Chapter 6: A NEW DAWN

695 44 15
                                    

Gumising si Odessa sa isang malawak na silid na kung saan napapaligiran ito ng mga makukulay na bato at kristal. Sinubukan niyang tumayo pero hindi nya magawa dahil pakiramdam niya ay namamanhid at nanghihina ang buo niyang katawan.

Ano nga ba ang nangyari sa kanya? Bakit siya naririto sa lugar na ito? Makailang ulit niyang sinubukang tumayo pero bigo siyang magawa ito.

Halos mapasigaw siya ng mapansin niyang wala siyang suot na damit at tanging ang kumot lamang ang nakatakip sa kanyang katawan.

Sa tabi ng kama ay isang lamesita na kung saan naroroon ang bote na may lamang nektar na mula sa bulaklak ng Myrho.  Sa tabi nito ay isang takip ng Taklobo na napupuno ng kulay pulang seaweeds.

"Komusta na ang pakiramdam mo, kaibigang Odessa? " Ang tanong ng isang lalake na halos magpalundag kay Odessa sa kinahihigan niya.

Napatingin siya sa pinagmulan ng boses at doon ay nakita niya mula sa bumabagsak na tubig ang kaanyuan ng isang matangkad at matipunong lalake. Bigla niyang naalala ang pakikipaglaban niya sa maliit na isla na kung saan nakatunggali niya ang isang Sangre.

"Claudius?!" Ang malakas na sigaw ni Odessa at sinubukang nagpumilit na bumangon.

"Sandali, kaibigang Odessa. Sandali lang, hindi ako si Claudius." Ang tugon ng lalake na tila naalarma.

Hinawi ng lalake sa kanyang kanang kamay ang bumabagsak na tubig sa kuwartong iyon. Tila kurtinang lumislis ang tubig at mula roon ay iniluwa nito ang mukha ng isang pamilyar na lalake.

"Di...diyos na Danum?" Ang napatulalang si Odessa pagkakita sa lalake. "Paanong..."

"Hayaan mo akong magpaliwanag Odessa. Alam mo namang hindi ako ang kalaban." Ang wika ni Danum at kapansin-pansin sa kanya ang pagkabalisa habang naglalakad papalapit kay Odessa.

Biglang umusok ang katawan ni Odessa dahil sa galit na naramdaman sa lalake.

"Sinungaling! Isa kang balat-kayo! Ikaw si Claudius! " Pagkasigaw ni Odessa ay biglang sumabog ang pader sa likuran ni Danum.

"Hindi, nagkakamali ka Odessa. Hindi ako si Claudius, kung may masama akong balak sa'yo ay pinatay na dapat kita habang wala ka pang malay. Hayaan mo muna kasi akong magpaliwanag." Ang natatarantang tugon ni Danum kay Odessa.

Huminahon si Odessa na tila napaisip sa sinabi sa kanya ng lalake. Namangha din siya na nagawa niya maglabas ng kapangyarihan gamit ang elemento ng apoy at napasabog ang pader ng kuwarto na yari sa makukulay na kristal.

"Sige, magpaliwanag ka at para maintindihan ko! Kailangan mo talagang magpaliwanag lalo na sa ginawa mong pag-alis sa kasuotan ko!" Ang nanggigigil na si Odessa. Tila naaalala pa niya kung paano siya ininsulto at nilibak ng lalake ng magpanggap ito bilang si Claudius.

"Matagal ka na naming sinusubaybayan Odessa. Bata ka pa lang ay nakitaan na namin ang potensyal ng iyong kapangyarihan. Kalahating diwata at kalahating tao pagkatapos ay pumasok pa sa katawan mo ang kapangyarihan ng dugong Sangre. Pero hindi naging madali sa'yo ang pagkakataon lalo na't natulog ang kapangyarihan mo bilang isang Diwata. Oo isang diwata na nananalaytay sa'yo sa iyong dugo.  Anak ka ng isa sa pinaka makapangyarihang diwatang nabuhay sa ikatlong dimensyon ng mundo. Ang potensiyal na kapangyarihang nais makamit ng lahat ang elemento ng apoy, ang ibong Baguisan na matagumpay mong nailabas sa iyong katauhan bilang kapangyarihan mo kahit wala ang Eskrihala."

"Anong ibig mong sabihin? Sino ang tinutukoy mong isa sa pinaka makapangyarihang diwata na isa sa mga magulang ko?" Ang tanong ni Odessa tungkol sa narinig niya kay Danum.

"Sa pagkakataong iyan ay ikaw na ang tutuklas kung sino ang diwata na tinutukoy ko. Hindi ba na sa'yo na ang mga hibla ng iyong alaala?"

Tumango si Odessa sa tanong ni diyos na si Danum.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon