakit na ginawa ng ilaw na nanggaling sa kamay ng batang si Blake.

Mabilis na hinawakan ni Blake si Mariang Makiling at parehong naglaho sa lugar na iyon. Patuloy sa pamimilipit sa sobrang sakit ang dambuhalang ahas sa kanyang pugad. Hindi nito alintana na tinatamaan nito ang mga itlog sa paligid niya. Ilan sa mga ito ang napisa at ang ilan naman ay nagpagulong-gulong sa paligid at muntikan ng mahulog sa mga kanal na dinadaluyan ng nag-aapoy na putik.

Poofff!!!

Sampung metro mula sa pugad ay muling lumitaw sina Blake kasama si Mariang Makiling. Tila nagtataka si Blake sa nangyari dahil hindi pa pala sila nakakaalis sa lugar na iyon. Mukha ng pagkadismaya ang nangibabaw sa kanya lalo na ng makitang patuloy sa pagyugyog sa ulo ng ahas na nasaktan ng ilaw mula sa kamay ng batang si Blake.

Akmang muling gagamitin ni Blake ang kanyang kapangyarihan ng biglang hinawakan ni Mariang Makiling ang kamay nito. Napatingin si Blake sa diwata.

"Huwag, hindi pa ang tamang panahon para gamitin ang iyong kapangyarihan. Maging matalino ka sa paggamit niyan dahil yan ang magsasalba sa buhay mo." Ang mahinang wika ni Mariang Makiling. "Kailangan muna natin makapunta roon at dumaan sa butas na iyon." Sabay turo sa butas na malapit sa kisame ng kuweba.

Napatingin si Blake sa itinurong butas ni Mariang Makiling. May kataasan iyon at para maakyat ito ay kailangan nilang dumaan sa mga namuong mga stalagtite at stalagmite sa tabi nito. Tinitigan ni Blake ang diwata. Sa kalagayan nito ngayon ay baka hindi kakayanin ni Mariang Makiling na makaakyat hanggang doon sa maliit na daanan dahil sa tinamong pinsala sa pagkakahampas sa kanya ng dambuhalang ahas.

"Pero baka hindi po ninyo kakayanin ang pag-akyat sa kisame ng kuweba." Ang nag-aalalang wika ni Blake sa diwata. Patuloy na minamasdan ni Blake ang ahas para paghandaan ang muling pag-atake nito kapag nakabawi na sa ginawang pinsala ni Blake sa kanya.

"Huwag mo akong alalaanin Blake. Kaya ko ang sarili ko at malaki na ang pasasalamat ko sa'yo kanina dahil sa pagsagip mo sa akin sa Lubingan. Na kung tutuusin ako dapat ang gumagawa niyan sa'yo." Ang wika ng diwata. "Saka pakiramdam ko ay nababalutan ng mga dasal ng engkanto ang lugar na ito kaya pinipigilan nito ang iyong kapangyarihan para makalabas tayo dito."

"Ha? Ibig niyo pong sabihin ay hindi po tayo basta-basta makakalabas dito  kahit gamitin ko pa ng paulit-ulit ang aking kapangyarihan?" Ang tanong ni Blake sa diwata.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon